Chapter 3

56 3 0
                                    


"Mommy... Daddy... Iiwan niyo ba ako?? Please.. Wag po... *sob*sob* bakit ba kasi nangyari ito sainyo?"

Mommy! Daddy! Wag niyo po akong iwan! Kailangan ko pa po kayo..

Hinawakan ko ang kanang kamay ni mommy at tsaka umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Iyak ako ng iyak habang pinag mamasdan ko yung mga sugat na nakuha nila sa aksidente kanina.

Kung bakit pa kasi nangyari ang lahat ng ito...

Sa kakaiyak ko hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

*dream

"Kristal anak.. Gising na." sabi sakin ng isang tinig.

"Ehh. Teka po." sagot ko tsaka unti unting minulat ang mga mata ko at dun ko nakita si Mommy.

"Mommy! Mahal na mahal kita!" sagot ko sakanya at tsaka siya yinakap.

"Haha. Mas mahal na mahal kita Kristal." sabi sakin ni mommy.

"Kristal anak.. May sasabihin ako sayo." sabi ni mommy.

"Ano po iyon Mommy?" sabi ko tsaka ako humiga sa lap niya.

"Kasi anak.. May ginawa si Mommy na hindi makatarungan eh." sagot ni mommy.

"Hindi makatarungan? Ano po ba iyon?" tanong ko.

"Sige kwe-kwentuhan na lang kita."

"Labing walang taon ang nakakaraan may isang batang babaeng na wala ng magulang. In short patay na ang magulang niya. Yung batang babae na yun halos wala syang makain, mainom, walang damit at walang pangaral."

"Tapos isang araw kinopkop siya ng isang pamilyang mayaman dahil naawa sakanya. Tinanggap siya ng buo ng pamilya at tinuring na isa sakanila. Ang batang babae na yun na halos walang wala sa buhay ay nagkaroon muli ng isang buong pamilya. May nanay at tatay at may dalawang kapatid."

"Nung mga ilang taon pa ang lumipas ok pa ang lahat. Kaso nung dumating yung lalaking iyon nagulo ang buhay ng batang babae na yun. Nagkagusto siya sa lalaking iyon. Nang malaman ng batang babae na yun na close sila ng isa nyang kapatid nagpapatulong siya dito naipakilala siya kaso tinangihan siya ng kapatid niya na yun dahil nga may nililigawan na nga daw iyon. Pero yung batang babae nagpaka emotera kaya nag walk out siya at hinarap mismo yung lalaking iyon."

"Kinausap niya ng masinsinan ang lalaking iyon at napagtanto niya nga na ang gusto pala nung lalaking iyon ay ang kapatid niya, kaya nagalit siya ng lubos sa lalaking iyon at sinabi na hinding hindi niya na makikita ang kapatid niya na yun. Kaya pagkauwi na pagkauwi nila hinanda na agad ng batang babae na yun ang mga gamit niya sa paglusod sa kapatid niya. Tapos ng sinabihan din siya ng isa niya pang kapatid na hindi daw makakuwi ang magulang nila napaisip na lang yung batang babae na umaayon lahat ang plano niya."

"Ang plano lang naman talaga ng batang babae na yun ay kausapin yung kapatid niya na lumayo na dun sa lalaking gusto niya. Pero sa likod ng batang babae na yun may kutsilyo siya. Wala naman talaga syang balak patayin yung kapatid niya kaso biglang nandilim ang paningin niya ng tinanggi ng kapatid niya na siya ang nililigawan. Para bang sa isip isip niya ginagawa syang tanga nito kaya hindi niya sinasadyang nasaksak niya sa tagiliran ang kapatid niya."

"Nagulat na lang ang batang babae na yun sa ginawa niya kaya agad agad niya ding nabitawan ang kutsilyo tsaka humingi ng patawad sa ginawa niya kaso sa hindi malamang rason bigla na lang niya kinuha yung kutsilyo at pinag sasaksak niya ang kapatid niya. Sa isip isip niya wala na syang pakealam basta hindi sila magkatuluyan ng kapatid niya at ang lalaking gusto niya. At para na din sa mga magulang niya na pinatay ng magulang nila at para na rin sa isang taong mahalaga sakanya."

MirrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon