Kabanata 1

17 1 0
                                    

"Wow Ate,napakahusay mo talagang mag-sketch ng mga damit!"puri ni Boknoy nang maratnan akong gumuguhit sa sketch pad habang nakaupo sa maliit at masikip na sala ng barong-barong namin.

"Asus, nambola na naman ang bolero kong kapatid,"nakairap na sabi ko dito.

"Bakit ba ate wala kang tiwala sa sarili mong kakayahan? Mahusay ka kaya Ate!"

"Naku,baka lumaki ang ulo ko nyan!"

"Eh di wag kang maniwala. Basta ingat ka na lang sa pagtatago nyan dahil pag nakuha ko yan,ibebenta ko talaga yan ate!"

Hinampas ko ito ng sketch pad. "Mukhang pera ka na pala ngayon ha!"

"Kamukha ko na ba si Ninoy? Hehehe,at dahil nabanggit mo ang pera, ayos na pala ang kariton. Ano,sasama ka ba? Mangongolekta na ako ng mga bote ngayon!"

"Oo naman."

Mabilis kong iniligpit ang lapis at sketch pad. Nagsuklay ako sa harap ng salamin. Marahan kong pinasadahan ng tingin ang sarili kong mukha. Ordinaryo lang ang hitsura ko. Maamo daw ang mukha kong hindi pa man lang nadampian kahit ng pulbos. Medyo makapal ang kilay ko,brown ang mga mata kong hugis almond. Mapilantik ang mahaba kong pilikmata. Hindi naman katangusan ang ilong ko pero sakto lang sa mukha ko. Manipis ang labi ko na hindi pa man lang nasayaran ng lipstick.

"Ate,matutunaw na ang salamin! Tsinetsek mo pa kung ayos ang hitsura mo,eh mamasura lang naman tayo at hindi papunta sa party!"tudyo ng kapatid ko.

"Sinisigurado ko lang na walang nagbago sa hitsura ko,"nakalabing sabi ko."Tara na nga!"

Nagpatiuna nang lumabas ng barong-barong si Boknoy.

"O,asan ang kapares ng tsinelas ko?"tanong ko dito nang hindi makita ang kabiyak na pares ng tsinelas ko.

"Naku,baka tinangay na naman ng aso! Yung tsinelas ko na lang na wala ring kapareha ang ipares mo dyan. Sakto naman eh,"sabi nito na inilapag sa tapat ng paa ko ang tsinelas nito.

Napangiti ako nang marinig ang seryosong tsk tsk ni Boknoy nang isuot ko na ito. Nagpatiuna na itong umakyat sa sementadong hagdan na papuntang kalsada. Nasa ilalim kasi ng tulay ang barong-barong namin na tanging pag-aaring ipinamana sa amin ng aming magulang.

"At bakit naman po hanggang ang haba ng mga buntonghininga nyo mahal kong kapatid?"tanong ko dito.

"Eh kasi Ate,hindi bagay sa iyo ang ganitong klase ng buhay. Tingnan mo ang suot mo,mukha kang gusgusin. Kaya ipinapangako ko sa'yo Ate, magtatapos ako ng pag-aaral at iaahon kita mula rito sa tulay,"seryosong sabi nito.

"Napakadrama mo naman,daig mo pa yung kaklase ko nung hayskul na panlaban namin sa declamation contest eh!"

"Ate,seryoso ako,darating ang araw,makakaalis tayo sa lugar na ito. Hindi na natin kakailanganin pang mamasura!"

Natahimik ako sa sinabi nito. Napapahiya ako sa sarili ko kapag naglilitanya ng ganito ang kapatid ko. Nasa unang taon pa lang ito sa kolehiyo pero napaka-madiskarte nito. Simila nung mamatay si itay at iwan kami ni Inay, naging protective na kami sa isa't isa. Natuto kaming mabuhay na isang kahig isang tuka.

Subalit,mas maraming pagkakataon pa na si Boknoy ang rumaraket para may makain kami---- namamasura, nagkakargador sa palengke, nagdidispatcher o di kaya'y nagbebenta ng mga candy sa lansangan.

Matalino pa ito. Kaya nga ito nakapasok sa pinapasukan nito ngayong school ay dahil sa pagiging scholar.

Samantalang ako,nag-aral ako nh vocational na kurso pagkatapos ng hayskul. Ang pagho-home service na pagrerebond o manicure ang ibinubuhay ko sa sarili ko ngayon pero dahil mahina naman ay sumasama na lang ako sa pangangalakal ng kapatid ko.

Hay,nang makarating kami sa gilid ng tulay ay itinulak na ni Oknoy ang kariton. Mangongolekta kami ng mga bote o dyaryo sa mga bahay-bahay na kakilala namin. Ibinibigay naman nila ito sa amin ng libre.

Pagkatapos naming mangolekta ay diretso na agad kami sa junkshop para ibenta ang mga ito. Pagkagaling sa junkshop,tulad ng nakagawian ay sinamahan ako ni Boknoy sa harap ng isang dress shop.

"Ate,kasing gaganda ng mga gown na iyan ang mga sketch mo,"sabi ni Boknoy.

"Grabeh,napakagara ng mga damit na iyan. Kelan kaya ako makakahawak ng ganyang kasuotan!"tila nangangarap na sabi ko.

"Kapag ako yumaman,ibibili kita ng mas magaganda pang mga damit dyan,pero sa ngayon,pumasok tayo sa loob ng shop,halika,tingnan natin at hawakan yang dress na tinititigan natin ngayon,"sabi ni Boknoy na inabandona ang kariton sa gilid ng kalsada at hinila ako sa kamay.

Ngunit nasa pintuan pa lamang ay hinarang na kami ng baklang may-ari ng shop."Opps,ops,ops! Bawal mamalimos dito! Bawal pumasok sa loob ang mga pulubi! Oh my gosh! Magsilaho nga kayo sa paningin ko! Ke-dudusngis nyo!"mataray na sabi nito habang pumipilantik ang mga daliri.

"Hind kamu pulubi,"mariing sabi ni Boknoy."Papasok lang kami para tingnan yung dress na nakadisplay!"

"May pambili ba kayo? Gosh! Shoo! Shoo!"taas-kilay na pinagtataboy kami nito na para bang langaw lang kami. Buong pwersa pa kaming itinulak palabas sabay sara ng pinto.

Sadsad namang kamin dalawa sa ground.

"Grabe, bakla ba talaga yun o wrestler? Ansakit ah!"kandangiwing sabi ko.

"Alalayan na kita!"sabi ng isang estranghero na hinawakan ako sa magkabilang balikat at inalalayang tumayo."Ayos ka lang ba? May masakit ba sa iyo? Kaya mo bang lumakad o bubuhatin na kita papuntang ospital?"

"Naku Mister,salamat pero pk lang po ako!"naiilang kong sabi. Yun ang kauna-unahang pagkakataon na may isang gwapong lalaki na tumulong sa akin at matiim itong tumitig.

"Mister,ok na daw ang ate ko kaya kung pwede lang bitiwan mo na sya!"sabi ni Boknoy.

Mabilis nga ako nitong binitiwan sabay kamot sa ulo."San ba kayo papunta? Ihahatid ko na kayo!"

"May dala kaming kariton!"sabi ko at para akong nainsulto nang makitang ngumiti ito."Sige Mister, alis na kami. Salamat ulit."

Walang lingon-likod na hinila ko si Boknoy. Magkatulong naming itinulak ang kariton palayo. Mayamaya ay tumigil kami at magkasabay na lumingon. Wala na doon ang estranghero.

"Kahit kupasin ang pantalon nya at mukha syang sanggano dahil balbas-sarado sya,di naman maikakailang gwapo sya. Crush mo ba sya ate?"

Malakas ko itong siniko."Tara na nga bago pa mas lumawak yang imahinasyon mo at kung ano-ano pa ang maisip mo!"

Akmang itutulak na namin ang kariton nang may humintong motorsiklo sa harap namin. Bumaba mula roon ag estranghero tumulong sa akin. May dala itong kahon.

"Sinusundan mo ba kami?"may kalakip na iritasyon sa tono ng boses ko.

"Gusto ko lang ibigay ito sa iyo para kasing gustong-gusto mo!"sabi ng lalaki. Nang hindi ako umimik o kumilos man lang ay ipinatong nito iyon sa ibabaw ng kariton..

Bahagya pa itong yumukod bago sumakay sa motorsiklo nito nang hindi man lang kami nakaimik ni Boknoy.

"Ano kayang laman ng kahon?"maang kong tanong.

"Baka terorista yun at bomba ang laman nyan. Bigla na lang tayo sabugan. Dedo tayo!"hula ni Boknoy.

" grabe ka naman,porke balbas sarado, terorista agad? Bakit naman nun pag-iinteresan ang buhay natin eh tinulungan pa nga ako di ba?"

"Baka ikaw lang ang interes nun ate. Ahm,kung hindi bomba yan, baka pizza yan!"

"Ang laki naman yata ng box kung pizza yan. Naku,tama na nga yang hula-hula na yan. Nagugutom na ako eh. Mabuti pa,bilisan na natin pag-uwi at dun na lang natin tingnan ang laman."

ang SANGGANO,ang PRINSIPE at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon