chapter 2

547 128 3
                                    

warning: ang kabanatang ito ay nag lalaman ng maseselang bahagi, skip mo nalang kung mahina ang sikmura mo sa mga ganitong iskena.

"jeriel?! hoy asan ka nabang bata ka ha?" kanina pa ako sumisigaw dito sa loob ng bahay ngunit hindi padin nag papakita sa'kin ang kapatid ko.

saan bang lupalop nag punta ang mokong na 'yon? sabi ko kala tito drenz lang ngunit hanggang ngayon wala parin siya, malilintikan talaga sila sakin!

wag niyang sabihing sinasaktan talaga siya ni tito drenz?! yung titong nirerespeto ko buong buhay ko?

subukan niya, ipapademanda ko siya pati yung lahi nilang aso at mukhang pera na patay gutom!

"ate?" dahil sa boses ng kapatid ko na yon ay natauhan ako at hinanap kung nasan ba siya.

nakatayo pa ang kapatid ko sa pintuan ng apartment namin habang may hawak na pagkain, san naman galing yon? kakakain lang namin nung umalis siya ah? gutom nanaman yan?

"ano ba? bat ba ang tagal mong dumating na bata ka? tyka ano yang hawak mo?" sunod sunod na tanong ko agad dito.

sempre, curious lang din ako dahil ang tagal din niyang dumating no. mamaya eh kung ano na ang ginawa niya sa buhay niya.

"mama version ka nanaman ate." inirapan ko lang ito at inagaw ko sakanya yung hawak niyang pagkain na naka supot pa.

"galing sa tito mo 'yan, natagalan pa ako sa pag uwi dahil nandon yung iba mong kamag anak ate." sinipa ko ito ng konti sa tagiliran dahil sa kaniyang kagaguhan.

tinaboy ba naman yung mga kamag anak? loko talaga tong bata na'to, pero sabagay kahit ako rin naman e. tsk, ang galing kasi talaga ng mga yon.

tyka bakit naman nila kami naisipang bigyan ng pagkain? sge na guilty ako sa sinabi ko kaninang patay gutom sila pero mukha talaga silang pera!

baka nga mamaya kaya niya pinapunta yung kapatid ko dun para pag tawanan nilang mag kakapatid si jeriel at ako, baka mamaya sabihin pa nila na tumatanggap kami ng pagkain galing sa kanila kasi wala na kaming makain.

or baka naman nilagyan nila ng lason to? aish! bahala na.

"ano meron don? bakit nag sasama sama yung mga yon?" tanong ko ulit sakanya habang inilalagay sa ref yung ulam na binigay sakanya.

"birthday daw ng tanda ate haha, nakalimutan na natin yun dahil hindi naman natin sila kilala." natatawang saad ni jeriel sabay punta sa kwarto niya.

abat gago nga to!

pero bakit hindi ko nga ba naalala yung birthday ng isa sa kanila? dati ay nag hihintay pa ako na abutan nila kami ng pagkain dito sa bahay, pero ngayon ay wala na akong pakialam sakanila.


hays, bahala na. hindi naman talaga dapat ako umaasa na may pakialam sila sa'kin, makanood nalang ng balita para mas maganda.

"nag babagang balita, tatlong lalake natagpuang patay malapit sa lucera park, punong puno ng dugo at tanggal ang mga braso." halos gusto kong masuka dahil sa aking nakita.

bakit naman nila hindi tinakpan yung katawan ng mga biktima?! bwisit na balita 'to, gusto pa atang wag akong makatulog ngayong araw eh.

hindi manlang binlured yung mga bangkay, uncensored!

"kanina ding madaling araw may nakitang isang bangkay sa ilalim ng tulay sa lucera park, hindi pa sigurado kung iisa lang ba ang pumatay sa mga biktimang ito pero ginagawa na ng mga pulis ang lahat para imbistigahan ang krimen." after non ay lumipat na sa ibang palabas yung tv.


hays, halos araw araw nalang may natatagpuang patay malapit dito samin, pag ako na yung sumunod, tapos hindi lang braso tatanggalin sa'kin pati na ata yung daliri at mata ko tatanggalin din.

shuta naman oh!


"kaninang madaling araw lang ay meron nanamang nakitang bangkay sa tulay at dun sa lucera park, baka mamaya ikaw na yung susunod jeriel." saad ko sa kapatid ko, kumakain nanaman siya ng ihaw ihaw, ang takaw takaw niya.


ayaw naman niyang seryosohin yung mga sinasabi ko dahil kaya lang daw may namamatay ay nakipag away 'yon, may nakikipag away ba na puputulin pa yung braso ng kaaway niya? or tinatanggalan ng ipin at laman loob?

"hays si ate naman oh, pag ako nakakita ng killer sasamahan ko pa siyang pumatay ng tao eh." dahil sa sinabi niya ay nasipa ko siya.


ayon, tumapon yung suka sa damit niya. hindi kasi ako natutuwa sa mga pinagsasabi nito, hindi niya ako madadaan sa biro niya pag tungkol dito na ang usapan. lalo na't nag-iisa nalang siya sa buhay ko.


"kagaguhan mo, isusumbong kita kay papa pag pumatay ka ng tao, palaka nga hindi mo makaya kaya tao pa kaya?" nalolokang saad ko dito, ako pa yung nag aalis ng palaka sa cr namin pag may nakita siyang palaka don.


na trauma na ata sa palaka, naka tapak kasi dati. ang sabi pa neto ang kadiri daw dahil lumolobo ang tiyan ng palaka.


"si ate naman nag bibiro lang ako eh, tyka hindi ko gagawin yon, may trauma nga ako sa dugo." ang hina naman ng kapatid ko?


"parang mas lalaki pa ako kesa sayo ah? duwag ka kasi eh." napairap naman siya kaya tumawa ako ng malakas.


sabi na e, bakla talaga tong kapatid ko!


"papalit lang ako ng damit ate, sinipa kasi yung suka eh, tumapon tuloy sa damit ko. ikaw mag lalaba neto ate bahala ka dyan." as if naman nag lalaba talaga siya ng damit niya!


eh halos lahat nga ng gawain sa bahay ay ako na ang gumagawa dahil panay reklamo ito! pero sa mga pag bili naman ng pagkain namin sa labas ay eto ang gumagawa.


ayaw niya daw na may mangyaring masama sa ate niya kaya siya nalang ang bibili. lalong lalo na sa gabi, ayaw non na mag isa lang akong lumalabas dahil baka raw kung mapano pa ako.




kaya siya yung bodyguard ko, ewan ko dito kay jeriel. mahilig kasi siyang manood ng mga thriller kaya feeling niya ay kaya din niyang gawin yon.


━━━━━━━━━━━━━━━━━━━

a/n: haha katamad talaga mag update kaya eto nalang muna, sa isang linggo baka nasa 3k words na ud ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 27 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

last dayWhere stories live. Discover now