Just a short yet intriguing story of a young boy and the girl named Sarah...
"Sa Mga Mata ni Sarah", was not your ordinary horror fic. with a twist in the end. It tackles about the guy's daily problem, heartbreak and how he cope up with this. Relieve your childhood and see if something like this happened to you.
Enjoy reading!
Created: 21 February, 2013
Ended: 9 March, 2013
Sa Mga Mata ni Sarah
By IhEaRtZeRoThEhErO
"Gusto kong gapusin ang mundo,
Sa mga kamay ko’y maglalaro kayo,
Gusto kong hawakan ang mundo,
Sa mga kamay ko’y..."
~O~
Naninigas ang buo kong katawan. Di ko maigalaw ang aking mga binti. Sobrang lamig ng hangin kahit na maliwanag na’t mataas ang araw. Pilit akong gumagalaw subalit tanging ang malakarayum lang na sakit ang naging sagot ng aking ginawa sa aking balat. Tila ako isang bampira na nasisinagan ng araw - pinupulikat na naman kasi ako.
Kinusot kong muli ang aking mga mata sapagkat bahagya itong lumabo. Tila may tubig sa aking mga mata na sinisira ang aking paningin. Para akong may nakitang nakatayong babae sa aking gilid. Nakayuko itong nakatingin sa akin. Minamalikmata na naman ata ako.
Nang muli kong idilat ang mga mata ko ay binulabog ako ng iyak ng aking alarm clock. Nang tingnan ko ito ay alas sais pa lang ng umaga, pero nang tingnan ko naman ang aking cellphone ay limang minuto na lamang bago mag-seven thirty, nalate na naman ang alarm clock kong mukhang ewan.
Pinilit kong tumayo subalit lalo lamang akong nasaktan. Tila binuhusan ng yelo ang aking binti sa lamig at pamamanhid. Wala na nga akong nararamdaman.
Di na lamang ako nagpumilit na tumayo. Bumalik na lamang ako sa paghiga, wala rin naman akong magagawa diba? Masasaktan lang naman din ako’t mahihirapan, sa huli’y kabiguan pa rin ang sasalubong sa akin. Nasanay na rin naman ako sa ganito. Laging nawawalan ng option, madalas na sumusunod na lamang ako sa kagustuhan ng iba. Pinangangatawanan ko na lamang ang mga bagay, kahit na alam kong mali. Duwag kasi ako at ang tangi kong takbuhan ay matagal na akong iniwan.
Napatingin ako sa bintana at natiyak kong mataas na nga ang araw tulad ng aking hinuha kanina, subalit bakit kahit ang aking upper body na di naman pinupulikat ay di man lang nakakadama ng init? Baka di pa rin naman mainit...maaga pa kasi.
“Sheila, magbukas ka nga ng electric fan at ang bata’y naliligo na sa pawis,” rinig kong wika n gaming kapit-bahay.
Kinapa ko ang kumot sa aking likuran, nahigaan ko ata habang natutulog ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng lamig. Kakaiba...parang nakadikit ang balat ko sa t.v. - nagtataasan kasi ang balahibo ko at ang bigat ng pakiramdam ko, parang...
“Geronimo, ano hindi ka pa rin ba babangon? Aba’t dalawang araw ka ng absent! Hindi na pwede ‘yan ah, nagsasayang ka na ng pera, aba’t alam mo ba kung ganong hirap ang ginagawa ng tatay mo sa Dubai para lang may maibayad dyan sa eskwelahan mo?” dagdag pa ni nanay, “Aba’t maswerte ka’t pinag-aaral ka namin ng tatay mo. Ang ibang magulang ay masaya ng may diploma ng hayskul ang mga anak nila, pero kami ng tatay mo ay hinde. Kaya nga pinag-aaral ka namin sa Kolehiyo.....” at marami pa siyang ibang sinabi na di ko na pinakinggan. Tinakpan ko kasi ng unan ang magkabilaan kong tenga. Nakakapagod na kasing makinig sa paulit-ulit na misa ni nanay. Makagawa man ng mabuti o hindi’y ‘yan pa rin ang sasabihin niya.
BINABASA MO ANG
Sa Mga Mata ni Sarah (A Short Horror Story)
HorrorJust a short yet intriguing story of a young boy and the girl named Sarah... "Sa Mga Mata ni Sarah", was not your ordinary horror fic. with a twist in the end. It tackles about the guy's daily problem, heartbreak and how he cope up with this. Reliev...