W A K A S

113 9 2
                                    

•••

Tulad ng ibang kwento,

Tatapusin ko na ang munting istorya na ito

Lagakan na naging tahanan ng aking damdamin,

Malaya kong naihahayag ang aking mga saloobin

___

Wala man itong maituturing na magandang hangganan,

Sapat na ang lahat ng iyon para masabing "sinubukan ko naman"

Saksi ang araw at buwan sa kung gaano at paano kita ipinaglaban,

Sa kabila pala niyon ay hindi pa rin kayang tumbasan at naiwan pa rin ako sa kadiliman

___

Tunay nga pala ang sabi nila,

Hindi mo mapipilit ang isang bagay lalo kung sa kalawakan ay nakaukit na

Hindi ako...hindi tayo para sa isa't-isa,

Pinalaya ang damdamin kasabay nang pagbitaw sa huling hibla.

•••

The Untold Side of MineWhere stories live. Discover now