~ SIDE ACTIVITY #2 ENTRIES

45 8 2
                                    

~ @sofiabalazonOFFICIAL ~


1. Bakit po ako nagsusulat nang story? Well, marami po akong dahilan. Una, gusto ko po kasing i-share sa inyong lahat ang mga makukulit na ideas na patuloy na tumatakbo sa makulit kong utak. Feeling ko kasi mababaliw ako kapag hindi ko nagsusulat ng stories. Pangalawa, gusto ko po kasing bigyan ng dahilan ang papa ko na maging proud sa akin. Never kasing naging proud ang papa ko sa akin. Kaya ginagawa ko ang lahat para lang mapasaya at maging proud na tatay siya sa akin. At ang huli naman ay, gusto ko kasi na someday eh maging sikat din akong author gaya ng mga author na idols ko. Bata pa lang ako ay pangarap ko nang maging writer. :)


2. gusto kong sumikat ang story ko hindi dahil sa pansarili kong gusto. Gusto kong sumikat ang story ko dahil gusto ko magkaroon ng dahilan ang pamilya ko na maging proud sa akin. Gusto kong patunayan na din sa papa ko na hindi lang ako black sheep sa pamilya. Na may kaya din naman akong ipagmalaki gaya ng mga ate ko. Bitter ba? sorry..


3. Gusto kong maging writer dahil sumasaya ako sa tuwing nakakapagsulat ako ng story. Masayang masaya ako. ^_^


4. Inspirasyon ko? Marami. Sina mama, ate shee tapos yung mga idol kong author sa wattpad. ^_^ Pero pinakafavorite at nakapainspire sa akin na idol kong author ay sina purpleyhan at alyloony. :) Okay na po ba ito ate? ^__^


COMMENT: Nakakasad po na ganyan ang tingin sa inyo ng pamilya mo. Pero first of all, dapat para maging proud ang ibang tao sayo ay dapat proud ka muna sa sarili mo. Never stop writing until you achieve your goals kahit maging proud pa ang iba sayo o hindi. Pero i know naman na magiging proud sayo ang tatay mo. And one more thing, dont aim to be like your sisters, be different. :)



~ @Zerose_Crimson ~


Question number four, I choose you!


Q: Ano o sino ang inspirasyon niyo sa pagsusulat?


Marami eh!


May nakakabwiset pero nakakahibang na anime. May nakaka-addict na EXO na mapapacrazy dance ka na lang dahil di mo alam yung steps. May mga storyang nakaka-ewan yung plot! Sa mga tumulong sakin na tumakas sa mental tsaka sa mga nagbalik ulit sakin dun! Sa mga na-overdose na katulad ko at kailangan nang turukan para makapagsulat ng walang kabaliwan pero hindi matiis dahil sadyang natural na baliw na. Sa mga doktor ko sa mental na may sayad din. Sa mga kapwa-baliw kong mga kaibigan na lagi kong kasama sa kabaliwan at kalokohan. Mga partners in crime! Sa mga pamilya kong hindi ako tinatakwil kahit isa na akong dakilang baliw. Sa mga mambabasa kong nahawaan ng kabaliwan ko at sa mga mambabasang mahahawa pa lang XD At syempre ang sarili kong walang ibang alam kundi kabaliwan at ka-ewanan sa buhay. Inspired ako sa sarili ko kasi ang baliw ko pero alam ko at hindi ako baliw dahil dun kaya naturingan akong baliw kahit hindi naman talaga ako baliw dahil sabi ko baliw ako pero hindi talaga kaya sana intindihin niyo na baliw talaga ako pero nagpapasalamat pa rin ako kay God na kahit baliw ako binigyan niya ako ng pagkakataong makapagsulat ng mga kabaliwan ko sa buhay!


Bow!


COMMENT: Ay grabe teh nabaliw naman ako dito hahaha! Laptrep ka, kaloka. Lol.



~ @writetillyoubleed ~


#1: BAKIT KA NAGSUSULAT NG STORYA?



Nagsusulat ako ng storya kasi nakahiligan ko na simula nung college. Magmula ng mabasa ko yung mga gawa ng kaibigan ko, naispire ako na gumawa ng sarili kong mga kwento. Mahilig din akong magbasa kaya sa tingin ko isa din yun sa dahilan. Masarap din kasi ang magkuwento at ang sarap sa pakiramdam nung nakatapos ka ng isang buong kuwento. Isang outlet ko rin ang pagsusulat para magpalabas ng stress at mga hinanakit. Pag nagsusulat kasi ako nagagawa kong maging ibang tao. Lahat ng personal frustrations ko ay nagagawa o natutupad ko sa pamamagitan ng pagsusulat. Halimbawa na riyan ay napoportray ko sa bidang character ng kuweto ko yung mga ugali at itsura na wala ako. Kaya gustong gusto kong nagsusulat. At bonus naman kung may nagkakagusto sa mga isinusulat ko. :)


COMMENT: Nakakarelate ako diyan. Actually, yan din ang reason ko sa pagsusulat eh. Masarap makabuo ng kwento kaya nga lang nakakatamad :3




Lemon's Book Club (INACTIVE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon