Omega Amor

16 0 0
                                    

Simula

" RA-NES-SA!", umuukilkil ang tinig ng isang sumisigaw na babae sa buong kwarto habang pwersahang itinulak ang pinto. Makikita sa mukha nito ang pagkairita at di mapakali. Binuhay niya ang ilaw nang makitang dilim ang naghahari sa pinasukang silid.

Napalitan ng pag-aalala ang mukha nitong kanina'y galit na galit matapos makita ang kalagayan ng kaibigan.

Nilapitan nito ang dalagang nakatalikod na wala sa sariling tumunghay sa gilid ng kubeta.
Napamulagat siya nang makitang namumugto ang mga mata nito sa kakaiyak, gulung-gulo ang buhok, basang-basa ang damit at mas lalong humagulhol ng makita sya nito.

Hindi siya makapaniwalang ang matapang nyang kaibigan ay hinang-hina sa sandaling ito marahil sobrang nasaktan sa mga nangyayari.
Mabilis na tumindig ang dalaga at agad syang niyakap nang mahigpit. Niyakap din niya ito at pinapawi-pawi ang likod.

" Mahal n'ya ako diba? Diba? BAKIT!"- sambit nitong may hikbi sa bawat salita. Nagpabuntung-hininga na lamang sya at hindi sumagot. Hindi niya alam kung ano ang tamang sasabihin upang maibsan ang lungkot nitong nararamdaman.

" Bess, hindi lang sya ang lalaki sa mundo"- panimula niya at hiniwalay ang kaibigan sa pagkayakap sa kanya para punasan ang luhang walang tigil na pumasada sa mukha ng kaharap.

" Pero sya lang ang nag-iisang lalaking minahal ko ng sobra-sobra"- agak nitong mas lalong humagulhol. "Ang sakit, sakit, sakit!"- dagdag pa nitong umiiling-iling.

" Alam ko kaya lang Bess, kailangan mo ring tirhan ang sarili mo! Mahalin mo ang sarili mo"- agarang sagot nya.

" Paano? Ang magkunwari ulit? Amining hindi ko na sya mahal? Para ano? Maging masaya ang iba, dahil iyon ang tama!"- sigaw anito.

" Bess, I'm sorry"-

" Paano naman ako? Ako? Pagod na ako Bess. Pagod na pagod! Gusto ko ng magpahinga"- sambit nitong hindi pinakinggan ang kaibigan.
Mabilis itong lumabas ng banyo at tinahak ang kusina. Sinundan naman nya itong nagtataka at todo sigaw gamit ang friendly endearment nila.

" Bess!"- patakbong hinarang niya ang kaibigan sa pag-inom ng isang boteng may ingredient na sodium azide, isang nakakalasong kemikal.

" Akin na 'yan! Hwag mo akong pigilan Bess"- seryosong sabi nito na pinipilit kunin ang boteng kanina'y hawak nito. Hindi nito tinigil ang pag-agaw kahit nasaktan na ang kaibigan. Ngayon lang ito nagkakaganito. Tinaliman nya ito ng tingin.

" Bess, nag-iisip ka ba? Buntis ka! BUNTIS! pa'no na lang ang magiging anak mo, gusto mo ba syang mamatay ha?"- hindi na nito napigilang sigawan din ang kaibigan. Mahal na mahal nya ito at pakiramdam nyang sa puntong ito kailangan nyang liwanagan ang isip nito sa pamamagitan ng pagalit na tono. Saka lang ito tumigil sa pag-agaw nang mapagtanto nitong  dalawang  buwan syang buntis.

Omega AmorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon