Chapter 2

10 1 0
                                    

Pasukan. Na. Bukas. Kahit. Dry. Run. Lang. Masakit. Parin. Peste. ;-;

+

Chapter 02 // Tropa


Tumakbo na 'ko palapit sa linya ng section namin, malapit na kasi magsimula 'yung flag cem. Muntikan na ma-late dahil sa kabagalan ng pinsan 'kong si Ace. Sabay na kasi kaming pumapasok ng school dahil 'yun ang utos ng mga magulang namin. Kahit pwedeng pwede naman mag-commute mag-isa gusto nilang sabay kami.


Nakapagpasaya sakin na magkakaklase parin kaming lima. Never pa kaming naghiwalay, kaya solid kami eh, di kami liquid.


"Ba't ang tagal mo ateng?" salubong sakin ni Gia. Dapat kami nalang 'yung sabay eh. Pahamak lagi si Ace. Binaba 'ko naman 'yung bag 'ko dahil nagdadasal na sa harap.


Di 'ko sinagot si Gia dahil bastos 'yon kapag nagdadasal, minataan 'ko naman siya na parang sinasabi 'ko rin sakanya na humarap ka kung ayaw mong masaway. Salamat naman at di siya slow ngayong umaga kaya humarap na siya.


Pagkatapos ng dasal ay sinagot 'ko siya ng, "Ano pa nga bang bago? Bagal kumilos ni Ace, parang ang bigat bigat ng katawan." sasagot sana siya nang may dumaan sa gilid ng linya namin na C. A. T. officer. Tinitignan kami mula ulo hanggang paa. Syempre para tignan kung complete uniform.


Itong school kasi namin, kahit sabihin mong public ay matino parin naman. Ito 'yung public school na may standards. May standards mula grades hanggang good moral.


Umalis na 'yung officer matapos i-check 'yung section namin. Sakto namang kumanta na ng Lupang Hinirang 'yung naka assign sa harap. First day ngayon kaya student council ang nasa harap at namumuno ng flag cem.


Buong flag cem ay inilibot 'ko lang mga mata 'ko sa buong quadrangle. Ang mga building ay nakapalibot sa quad. Bale may apat na building.


Tinignan 'ko ang bawat year level, lalo na ang mga bagong salta. Mukha namang mga matitino, salamat dahil finiflter talaga ng administrasyon ang bawat batch na pumapasok dito.


Pero 'wag tayong magsasalita ng tapos. Looks may deceive ika nga nila.


Natapos ang flag cem at ngayon naman ay nagsasalita na ang principal ng school. Si Ma'am Ramillo, ang principal namin na parang may walong kilong eyebags. Mas responsable siya kaysa sa huli namin naging principal pero di hamak na mas kj siya kaysa sa huli.


Nag-usap usap naman kaming tropa nung may mga inaannounce sa harap. Sa homeroom nalang namin tatanungin kung anong mga sinabi, wala eh. Ganun talaga buhay.


Late nga palang dumating ang mag-pinsan, natakasan pa nga nila mga rumurondang officer. Buti nga di sila pumasok ng homeroom na, mukha namang di nila sinasadyang maaga sila dahil napa-tsk silang pareho at mukhang bigo.


"Tae kasi si Mama minadali kami. First day na first day daw nagpapalate kami." saad ni Javier samin, magsasalita sana ako nang sinuot niya na 'yung earphones niya.


Javier, plus earphones, equals walang kwentang Javier. Hindi mo na 'yan makakausap ng maayos. Ganyan siya ka-passionate sa music niya.


Natawa nalang 'yung pinsan niyang si Jem kaya siya nalang kinausap ko. Si Gia? Hulaan niyo nalang kung anong pinagaabalahan.


"Hoy, namiss kita." Sabi 'ko naman sakanya. Gala kasi 'tong babaita na 'to. May kinuha naman siya sa bag niya at binigay sakin, "Oh, yan. Pambawi." tawa niya, bigla naman nagsparkle 'yung mga mata 'ko.


Binigyan niya 'ko ng Apollo! Kung di niyo alam, tsokolate 'yon na parang hugis cone tas maliit, marami siya sa isang box. 'yung tuktok ng bawat tsokolate may strawberry na ewan. Ah, basta.




#NoFilter BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon