Kabanata 2

7 1 0
                                    

Pagdating sa barong-barong ay excited na pinag-agawan namin ang kahon na ibinigay ng estranghero para alamin ang laman.

"Wow!"panabay na bulalas namin nang tumambad sa paningin namin ang dress na kanina lang ay tinititigan namin sa shop.

Marahang hinaplos ko ang malambot na tela ng dress bago ko ito iwinagayway.

"Ate, siguro nagustuhan ka ng sangganong yun,"ani Boknoy.

"At bakit naman ako magugustuhan noon,eh hindi ba't ikaw na ang nagsabing mukha akong gusgusin?"

"Maganda ka pa rin naman. Hindi mo maitatago ang gandang mula sa lahi ni Itay. Artistahin ka ate. Yun nga lang, wala kang mamahaling kasuotan!"

"Over over na ang pambobola mo Boknoy. Kinakarir mo na ang pambobola sa akin!"

"Gusto ko kasing magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo. Sa kalooban mo hanggang sa panlabas mong kaanyuan. Ate,maniwala ka namanh maganda ka!"

"Naku,hindi ako ambisyosa."

Napailing si Boknoy."Pero bakit ka nga kaya ibinili ng dress ng sangganong yun?"sabi nito na nakihawak din naman sa dress.

"Aba'y malay ko."

"Isukat mo kaya ate,parang napanuod ko na ang ganitong eksena sa pelikula. Yung isang mahirap na babae ang bida,tapos binigyan ng gown ng kanyang Prince Charming!"

"Hindi nababagay sa akin ang goen na ito. Saka hindi totoo ang Prince Charming na yun,imahinasyon lang yung ng mga writer. Isa pa,ang kagaya nating mahirap pa sa daga ay hindi dapat naghahangad na umibig. Aba'y wag na nating dagdagan ang paghihirap natin,"seryosong sabi ko.

"Ate,natatandaan mo pa ba yung sabi ni Itay na may mga bagay na ibinibigay sa atin kahit hindi natin hinahangad,yung tinatawag na God's gift at naniniwala akong lahat tayo ay may nakalaang regalo mula kay God!"

"Kuntento na ako. Masaya na ako kahit sa maliliit na bagay na meron tayo. Kuntento na ako na naitatawid natin yung pang-araw-araw nating buhay. Maligaya na ako sa tuwing namamasura tayo at nakakabenta ng sapat na halaga. Maligaya na ako kapag may nagpapa-service sa akin ng rebond o manicure! Kung gusto mo,isukat mo na itong dress. Dyan ka at magsasaing pa ako.

Napakamot sa ulo ang kapatid ko. Nakita ko pang tinupi nito ang dress at ipinatong sa tokador.

Kinagabihan,hindi ako mapakali. Panay ang titig ko sa dress. Gustong-gusto ko na itong isukat pero nangangamba akong baka magising si Boknoy. Tiyak na aalaskahin ako nito. Nang makaramdam ng panunubig ay dahan-dahan akong humakbang palabas ng silid. Sa sahig kasi natutulog si Boknoy.

Nakakaupo pa lang ako sa bowl ay halos mapasigaw ako nang may bumagsak sa bubong ng banyo. Nagmamadaling itinaas ko ang pajama at nagtatakbo papuntang kuwarto.

"Ate bakit?"alertong bumangon agad si Boknoy.

"May nalaglag na sako sa banyo galing sa tulay!"

"Sako lang pala eh!"

"Hindi,parang may lamang tao. Duguan pa nga yung sako!"

Sumunod ako kay Boknoy nang pumunta ito sa banyo. Nabutas ang bubong sa lakas ng impact pero hindi nalaglag sa loob yung sako, nakalawit lang ang paa nito. Marahang hinila ni Boknoy ang sako pababa. Mabuti na lang sanay magbuhat ng mabigat ang kapatid ko. Dinala nito sa sala ang sako.

"Ate,ikaw na muna ang bahala sa kanya. Aayusin ko lang yung bubong,"sabi nito nang matapos ilabas mula sa sako ang isang tisoy na lalaki.

"Ha,natatakot ako!"

"Sige na ate. Kaya mo yan. Baka kasi sinalvage yan. Baka sumilip yung me gawa. Kelangang hindi halatang dito sa atin bumagsak."

Tinanggal ko ang kaba sa dibdib ko. Itinapat ko sa butas ng matangos na ilong na lalaki ang daliri ko. Mainit ang hininga nito. Buhay pa sya pero wala itong malay. Kumuha ako ng maligamgam na tubig at pinunasan ang mga galos nito bago nilinisan ng betadine. Puro pasa ang mukha at katawan nito nang hubarin ko ang tshirt nito. Halatadong binugbog ito at pinahirapan.

ang SANGGANO,ang PRINSIPE at AKOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon