Ira's POV
Pagmulat ng mata ko ay naramdaman ko kaagad ang lamig ng sahig. Kinapa ko ang parte ng dibdib ko kung saan tumama ang bala. Kataka takang tumitibok pa ang puso ko.Napapikit ako ng madiin.
Sino ba ang lalaking yon? Totoo bang lahat ng yon o panaginip lang?
Hindi mawala sa isip ko ang eksena kagabi. Ang mukha ng mga traydor na sumira sa masaya sanang birthday party ko. Nakilala ko sila isa isa at wala akong planong hayaan na lang mauwi sa wala ang pagkamatay ng mamà.
"Señorita? Ayos lang ho ba kayo?" Nawala ang atensyon ko sa pagninilay nilay ng may magsalita. Kumunot ang noo ko, how come she's alive? I saw it with my own two eyes how a caliber 45 shot her head.
"P-panong buhay ka?" Nalilito ako nitong tiningnan.
"Señorita?" Madidinig mo ang pagtataka sa boses nya. Nilibot ko ang paningin ko, nasa gathering hall pa din ako. Wala na ang bakas ng kaguluhan kagabi, wala na ang mga butas sa kurtina at ayos na din ang grand piano.
"Nasan ako? Ano bang nangyayari?"
Panaginip lang ba lahat? Am I hallucinating? Kitang kita ko kung paanong halos mapulbos ng mga bala ang hall na 'to pero ngayon habang tinitingnan ko ito wala namang bakas ng kahit isang sira. Totoo nga kayang namatay ako kagabi?
"Nasa gathering hall po kayo, ngayong araw po paplanuhin ang birthday celebration nyo. Siguro po excited lang kayo"
Paplanuhin?
"Paplanuhin? Teka, anong araw na ba ngayon?" Naisatinig ko. Napahawak ako sa ulo ko parang hihimatayin ata ako sa mga nangyayari.
"Opo señorita, isang buwan na lang at ika labinwalong kaarawan mo na. Nako señorita tumayo po kayo diyan malamig ang sahig"
Saglit akong natulala. Kung ganon, bumalik ako isang buwan bago ang trahedya. Ngayon, sigurado na akong hindi ako nananaginip. Totoong nabuhay akong muli.
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa hilo. Kung ganon isang buwan bago ang birthday ko, buhay pa ang mama sa mga panahong ito.
Kung ganon, may pagkakataon pa akong patayin lahat ng trumaydor sa amin bago pa mangyari ang nakatakda.
Tumayo ako at dire diretsong lumakad papunta sa kwarto. Hindi ko alintana ang lamig ng sahig. Kung sisimulan ko na ito ngayon makakapagfocus pa ako sa paghahanda para sa birthday ko.
"Señorita teka po! Hindi na po ba kayo kakain?" Dinig ko pang sigaw ng katulong pero inignora ko na lang ito.
Pagdating sa kwarto ay pabagsak akong humiga sa kama. Napabuntong hininga ako, inalala ko lahat ng mukha ng mga traydor, kung susumahin 11 sila kaya't mukhang mahihirapan ako.
Hindi sa pagmamayabang ay isa akong trained sa pakikipaglaban, I was just 4 years old when I started in training. Reason? Unknown. Imbis na naglalaro kagaya ng ibang bata ay pag aaral ng iba't ibang martial arts ang pinag aralan ko. Utos yon ng papà, just incase das at least marunong akong lumaban.
10 years old naman ako ng una akong makapatay ng tao. Hindi ko yun sinadya pero ang dugo ng tao na yon ang gumising sa natutulog na demonyo sa katawan ko.
Anyway, hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at tumayo na 'ko at humarap sa pc para mag hanap ng information sa una kong target.
Buong araw akong abala at hindi ko namalayang gabi na pala. Sa pagod ay nakatulog na ko.
F.A.S.T.F.O.R.W.A.R.D.
Pagsabog pa lang ng liwanag sa kalangitan ay mulat na ang mga mata ko, tumayo ako para lumabas dahil may kailangan pa akong puntahan.
BINABASA MO ANG
My 12 Black Roses
ActionTila isang bangungot ang masaya sanang selebrasyon ng kaarawan ni Ira sapagkat pinatay siya at ang pinakamamahal nyang ina. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay binigyan sya ng pagkakataong makabalik ng isang misteryosong nilalang. She got rein...