--Prologue--

0 0 0
                                    

"ERIAAAANNEEE!! ASAN KANG BABAE KAA ..!!" Galit na boses ang umalingawngaw sa maliit na kubo.

Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa likod ng pinto habang nanginginig ang katawang binabalot ng takot. Nakayakap sa sarili habang pinipigilan ang impit na pag iyak.

"Merrcy ..Hayaan mo na siya ..!!" Sagot ng lalaking pinipigilan ang ginang.

"Isa ka pa Ernesto.. Huwag mo kong papakialaman .. Mananagot sakin ang babaeng iyon ..!!" Sabad ng ginang na nagpupuyos sa galit..

"Nandito kalang pala..Halika nga dito..!!" Gulat at Hindi ako nakagalaw habang umiiyak ...

" Ahh Tita tama na po ..aray masakittt *sobs* ..tita ahh.. masaakkiitt po.." habang hawak ko ang ulo ko ..at pinipigilan ang pagsabunot niya saakin..

"Talagang masakit dahil tatamaan ka sakin ..Wala kang kwentang babae ka .. diba sabi ko sayo.. Huwag kang uuwi kung wala kang dalang pera .." sigaw niya habang hila-hila ang buhok ko palabas Ng bahay .. Walang tigil sa pag agos ng luha sa mata ko.

"Tita tama na po .. Hindi po kasi nagbukas ng carenderia si aling Lorna .. kay-----" Bigla akong namilipit sa sakit ng sipain niya ko kasabay ng pagbagsak ko sa lupa ..

"Edi maghanap ka sa iba .. Ibenta mo yang katawan mo ng mapakinabangan ka .. bwessiiitt ka !!!" Saad nito at akmang susugurin niya ulit ako ng pigilan siya ni Tito Ernesto.

"Mercy tama na yan .. Halika na.. " saad ni tito sabay higit kay tita mercy papasok ng bahay. Naiwan akong humihikbi sa sahig at nakayakap sa sariling mga tuhod. Hindi katagalan lumabas si Tito Ernesto.

"Nak okay kalang.. " Saad ni Tito Ernesto. Akmang hahawakan na sana niya ko ng umatras ako.

"Lumayo ka Tito.. hwag mo kong hawakan .." Saad ko at umiiyak pa rin.

"Nak akong bahala sayo .. hwag Kang matakot" Saad niya habang lumalapit sakin pero umaatras naman ako..

"Hindi ako naniniwala sayo.. Wala kang pinagkaiba sakanya..Baboy..!!" Galit na sigaw ko sakanya..

"Nak si Tito lang ang kakampi mo .." Saad niya habang nakangiti.. napahikbi na ako sa takot .. Hindi ko malilimutan ang araw na hinipuan niya ako habang wala si tita. Palagi ko ring napapansin na may nakatitig sakin pag naliligo ako sa banyo. Wala silang pinagkaiba ni tita mercy.

Pinilit ko ang katawan kong tumayo kahit nanghihina ako. Mabilis akong tumakbo palayo sa impyernong bahay na'yon. Tinawag ako ng tinawag ni Tito Ernesto pero hindi ako lumingon. Ang iniisip ko lang ay ang makalayo sa kanila.

Paika-ika akong naglalakad habang nagmamasid ng mahihingian ng tulong.
Walang ni isang taong dumadaan. Papalubog na ang araw at hindi ako maaring magtagal dito dahil tiyak na maabutan nila ako. Napaupo na ako sa gilid ng kalsada nanghihina at pinupunasan ang basang mukha ko ..

Nanlalabo ang paningin ko.kung Hindi ako nagkakamali may ilaw na papalipit sa direksiyon ko. May sasakyan na papalapit . Hindi na ako nagdalawang isip na tumayo. Ayoko na. Mabuti pa sanang mawala nalang ako.

Mas lalong lumiwanag ang daan hudyat na malapit na to. Wala na akong naiisip na paraan . Pagod na ko ..

Nanghihinang naglakad ako ng mabilis papunta sa gitna ng kalsada habang nakapikit. And ...

-----Bosgshhhhh....

I can see blurred pictures of two or three person na nasa harap ko. Hindi ko maigalaw ang katawan ko.

"Fuc*k !! Mang toni bakit hindi mo hininto ang sasakyan.." rinig kong boses ng isang lalaki ..

"Ehh boss .. Hindi ko po siya napansin .. Bigla po kasing tumawid  .. " boses ring isang lalaki na parang may idad na..

"Miss ..heyy.. Do you hear me??" Mga boses lang ang naririnig ko pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nila..

"Ehh boss parang wala naman yan sa sarili .." Saad niyo ng matanda..

"You almost kill her.. tsskk.." Saad ng lalaki.

" Boss dalhin napo siya natin sa hospital.." Saad ng matanda..

"No.. Let's leave her .. Baka may makakita pa satin .." Saad ng lalaki .

"pero kawawa nam--- "

"I said let's go" Saad ng lalaki..

"Pero boss nakokonsensya po ako.." nakakapanlumong sabi ng matanda . Natahimik ang lalaki at nakakunot ang noong napatingin sa babaeng walang malay.

"Fine .. But let's bring her home not in the hospital..! Just call Doc Jay.." Seryosong saad ng lalaki.

Tumango ang Matanda at dahandahang binuhat ang babae.

"Let me .." Saad ng lalaki.. At napatitig sa mukha ng babae .. habang buhat-buhat ito

'Poor Woman'

Chasing HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon