▪️

14 1 0
                                    

"Akala ko ba tayo lang dalawa? Eh ba't kasama si Christian?!" tanong ko kay Kris na may pagkairita.

Nagpout si Kris, "Gusto niyang sumama eh. Pumayag ka na, Ja. Please..." pagkumbinsi niya sa akin.

Nagroll eyes ako, "Sana may kasama ako sa pagiging thirdwheel sa inyo." pabulong kong sabi.

"Ha? Ano?"

"Ang sabi ko sige. Okay. Fine. As if may magagawa pa ako."

Ngumiti si Kris at hinug ako. "Thank you talaga!"

"Che."

"Hi Kris! Hi pinsan!" Paggreet sa amin ni Christian.

Nagfake smile na lang ako at dumiretso na kami sa coffee shop.

Mas pumapait yung kape ko tuwing naghaharutan itong dalawang 'to. Akala ko bagay sila pero nagdadalawang isip na ako ngayon. Kung makapag-PDA naman kasi itong dalawa, wagas.

Kung hindi ko lang pinsan si Christian, hindi ako papayag na sumama siya. Okay, ayokong tinatawag na Chris si Christian kase ang awkward lalo na kapag ung bff na ka-MU niya is Kris din ang name. Feeling nila tuloy MTB sila kase parehas sila ng name. Ew.

"...si Theo." Natanggal ako sa pagkakatulala ko ng biglang may nabanggit na name si Christian.

"May sinabi ka ba?" tanong ko with a confused look.

Sabay silang tumingin sa akin, "Ang sabi niya," panimula ni Kris. "Naginvite siya ng friend para may kasama ka."

Nagglare ako kay Kris, "Ha-ha. Pero seriously, naginvite ka ng friend?"

Tumingin sa pintuan si Christian, "Oh ayun na ata si-" nacut off yung sasabihin niya kasi parang nagulat siya.

Tumingin ako sa direksyon na tinitignan ni Christian. Nang nakita ko yung paparating, I was like,

"OH MY GOSH."

Back to Square OneWhere stories live. Discover now