" Stella! Nasa'n ka na ba? Malapit ng magsimula ang seremonya"- agad na tanong ng nasa ibang linya pagkapindot ko sa answer button.
" I'm on the way na Liz. Just prepare my dress dyan sa church"- sagot ko habang pinipilit ipitin ang cellphone sa gitna ng aking baba at balikat upang hindi mahulog. Nakaconcentrate akong nagdadrive habang sinagot si Liza. I know overspeeding na'ko sa puntong to. Hinahabol ko ang oras papuntang Bayugan City. Thirty minutes na lang ang natira bago magsimula ang ceremony.
Hindi naman ma-traffic ang byahe sadyang natagalan lang akong gumising kakauwi ko lang galing sa Canada matapos ang isa't kalahating taon." Naku Stell, dapat lang talaga. Sinabihan na kita kahapong dito ka na lang sa hotel matulog ayan tuloy"- paninisi pa ni Liz.
" Sori na. Ito na papaliparin ko na tong sasakyan ko makarating lang kaagad dyan"- pabiro kong wika.
" Ewan ko sayo! Nakamake-up ka na ba?"- Hinawakan ko ang phone ko at nilagay sa dash board nitong sasakyan. Ni-loudspeaker ko na lang para hindi na'ko mahirapan. Namaga ata ang leeg ko, feeling ko may stiff neck na'ko. Ang hirap kayang mag-ipit ng phone habang nakamaneho. I twist my neck and turned my way on left direction.
" Stella! Hoy! Sagutin mo naman ako"- anito sa tawag. Nga pala nakalimutan kong tumatawag pala sya masakit kasi leeg ko. Ano nga yong tanong nya?
" Ano nga yong sabi mo?"- tanong ko naman habang nakapokus ang dalawang mata sa dinaraanan." Sabi ko nakamake- up ka na ba ha?"- anito sa mataas na boses na syang umalingawngaw sa sasakyan. Kumunot ang noo ko.
" Ha? Make up! No, I don't put colors in my face yet"- sagot ko naman." Naku! Naku! Sinasabi ko na nga ang dami pang aayusin sayo. Siguraduhin mo lang hindi ka malalate. Patay ka kay Ranessa pagnagkataon"- pananakot pa nito. Kinuha ako ni Ranessa bilang bride's maid sa kasal nila sa araw'ng ito kasi nga ako ang matalik nyang kaibigan at hulaan nyo kong sino ang groom niya. Palaging may kumikirot sa puso ko sa tuwing maaalala ang lahat ng mga nangyari.
" Don't worry Liz. Maganda na'ko no need for make-up transformation anymore. Paki-prepare lang ng dress salamat"- sambit ko sa kanya.