Asan kana? Kanina pa kami naghihintay nang grupo dito? Are you even awake right now?! Text ko kay Les.Kanina pa kasi kami naghihintay sa kanya at ni reply hindi nya magawa. Sya nga ang pinaka kailangan dito pero di pa sya dumadating. Nandito kasi kami ngayon sa isang baranggay para mag interview nang isang pamilya para sa project namin sa Economics. I'm the leader so I need to facilitate this quickly para di na hassle kasi andami pang ibang projects.
Ilang minuto ang lumipas nagvibrate ang phone ko.
Shit. I'm so sorry. I'll be there as soon as I can. Hintayin niyo na lang ako sa tambayan nang mga traysikel. Bibilisan ko lang. He replied.
See?Kaya ako inis na inis dito eh. At tinatanong pa talaga nang mga kaibigan ko kung bakit highblood ako pag andyan si Les. Well, obviously he brings out the worst in me.
Are you trying to take the itsy bitsy patience I have for you Les?! You're kidding me right?! You just woke up ad we are waiting here for almost two hours?! You're full of crap. I replied not giving a damn about my rudeness. I gotta let it all out.
Mukhang papatayin mo na ako ah. Nakasakay na ko nang jeep.
Halos kalahating oras byahe papunta dito at kung nasa jeep palang sya ngayon mag hihintay nanaman kmi ng ganun katagal. And most of us woke up 7 AM just to be here on time. While he's sleeping he's heart out. And it's almost 12.
Hindi nako nag reply kasi naiinis na ako. Naiinip na rin ang mga classmates ko. Pero hindi sila naiinis kay Les. Ako parang kakalbuhin ko na talaga sya.
Mel, okay ka kalang? Konting tiis nalang dadating na rin yun. Alam mo naman si Les na palaging late yun. Masanay ka nalang. Sabi ni Lyka.
What? masanay na lang ako?! Hindi ba sya nahihiya na nagpapahintay sya dito? Anong akala nya mga alipin kami at may karapatan syang ganito na lang? Hindi ako papayag.
Hindi okay sa akin eh. Kanina pa tayo naghihintay at ang iba dito hindi pa nakabreakfast kasi nga nagmamadaling makapunta on time. Pero sya ang sarap nang tulog nya? Ano sya sinuswerte? Sambit ko.
Bakit? Hindi kapa ba nakakain? Tanong sa akin ni Lyka.
Hindi pa. Eh ikaw? sila? Tanong ko.
Nakakain na ako. Kayo guys, naka breakfast ba kayo? tanong niya sa grupo.
Yes. Nagluto kasi si mama nang maaga. Sagot ni Mae
Oo, nagtake out kami ni Louie at Mike on the way kanina. sagot ni Sam
Bakit Mel hindi kapa ba kumakain? Ang layo pa naman nang mga store at fast food chains dito sa pinuntahan natin. Baka mapano ka na nyan. Pag alala ni Louie.
Hindi pa eh. Pero kaya ko pa naman. Gusto ko na sana matapos agad to para maipasa na. Hindi ako naka breakfast kasi tulog pa ang tao sa bahay pag alis ko. Sagot ko.
Asan na ba kasi si Les?? Inis na tanong ni Sam.
Papunta na yun. Hayaan na lang natin. Sabi ko. Wala na akong lakas makipagtalo sa kanya kaya mamaya ay tatahimik na lang ako.
Ilang minuto pa at may tumigil na jeep sa harapan namin.
Ayan na pala sya. Sabi ni M.ae.
Bro, dumating ka rin. Nabulok na kami rito kakahintay sayo. Sabi ni Mike sabay akbay kay Les.
Tumingin si Les sa direksyun ko at ngumiti. Dala pa nya ang long board nya.
Mabuti at dumating ka na. Etong si Mel hindi pa.... pinatahimik ko na si Lyka. Baka ano pa masabi ko kung tatapusin nya yun.
Tinapik ko lg si Lyka.
Tara na guys. Para matapos nato.
Sagot ko sabay lakad papunta sa traysikel.Sumakay na kami maliban kay Les kasi wala syang lagayan nang long board nya. Dinala pa kasi.
Dito mo na lang ilagay. Sambit ko.
Parang nagulat pa si Les. Pero nilagay na rin. Sasakay kasi sya sa likod nang driver ng traysikel at andito kami nila Mae sa unahan nang traysikel.
Magkano po yung pamasahe papasok sa loob? tanong ko sa driver.
Otso lang iha.
Kinuha ko na ang wallet ko. Wala pa akong change.
May coins ka dyan Lyka? Babayaran kita mamaya. Tanong ko.
Ah guys, ako na lang mag babayad sa ating lahat. Biglang sabi ni Les.
Mabuti naman para maka bawi ka sa kasalanan mo. Nagpasalamat silang lahat maliban sa akin. Tinapik pa ako ni Lyka at ngumiti.
What? bulong ko kay Lyka
Bakit parang kinikilig ako para sayo? sagot nya.
Ano? Bakit naman kikiligin sya para sakin?
Dahil?
Dahil tinitingnan ka ni Les kanina pa? 0-0 anong sinasabi nito?
Nakatingin lang yan kasi nahahanap ng pagkakataon para inisin ako. Yun naman ang laging ginagawa nyan eh. I'm used to it. Sagot ko habang bumubulong parin.
Naging magkaklase kami ni Les this school year lang. Senior year. Pero nung first week pa lang eh palaging ako ang iniinis nito. Yung tipong lalabas ka na lang sa klase para mawala yung galit mo.
Parati akong napapahiya at napagtatawanan. At yun ang isa sa nga bagay na ayoko kasi gusto ko walang sagabal sa mga ginagawa ko.
I've always been that girl that wants to finish things quickly para wala nang nahihirapan at nagmamadali. Lalo na sa projects pero pinapabagal lagi yun ni Les at malas ko kasi palaging nasa grupo ko sya.
Believe anything you want Mel. Sagot ni Mel nang nakangiti.
Sure. Simpleng sagot ko sa kanya.