03

3 1 0
                                    


I woke up with a throbbing pain in my head. I could see a ray of sunlight piercing through my bedroom curtains. Sinubukan kong tumayo pero naroon ang pag hagod ng sakit sa buong katawan ko, sinamahan pa ng bahagyang pagkahilo. Nasapo ko ang noo ko dahil sa pagpintig ng sakit nito. I tried shrugging it off, stupidly thinking it'll ease the pain.




"Fuck." bulong ko nang hindi mawala ang pagpintig sa aking ulo. Sa sitwasyong kinalalagyan ko ngayon, napadasal na lamang ako sa aking isipan at sinasabing hindi na ulit iinom ng alak. Para akong bata na nagmamakaawa sa aking isipan.



Biglang narinig ko ang dahan-dahan na pag bukas ng pinto na kung saan ay iniluwa nito si Harris. Nakasimangot, maangas at may hawak na tray na may laman na isang basong tubig at bote ng pure honey.



"Have a spoon of honey to reduce your hangover, you careless creature." naiirita niyang tugon, nakakunot ang noo. I just rolled my eyes dahil wala na ata akong energy para makipagsagutan pa sa kaniya ngayon. My head fucking hurts,tatanggalin ko na 'to.



Harris served me a spoonful of honey and helped me drink my water. After that sinabi na niyang bumangon ako bago pa raw ako malate sa school at saka siya tuluyang lumisan sa kuwarto ko.



Hinimas-himas ko ang sintido ko at saka pinilit bumangon. Sinuot ang bedroom slippers ko at tumitig sa salamin upang sulyapan ang kabuuan ko. My hair is a mess, my clothes are all weary and wavy. Hindi man lang ako pinalitan ng damit bago ako i-uwi at patulugin. Once again I rolled my eyes and let out a deep sigh.



Ngayon naman ay kinuha ko na aking tuwalya at tinungo ang pinto ng banyo. As I enter, the smell of soap splashed throughout the room. Isinampay ko ang aking tuwalya sa rack at hinayaang patuluin ang mainit na tubig sa aking mga balat. Dahan-dahan kong hinagod ang aking katawan, mula mukha, dibdib, tiyan at sa maselang parte ng aking katawan.



Dinama ko ang mainit na tubig, inaasahang matatanggal nito ang sakit ng aking ulo. Kinuha ko ang body wash at nagpump sa loofah. Kinuskos ko ito sa aking katawan ng may pag-iingat. Muling umalingasaw ang mabangong amoy sa banyo. Sinabon ko ng mabuti ang buo kong katawan.



Habang patuloy na nagsasabon,naalala ko ang mga nangyari kagabi. Mula sa paghaplos ng mga kamay ng lalaki sa aking katawan, hanggang sa nagkagulo at hanggang sa makauwi kami. Laking pasasalamat ko dahil mabuti na lamang ay nandoon si Harris ng mga oras na iyon dahil hindi ko alam ang gagawin namin nila Verl at Ailey kung sakali man na wala siya at ang Aces.



Once again, napabuntong-hininga na lamang ako nang mapagtanto ang pagkalasing ko kagabi, but then I shrugged off all my thoughts. I realized na I was running out of time to prepare for school, kung kaya ay nagmadali na akong maligo. Nagshampoo, nagbanlaw at nagpunas. Lumabas ako ng banyo, dali-dali kong sinaksak ang blower at nagpatuyo ng buhok habang nagsusuot ng pang-ilalim na mga kasuotan.



Nagsuklay at nagsuot ako ng mga accessories, dinampot ko ang mga gamit na dadalhin then I stormed out of the room. Nakasalubong ko si Harris na ngayon ay maayos ang panunuot, napakalinis ng damit at ng kaniyang ayos.Maangas siyang nakasandal sa pasada ng pinto, naiinip na siya at kitang-kita sa nakakunot niyang noo, napakamainipin talaga nito.



"We're going to be late, you know?" nayayamot niyang tugon habang pinaikot-ikot ang susi ng kaniyang kotse sa kaniyang index finger. Inihagis niya ito sa ere at kaniya rin sinalo. Tinarayan ko siya at nilagpasan."Let's go." I bossed around him. Wala rin naman sila Mommy, pwede ko siyang asarin.



Tinungo namin ang garage kung saan nakapark ang kaniyang kotse. Nauna akong sumakay at muling sinalpak ang aking earpods. Wala ako sa mood makipag-usap ngayon. Nararamdaman ko pa rin ang sakit ng aking katawan at bahagyang pagpintig sa aking ulo. Hinilot ko ang aking sentido at sumandal sa bintana hanggang sa makapasok kami sa loob ng MVIU.



Love Under the Starry SkiesWhere stories live. Discover now