Chapter 1

59 5 0
                                    

Liam POV

I've been here in my villa for almost 2 days already, wala naman akong schedule ng training dahil kakauwi ko lang din last week galing sa isang event. At dahil wala naman akong magawa ay napagpasyahan ko na kang na mag ikot-ikot muna sa compound. Hanggang sa mapadpad ako sa villa nang kapatid ko. I saw Raven and Sienna happily talking in the garden. Ang pagkakaalam ko ay hiniram ni Mommy ang anak nila kaya silang dalawa lang ang nandito ngayon.

It's been 3 years already, kasal na din si Kuya at Sienna. Noong una ay gusto pa sana nila na ipagpaliban dahil iniisip nila ako, pero sinabi ko na ayaw kung maging dahilan para tumagal ang pagpapakasal nila.

Muli ko na naman naalala si Everleigh. Kumusta na kaya siya ngayon? Simula nang huli naming pag-uusap ay wala na akong naging balita pa sa kanya. I tried contacting her many times pero out of reach, pumunta din ako sa bahay nila pero nasa ibang bansa ang mga magulang niya pero may nakapagsabi sa akin na hindi nila kasama ang anak nila noong umalis.

Hanggang ngayon ay hindi pa din maalis sa akin ang lungkot at panghihinayang, siguro kung hindi nangyari ang bagay na 'yon ay sana magkasama pa kaming dalawa. Pero kahit gano'n ay hindi ko naman pinagsisisihan ang naging desisyon ko lalo na at nakikita kung masaya ang kapatid ko. He already suffered big time and he deserves happiness.

"What are you doing here, Liam?" napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Levi na kakababa lang sa golf cart.

"Bulag ka ba para hindi makitang naglalakad lakad ako?" maikling sagot ko.

"Pinagmamasdan mo na naman si Raven at Sienna," pag-iiba nito sa usapan.

"I'm just happy seeing my brother building his own family."

"What about, Leigh? Do you have any news about her?"

Umiling naman ako at nag iwas ng tingin. "I already hired a private investigator just to find her pero mukhang mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita."

"You both suffered, hindi naman naging mali ang desisyon mo para sa kapakanan ng is pamangkin mo at the same time I also understand Leigh. She's hurt because she didn't know what's going on. But I believe you'll cross path with each other again in the right time."

"Sometimes, life is so unfair. Kahit na hindi mo gusto gawin ang isang bagay ay wala kang magagawa dahil wala kang choice, minsan kahit labag sa loob mo ang magdesisyon o mamili pero kailangan,"

Lumapit naman ito sa akin at saka ako inakbayan. "World is cruel, we need to survive. Minsan may mga desisyon tayong mali pero hindi ibig sabihin no'n ay masama na tayo, minsan nagagawa natin 'yon dahil sa malalim na rason. I believe that when Leigh finds out your reason she will understand it,"

Tumango na lang ako at sabay na kaming lumapit sa dalawa.

"What are you doing here, fuckers?" bungad ni Kuya Raven sa amin.

"Kailan pa naging bawal pumunta dito, Thaddeus?" balik tanong ni Levi.

"Matagal na, lalo na kung ikaw lang naman ang pupunta. Hindi ka ba aware? Huwag kang mag-alala dahil ipapabanned na kita mamaya," sagot naman ni Kuya dito dahilan para makatikim siya ng kurot kay Sienna.

"Sienna, sigurado ka na ba sa desisyon mo na manatili kay Raven? Magsabi ka lang kung ayaw mo na at pwede kang bumalik sa villa ko o kaya itatago kita ulit," pang-aasar ko sa kapatid at saka umupo ako sa tabi ni Sienna.

"Do you think you can do that again, Liam Kedrick?" nakataas kilay na saad ni Kuya.

"Why not? Nagawa ko na nga dati diba? Pasalamat ka nga lang dahil mahal ka ng kaibigan ko kaya hindi ka sinukuan, edi sana wala kang buong pamilya ngayon," I smirked.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 22 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gear Gods Series : Hearts On Reverse (Posted on VIP)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon