chapter 1

678 131 4
                                    





kendra pov.




"bakit ba ang saya saya mo ngayon jeriel?" tanong ko sa kapatid ko, kulang nalang kasi ay tumalon na siya sa tulay dahil sa saya.



"ate nakahanap na kasi ako ng trabaho!" sigaw neto at tumalon talon pa.




"trabaho? ano naman 'yan?" naka taas kilay kong saad.




mamaya ay mapahamak pa ito sa kanyang trabaho na sinasabi niya, lalo na't nag aaral pa ito.




kaya ko naman siyang pag aralin eh, kahit pa konti lang yung sahod na natatanggap ko sa pinag tatrabahuan ko.




"delivery rider ate, tch madali lang naman 'yon lalo na magaling ako mag drive." delivery rider ng ano? tyka kala kopa naman kung ano, tuwang tuwa na.




at sure naba siya sa desisyon nya? binibigyan ko naman siya ng five hundred sa isang araw eh.





"magkano ba kita mo dyan?" tanong ko ulit sakanya, hindi ba sapat yung five hundred sakanya?





"depende sa matatanggap ko or sa kita ko ate, bakit ba?" hanggang ngayon ay nakangiti parin ito habang nag sasalita.





hindi naman ligtas yung trabaho na sinasabi niya, lalo na 24/7 ata siyang mag t-trabaho.




"sigurado kana ba dyan? bakit ba delivery rider napili mong trabaho?"





ang dami kong tanong, sempre nag babakasakaling hinangin lang utak ng kapatid ko.




mamaya kasi pag diskitahan lang siya ng oorder sakanya, edi kawawa yung kapatid ko.




"bakit ba ate parang hindi ka masaya sakin? ayaw mo ba na meron kanang katulong sa pag babayad ng rent at kuryente natin dito?"




bumuntong hininga nalang ako at umirap sakanya, bahala na siya malaki naman na ang kapatid ko.




sempre susuportahan ko siya sa mga gusto niya, pag nadisgrasya siya malaki na at kaya na niya ang kanyang sarili.




tyka delivery rider? ano namang i d-deliver niya? jusko, kung ano ano desisyon ng kapatid ko eh.





mamaya taga deliver na siya ng atay at puso ng tao!




ay ang advance ko naman, wala pa pala siyang trabaho dahil hindi pa siya nag sisimula.




'pero what if nga atay 'yon ng tao no?' umiling iling nalang ako at hindi na inisip ang mga bagay na 'yon, nagiging oa na talaga ako pag dating sa kapatid ko eh.




"siguro naman ligtas siya don, kahit hindi ko alam ang gagawin niya sa trabaho niya." malamang mag d-deliver siya, pero ano nga 'yon diba?




madami namang dinideliver katulad ng pagkain, pwede rin ano- ah basta.




mabait si jeriel, uto uto din 'to kaya halata naman na kahit siya yung mag deliver sa mga costumer niya ng drugs ay hindi niya malalaman na may drugs yun. inosente siya sa mga ganito.





hays! baka mamaya utusan siyang mag deliver ng pagkain tapos yung laman pala non drugs! usong uso pa naman ngayon ang hulihan dahil sa mga drug addict dito samin.





hindi naman sa pagiging oa pero baka naman kasi ganun nga ang mangyari..... siya nalang ang meron sa'kin at baka mawala pa.























"hoy jeriel kakain na! mamaya kana mag saya d'yan." sigaw ko sa kapatid kong nasa kwarto niya habang nag papatugtog pa ng kung ano anong kanta.




naka ilang minuto na ngunit hindi parin siya pumupunta sa sala kaya naman pinuntahan kona siya sa kwarto niya.





"jeriel! kulit ng batang 'to, sabing kakain na tayo!" kaya naman pala hindi ako marinig ay sobrang lakas ng tugtog.




pinatay niya muna yung speaker bago siya lumabas ng sala at nag simula ng kumain, napa iling iling nalang ako at nag umpisa nading kumain.




''sabi pala ni tito drenz, puntahan mo daw siya sakanila at may ibibigay sa'yo." pag uumpisa ko ulit habang kumakain kami.




natigil siya sa pag nguya dahil sa kaniyang narinig.




si tito drenz kasi ay dati naming kasama sa bahay ngunit nakatagpo ng babaeng papakasalan niya, kaya ayon inabando na kami ng bunso kong kapatid.




"ano naman daw gusto niya ate at naisipang guluhin nanaman tayo?" sa mataray at malalim niyang boses ay halatang galit ito.





nag isip muna ako ng isasagot sakaniya bago ako mag salita.





"ewan ko, bakit ako tatanungin mo close ba kami? tyka wag monga akong pag tarayan d'yan, wala din akong alam." mataray ko ding sabi dito kaya naman huminahon siya saglit.






ewan ko sa kapatid ko pero sa tuwing sasabihin ko ang pangalan ng tito namin ay nagagalit siya at tuloy tuloy na.






laki ata ng galit niya sa mga kamag anak namin na hindi kami kinamusta nung namatay mga magulang namin.





malala naman talaga ang ginawa nila saming magkapatid dahil bukod sa hindi nila kami kinamusta, hindi rin nila kami dinalaw ni jeriel nung mga panahong nangangailangan kami ng kapatid ko.




kahit nung nag ka sakit si jeriel ay wala silang itinulong samin, para nila kaming pinandidirian non sa hindi ko malamang dahilan.




kaya hindi niyo ako masisisi kung bakit over protective ako sa kapatid ko kahit sa maliliit na bagay, jeriel is my everything.




ako na yung naging nanay niya sa edad na 15 years old, madaming taong nag tatanong na bakit daw ako nag aalaga sa kapatid ko at bakit hindi yung mga magulang namin, pero ano bang pakealam nila? alam lang naman nila ay mang husga ng mga tao kahit hindi nila alam ang dahilan non. they acting na alam nila lahat ng bagay na ginagawa mo.






"hoy ate kanina kapa tulala, kumain kana. tapos na ako tapos ikaw nakakaisang subo palang ng kanin." pag sermon sakin ng kapatid ko.




sa sobrang daming iniisip ay nakalimutan kong nandito nga pala kami sa harapan ng mga pagkain, masama pa namang paghintayin ang pagkain.



"oo na, pumunta ka don kila tito drenz ha! balik ka din pagkatapos niyong mag usap, ingat!" sigaw ko dito dahil kahit hindi pa ako tapos mag salita ay umalis na agad siya sa harapan ko para lumabas ng bahay.



nag madali nalang ako kumain at nag ligpit din agad ng pinagkainan namin, ano nanaman kayang gustong sabihin ng magaling naming tito kay jeriel?



nakakapag taka naman, minsan minsan ay pinapapunta ng tito namin si jeriel sakanila tapos pag uwi ni jeriel ay may sugat na siya sa mukha.





sinasaktan ba nila yung kapatid ko? pero imposible naman yun dahil kahit wala silang pakealam samin ay hindi nila gagawin ang mga bagay na 'yon sa kapatid ko.






hayyy, ewan. bahala na, basta ang mahalaga ay dapat umuwi ang kapatid ko ng ligtas galing sa poder nila. malakas kasi yung kutob ko sa mga tao na 'yon.





last dayWhere stories live. Discover now