Chapter 1

25 1 1
                                    


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


No part of this book may be used or reproduced in any manner without the permission from the author. Plagiarism is a serious offense.



Note: This is NOT based from a true story.


Rated SPG: Theme, Language.


+


Chapter 01 // Kendall Ortega




"Ken!" Lumingon naman ako sa nagsalita. Kahit naman sumigaw siya ay walang makakapansin sakanya. Maraming tao sa National Book Store ngayon e, papalapit na kasi pasukan.



"Wow. Alas diyes pala magkikita ha, alas diyes." sarkastikong bati 'ko naman sakanya. Napakamot naman siya sa batok niya. "Sorry na Ken. Alam mo ba sasakay na talaga ako ng trike nung nagt-"



Inirapan 'ko naman siya, "Puro ka dahilan. Alam 'ko namang late ka talaga nagising. Leche ka."



Niyakap naman niya 'ko bigla na ikinabigla 'ko. Munti 'ko pang mahulog 'yung bitbit 'kong basket na may lamang school supplies. Masasapok 'ko 'to.



"Sorry na. Labyu." Napa-yuck naman ako sa sinabi niya. Bumitaw siya at nag-pout.



"Che. Sanay na 'ko sayo. Tigilan mo nga 'yan mukha kang bibe." Bigla naman siyang tumawa. Bipolar na bibe.



"Kahit kailan napaka-straight forward mo, ateng." Inayos naman niya 'yung pagkakatali ng buhok niyang hanggang collarbone.




"Di naman..." sagot 'ko at naglakad na uli, sumunod naman siya.



"Honest lang." Sabay naming sabi kaya napatawa kaming pareho.



Syempre sanay na 'yan sakin. Sa halos apat na taon na pinagsamahan namin, kaming tropa. Alam na namin ang ugali ng isa't isa. Lalo na 'yung ugali 'kong sobrang unique.



Dapat ay magkakasama kaming lima ngayon pero dahil mga nagsibili na 'yung iba kahapon pa ng gamit. Kami nalang ni Gia ang magkasamang bumili ngayon.

#NoFilter BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon