Saan pala tayo magsisimulang manghanap nang iinterviewhin? Tanong ko.
Kung jan parang ang yayaman naman. Eh kailangan yung medjo nangangailangan para worth it naman yung tulong natin diba? sai ni Lyka.
Tama ka. Eh kung dun kaya? Uhhmmmm. Yun!! Nakikita niyo ba ang bata? Tanungin kaya natin? Tara tara. Sabi ko habang nagvivideo gamit ang camera ko.
Mel, ikaw na lang yung magtanong ha, mas approachable ka kasi magsalita eh. Sabi ni Mae.
Ha? Bakit ako? Nahihiya ako atsaka ako na lang parati? sagot ko.
Edi ako na ang magtatanong. Andaming arte. Pagsusungit ni Les.
Haaay nako. Tatahimik na lang ako kasi parang naiinis na talaga ako eh. Sambit ko.
Nyenyenye. Mock ni Les.
Hindi Mel, hindi. Kalma ka lang kung papatayin mo yan hanggang impyerno magkasama kayo. Maawa ka na lang sa sarili mo.
Malakas na sabi ko habang pumipikit pa.Ayan nanaman sila. Aso't pusa talaga. Alam niyo, hindi na ako mabibigla sooner or later madedevelop kayo sa isa't isa. At kapag nangyari yun, tatawanan ko talaga kayo. Woaaah. Nonsense sino na man ang magkakamaling pumatol dito. Psh.
Nonsense sabay na sagot namin ni Les.
See? hay nako. Sabi ni Lyka
Oh ayan na yung bata. Interrupt ko.para mapalitan yung subject.
Hi, ako nga pala si Kuya Les. Andito kami para sa project namin sa skwela. Pwede kaba naming iinterview? Mabilis lang naman. Malumanay na tanong ni Les sa bata. Parang nasapian ata to.
Ayoko ko po. Nahihiya po kasi ako.
Sagot ng bata.Ah, wag kang mahiya ang iba nga dito di na marunong nyan eh. Sabat ko.
Narinig ko namang tumawa ang grupo maliban kay Les na nakatingin ng masama sa akin.
Meron kaming dalang groceries para sayo at ibibigay to namin after nang interview so ano game? tanong ni Les
Teka, isasauli ko na lang po ito. Sagot ng bata. Yes! Sa wakas.
Sige sige. At umalis ang bata sinundan namin kung saan sya pumunta at dun pala sa tambakan nang basura. Inilagay nya dun ang plastic na dala dala nya kanina. Nakalungkot tingnan ang ganito. Parang pinapaintindi sayo na dapat masaya ka na sa meron ka kasi ang iba nga kulang na kulang pa sa mga bagay na kailangan nila.
Haay. -_-
Kawawa naman sila. Sabi ko
Oo nga eh, sana one day makabalik tayo dito na successsful na tayo at mas matulongan pa sila. Sagot ni Les. Woaah, may kabaitan din naman pala to.
Possible naman yun Les. Alam ko magiging successful tayong lahat someday. Sagot ko sa kanya
You think I would be successful? Tanong nya
Oo naman, People with great minds and dreams succeeds. Minsan nga kahit wala nang great minds mag susucceed ka kung pursigido ka lang. Sagot ko sa kanya
Is that a compliment or not? confused tanong nya.
Ha?
Parang sinabi mo kasi sa first statement mo na matalino ako. Pero sa second parang sinabi mong dreams lang ang meron ako. Ano ba talaga Mel? sagot nya nang kinakamot pa ang leeg.
Hahahahaha oo nga noh?
Ewan ko kung ano ka sa dalawa kung statement. You decide. Pero I think yung first statement ka. Sagot ko.
Hahahaha hindi ko talaga to ineexpect sayo Mel. Sagot nya
Bakit? Minsan na nga lang ako mag compliment sayo yet you're questioning me about it. Sagot ko
Well, ang unusual lang kasi. Palaging nag'aaway kasi tayo. Sagot nya. Napansin rin naman pala nya.
It is because you're getting in my nerve most of the time at kung ganito lang siguro palagi may world peace na. Sagot ko
At kung ganyan kayo palagi hindi na natin maiinterview yung bata kasi kanina pa sya naghihintay dito at kanina pa namin kayo tinatawag pero parang may sariling mundo kayo!! inip na sigaw ni Lyka
Talaga? Hala, bakita di ko narinig?
Sorry. Sabay na sabi namin kay Lyka. At nagtinginan.
At sabay pa talaga. Ewan ko sa inyo hahahahaha Sabi ni Louie
Tara na. Sabi ko.
Pagkatapos nang interview nag decide kami na mag stay nang konti pa kasi medjo maaga pa naman. Tumambay kami sa isang bench sa ilalim nang puno.
Uyy nakikita niyo ba yun? Parang school yun ah. May school pa lang malapit dito. Sabi ni Mae
Oo nga no? mabuti nga para hindi na nahihirapan ang mga batang mag commute pa. Sabi ni Mike
Maglibot libot kaya tayo para makita natin ang buong lugar? suggest ko
Oo nga oo nga!! Excited na sabi ni Sam
Yey tara na!! sabi ko.
Andami palang tao dito. nakatingin sila samin na parang ngayon lang sila nakakita nang ibang tao.
What if, wag na lang? Sabi ni Les.
Huh bakit? Sandali lang naman eh. Sabi ko
Wag na. Uwi na lang tayo. I don't really trust some people here. Nakikita niyo yung mga lalake? parang kanina pa sila jan. Atska apat lang kaming lalake dito. Paano kung mapano kayo girls? Baka di namin kayang protektahan kayo. Sabi ni Les
Woah, grabe namang hugot yun.
Awwwwe. Ang sweet naman ni Les. Protektahan talaga kami? If I know, isa lang naman ang gusto mong protektahan samin dito. Sabi ni Lyka
At tumingin sila sakin. What? 0-0
uhmmm. As if Lyka. Uwi nalang tayo tama si Les. Sagot ko. Parang nahihilo na rin ata ako. Hala, hindi papala ako nakapag breakfast.
Nahihilo talaga ako.
Shet. Mabuti na lang magkatabi kami ni Lyka
Mel!! Okay ka lang? Tarantang sabi ni Lyka
Mel!! sabi nang iba.
Oo okay lang. Nagugutom na kasi ako. Sabi ko
Oo nga pala. Hindi pa sya nakagbreakfast kanina. Sabi ni Sam
Ha? Bakit hindi niyo sinabi? Sana pinakain niyo na lang muna sya!! sigaw ni Les
Eh kasi kanina sabi nya hintayin ka na lang namin. Tatapusin nya muna daw ang video para hindi na hassle. Sabi ni Mae
Eh ngayon hindi to hassle?!! sigaw ni Les.
Wow.
Sorry talaga Les ha! Ang hassle ko kasi. Bumitaw ako kay Lyka
okay na ako Lyk, kaya ko na. Tatawag na ako nang traysikel. Sabi ko. Kakayanin ko to. Kakain na ako mamaya. Mel, wag kang mag pa apekto kay Les.Akala ko talaga okay na kami. Pero hindi parin pala.