Chapter Fourteen

28 1 0
                                    


Nagising ako then checked the clock. 3 AM na pala. Apat na oras na naman ang tulog ko. Sinilip ko si Eun-woo na sobrang gwapo kahit na natutulog. Ang ganda ng kanyang mga mata at labi. I leaned on my hand then traced his nose with my fingertips. Napapangiti nalang ako habang inaalala ang nangyari samin.

Ayokong mawala ang lalaking 'to sakin. Gagawin ko ang lahat para proteksyonan siya't mahalin. I'll be his best girlfriend ever, kahit palihim pa ito...

Dahan-dahan akong bumangon at hinanap ang mga damit ko sa sahig. Kinuha ko ang sa kanya at tinupi ang mga 'to pagkatapos ay nilagay sa side table. Ang himbing ng tulog niya, mukha siyang anghel ngayon. Kinunan ko siya ng picture at umupo sa tabi niya.
Napaisip ako kung tama ba ang ginawa namin. Kung wala ba akong dapat na pagsisihan, at kung wala bang magbabago sa treatment niya sakin.

Masyado ba akong naging easy to get? Naisip niya kaya ito kanina habang ginagawa namin 'yon?

Tumayo ako at lumapit sa pintuan ng balcony. Gusto kong lumabas pero baka magising ko siya, at baka may makakita pa sakin. Tanging hangin lang mula sa aircon ang naririnig ko. Ang sarap namang uminom ng mainit na tsokolate ngayon. Oo, nagugutom na ako. Hahaha! Hindi ko tuloy alam kung ano bang gagawin ko dito. Kailangan kong bumalik sa kwarto namin ni Daisy kaso nahihiya akong gisingin si Eun-woo dahil ang sarap ng tulog niya. Humihilik pa nga paminsan. Alam kong pagod na pagod siya, tapos pupunta pa sila ng market mamaya para sa shoot.

Umupo nalang ako sa sofa at nag Facebook. Makapag reply na nga lang sa Messenger. Ganito ako eh, unless importante yung chats at magrereply naman ako agad. Tamad lang talaga akong makipag socialize most of the time.
Nagkumot ako at sinilip ulit ang oras, 3:30 na pala. Humikab ako at humiga. Maya-maya lang ay tumunog ang alarm ni Eun-woo kaya bumangon ako at lumapit sa kanyang phone. Papatayin ko na sana ito nang hawakan niya ang kamay ko at ngumiti sakin. Hindi niya pa binubuksan ang kanyang mga mata at hinila niya ako paupo.
"Good morning!"
Mahinang sabi ko sa kanya at humiga. Niyakap niya naman ako mula sa gilid.
"A~nnyeong..."
"Go back to sleep... I'll go to my room now."
"Animida..."
His bedroom voice is too soothing. Ayoko nalang isipin dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya. Hahaha!

"Yeobo..."
"Hmm?"
Binaon niya ang mukha niya sa dibdib ko at umungol. Inaantok pa talaga siya.
"Gajima~"
Ang cute niyang mag baby talk! Waaa!
"Hmmm?"
"Stay..."
Humiga ako at hinarap siya. I brushed his soft hair. Alam kong hindi siya natutulog dahil naririnig ko siyang tumatawa pero halata mong inaantok. Maya-maya lang ay bumangon siya at hinawakan ang kamay ko.

"I'm still very sleepy, but I don't want you to get in trouble... Sorry for making you stay."
"I would really love to stay and also wake up next to you. But not now, okay?"
"Saranghae."
Hinalikan niya ako for the last time bago ako hinatid sa pintuan. Nilingon ko siya at niyakap siyang muli saka ko inabot ang labi niya para humalik. "I love you, babi."
Binuksan ko ang pinto at tahimik na naglakad palabas ng kanyang kwarto. Nag flying kiss pa siya sakin at saka ako kumaway. Sinenyasan ko siyang isarado na ang pinto at matulog ulit pero ayaw niya dahil hihintayin niya raw akong makaalis ng safe. Hindi na nga ako pumalag at umabot na sa pinakadulo. Nakasilip lang siya mula sa pinto hanggang bumaba ako ng hagdan. Tumunog naman agad ang phone ko.

Eun-woo: Good morning again! Babi~ Hehe I like it. I'll see you later OK ^^ thanks for the incredible night. I'm really really happy! And am sorry I hurt you :(( I'll bring you delicious food later! Sleep well babi!! 사랑해요!

Nakangiti parin akong pumasok ng kwarto at dahan-dahan itong sinara. Laking pasasalamat ko nang makita si Daisy na mahimbing ang tulog. Bumalik ako sa kama at nilagay sa pwesto ang mga unan na nasa ilalim ng kumot. Dahil dim naman ang ilaw ay akala mo talaga nakahiga lang ako sa kama. Ang talino talaga ni Eun-woo. Siya kasi ang nakaisip nito eh. Hahaha!

A Star My Hands Can Never HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon