14.

3 0 0
                                    

"Enoy" Tawag ni Katharine kay Jeno na abala sa pag gagayak ng pagkain ni Reese.

"Bakit?" Jeno respond.

"Umakyat ka raw don sabi ni Reese, gulat nga kung bakit andito ka sabi ko kanina ka pa nandito" Ani Kat ng bahagya tumawa si Jeno.

"Eto na."

...

Narinig naman ni Reese ang katok mula sa pintuan

Alam na niyang si Jeno na iyon at dala dala ang pagkain niya.

Dahan dahan niya binuksan ang pinto at nakita si Jeno na nakangiti, halos singkit na ang mata nito

For reference:

BASTA PAG NAKANGITI IBIGSABIHIN GANYAN SIYA NGUMITI!

BASTA PAG NAKANGITI IBIGSABIHIN GANYAN SIYA NGUMITI!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Ino.."

"Akala mo uuwi talaga ako? Hindi no, pangako ko kay Lola kanina na aalagaan kita." Ani Jeno.

Flashback.

"Oh Hijo, anong nangyari? Nag away kayo?" Tanong ni Lola ng umupo ito sa harap ni Jeno sa ha pagkainan

"Nagalit po La eh, ayaw niya raw po kumain pero pinipilit ko siya, gusto akong pauwiin" Ani Jeno nang bahagya matawa si Lola.

"Hay nako ganyan Talaga si Jaja ko, pag may sakit hindi mo pwedeng pilitin sa ayaw niya kung hindi magagalit, uuwi ka ba Hijo?" Tanong ni lola.

"Hindi po eh, la, may sasabihin lang po sana ako" Ani Jeno nang mabuhos ang atensyon ng lola sa bata.

"Ano iyon Hijo?" tanong ni Lola.

"Eh, nililigawan ko po kasi si Jaeloreese, at pinangako ko po na habang nanliligaw palang ako, ay di ako aalis sa tabi niya." Ani Jeno ng nagkamot pa ito ng ulo sa hiya, at bahagya namang natawa si Lola.

"Nako Hijo, Ako hindi ako kontra dyan, nakay Reese na yan, Basta ako suporta lang ako sainyong dalawa, pero kung maging kayo man, pangako mo saakin hinding hindi mo papaiyakin si Ja ko, lumaking iyakin yan si Jaeloreese dahil lagi iniiwan ng magulang niya. "

"Konting kirot ng puso niya iiyak na yan, kaya pangako mo, hinding hindi mo sasaktan at papaiyakin si Jaeloresse"

"Pangako po, lola."

...

"She said that?" tanong ni Reese nang patungo ito sa table sa kwarto niya nang umupo iyon

"Opo, Pano ba yan, kampi saakin si Lola?" pagbibiro ni Jeno nang parehas naman silang natawa at ibinaba na rin ni Jeno ang tray kung nasaan ang pagkain ni Reese

At umupo sa harap nito, habang pinapanood ang nakababata na kumakain

"Hey.." tawag ni Jeno sa nakababata, tumingin naman kaagad iyon habang ngumunguya

"Gusto mo?" tanong ni Reese, nang bahagya naman natawa si Jeno at umiling.

"Wala, ang cute mo lang eh" Ani Jeno nang masamid si Reese nang matawa si Jeno.

IyakinWhere stories live. Discover now