DALAWA

10 1 0
                                    

"Wag mong sabihing si Theo yan, please." sabi ko na may pagkadiri.

Eh bakit hindi ka mandidiri kung yung pumasok is naka-cap tapos baggy pants and malaking tshirt. Mukhang ewan 'to. Natalisod siya tas nagmura pa. Sa sobrang luwang ba naman ng pants niya, sinong hindi matatalisod kung suot yun.

"Oo yan si Theo." sabi ni Christian sabay tawa kasama si Kris.

"Seryoso ka?!" Pabulong kong sabi.

Tumawa siya ulit, "Joke lang. Hindi ko kakaibiganin ang mga taong ganyan."

Ang loko talaga ng pinsan kong 'to! Nakakabwiset. Kapag talaga ako nakaganti sa kanya, tignan lang natin kung nakanino ang huling halakhak.

Biglang nagring yung phone ni Christian. May nagtext ata.

"Tsk. Sayang!" sabi ni Christian na may panghihinayang. "Di daw siya makakapunta. Busy eh."

"Wow. So thirdwheel na talaga ako neto."

"Imported pa man din siya." sambit ni Christian.

Nanlaki ang mga mata ko, "Weh?"

Tumawa si Christian, "Oo. Fil-Brit siya."

Grabe british. Okay mas nagiging interesado na ako sa friend ni Christian. Finally may matinong nasabi rin itong pinsan ko.

Wait nagring din phone ko. May unknown number. Teka sino ba 'to?

Hi royal highness. Hahaha -3:27pm

Wait lang. Wrong number ata 'to. Nagtext back ako.

Creeper. Wrong number po. -3:30

Tinanong ko sila Kris and Christian kung meron silang number na ganun sa phone nila. Pero wala. Okay so wrong number ata talaga siya.

Magsasalita sana ako ng bigla kong nakagat dila ko. Napaaray tuloy ako.

"Number dali!" Sigaw ni Kris sa akin.

"Uh... 20?"

"A B C D E F G..." patuloy na nag-abc si Kris hanggang umabot sa T. "T! Hmm... Theo!"

"Hay nako, Kris! Di pa nga nagkikita, ako na iniisip? Hindi ba pedeng tatay ko lang nagiisip sakin?" Etong si Kris talaga andaming alam puro mali naman.

Nang matapos na kami sa café, lumibot muna kami sa mall.

As we were walking nagtext na naman yung wrong number kanina.

Hi royal highness. Hindi wrong number 'to. -4:07pm

Hindi wrong number? Eh ba't wala sa list ng contacts ko? And no one ever called me royal highness. Ja yung name ko and ano connect ng Ja sa sun or sunny or whatever!

Stop texting me. Ayaw kong makipag-text sa taong di ko kilala. -4:15pm

Nang ilalagay ko na yung phone ko sa bag, nagtext na naman siya.

I'm no stranger, Jane. -4:17pm

What. The. Hell.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Back to Square OneWhere stories live. Discover now