Chapter 15

3 0 0
                                    

Chapter 15: Moving in 

"Napa-aga yata ang punta mo hah, hija? Ang Sabi mo eh bukas pa ang dating mo?" Sabi Ng nag papaupa Ng dorm habang umaakyat kami Ng hagdan.

Nagpakita Naman Ako Ng kaunting tawa. "Eh Kasi naisip ko na ilalagay ko na rin agad yung sarili ko sa Lugar na 'to para Hindi na ko mamahay nang mamahay. Mas magandang maaga para masanay na rin Po Ako agad." Hinahawan ko Ang kamay Niya. "First time ko Po Kasi talagang mag dorm. Tsaka para maayos ko na rin Po Ang mga gamit ko Dito." Ang Sabi ko.

Ngumiti siya sa akin. "Tama. Mabuti nga Yan." Nauna siyang lumakad sa'kin at sumunod na lamang Ako.

Binuksan Niya Ang pinto at Ang switch Ng ilaw. "Ito Ang kwarto mo hah, may kama ka na rin Dito, yung cr andon sa baba. Hindi Naman Ako mahigpit sa mga nag uupa Dito pero may Ilan-ilang rules lamang Ako."

"Sige Po, ano Po ba yon?" Ang tanong ko.

"Bawal Ang maingay. Pwede ka Naman mag papunta Ng mga bisita mo Dito paminsan-minsan pero bawal Ang party Dito sa loob Ng dorm hah? Bawal Ang mag inuman Dito." Tumango-tango Ako sa mga patakaran na sinasabi niya.

"At bawal rin magpatira Dito hah? Kapag may gustong tumira kasama mo Dito magsasabi ka sa akin, Kase, Hindi kasama iyon sa payment mo hija. Pang Isang tao lang Kasi talaga Ang apartment na to."

"Opo. Huwag Po kayong mag-alala Hindi Naman Po Ako susuway d'yan. tsaka Wala Naman Po akong kakilalang malapit dito tsaka, di rin Po Ako umiinom di rin Po Ako mahilig pumarty. Kaya makakaasa Po kayo na Wala Po kayong ikasasakit Ng ulo pag dating sa'kin." Paliwanag ko para Naman makuha ko Ang tiwala niya. Well yung mga sinabi ko totoo Naman yon pero since si ate macel Ang nagpatira sakin Dito gusto ko rin siya maging kaclose para di na rin Ako loner sa Lugar na to at least may kakilala na ko.

"Eh kung Ganon mabuti yan hija." Nakangiti niyang Sabi sa'kin. Hinawakan Niya Ang braso ko. "Huwag Kang mag-alala hija, marami rin Ang mga student kagaya mo Ang nag boboarding house Dito. Panigurado makakasundo mo rin Ang mga yon." Pagpapagaan Niya sa loob ko. Napansin Niya panigurado Ang pagiging Kabado ko.

"Nak." Napalingon Ako sa Gawi Ng hagdan. Si papa kararating lang.

"Pa." Lumapit ako at umakap.

"Kamusta ano tuloy ka na ba Dito Ngayon nak?"

"Opo. Sinabi na sa'kin ni ate macel kung San Ang kwarto ko tsaka yung mga rules Dito."

Nagpakita lang Ng maliit na ngiti sa'kin si papa.

Lumapit Ako Kay ate macel. "Ate macel, si papa Po."

Ngumiti siya at nag lahad Ng kamay. "Uy, Good morning." Bati ni ate macel.

Nakipagkamay si papa "Morning din po. Dito Po ba Ang kwarto Niya?" Tanong ni papa nang nakaturo sa kwartong nakabukas sa tapat namin.

"Ahh oo. Sinabi ko na rin sa kanya." Sagot ni ate macel.

"Nabanggit ko na rin sa kanya Ang mga patakaran Dito at yung ayun nga tungkol sa payment alam Naman Niya yon."

"Opo pa, nasabi na sa'kin ni ate macel Nung naka-usap ko siya sa phone." Ang Sabi ko Naman.

Hinawakan Ako ni papa sa ulo. "Mag iingat ka dito nak, mag Isa ka lang." Bilin ni papa.

"Opo pa. Huwag Po kayong mag alala sa'kin. Kaya ko na to, Malaki na ko."

Tumingin si papa Kay ate macel. "Ma'am, kayo na Po Muna bahala Kay odi, kung maari pwede niyo Po sabihin sa'kin kung may mga problema Po ba tungkol sa kanya."

Tumawa Naman Ako.

Hinampas ko si papa sa braso. "Papa talaga? Hindi namn Ako pasaway ahhh..."

"Oo nga..Wala Naman Ako sinabi pero syempre iniisip ko lang Ang kaligtasan mo. Wala kami Dito ni ate para bantayan ka."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Trace Me, My Lover | Internet Love Collection Where stories live. Discover now