Chapter 27 (Xenon's POV)

8.8K 125 20
                                    


Nandito kami ngayon sa park kasama ang inaanak ko na si Darell- Alessandro's son. Pinasyal ko muna ang bata kasi nangako ako sa kanya noong isang araw na ipapasyal ko siya sa park.

When we were playing on the park, I saw a strange girl sitting on the bench while drawing something on her sketc pad. Naagaw niya ang atensyon ko. She may be strange for her outfit but I find her cute and beautiful.

Simple pero hindi maitatago ang ganda niya kahit naka-hoodie pa siya.

"She's cute, right Tito?" Darell suddenly said when he saw me being starstrucked by the girl.

Ngumiti ako sa kanya at pasimpleng ginulo ang buhok. "Right baby."

Nagtama ang mga paningin namin. Kahit medyo malayo kami, ramdam ko pa rin ang lamig ng mga titig niya.

This girl is interesting...

Simula noon, hindi na siya mawala sa isip ko. I am with different kind of girl but wala sa kanila ang nagparamdam sa akin nito.

"Bro, there's this girl na hindi mawala-wala sa isip ko. Naguguluhan na ako... Tang*na, ilang araw na akong walang masyadong tulog dahil rito." pagtatapat ko kay Alessandro habang nandito kami sa mini-bar sa bahay niya.

Napatakip siya ng bibig at bigla nalang tumawa nang malakas. "D*mn Bro! D*mn! You're in love bastard!"

In love? Love na ba talaga 'to? Is this what they called love at first sight?

"Xenon, anak, kailan ka pa ba mag-aasawa. Sa lahat ng blind date na ginawa ko, wala ka pa ring natipuhan. Nagtatampo na talaga ako sayo!" hirit ng aking mama.

The case that I handled just finished successfully. Akala ko wala na akong aalalahanin pa ngunit meron pa pala ito. Hindi talaga ako nilulubayan ni Mom tungkol sa pag-aasawa.

Ilang dates na ba ang napuntahan ko? Hindi ko na mabilang.

I'm so tired of hearing this.

Para makapag-relax, nag-aya ako kay Alessandro na mag-relax. May paborita kasi akong isla na lagi kong pinupuntahan kapag gusto kong magpahinga at lumayo sa maingay na siyudad.

Gabi na nang makarating kami. Habang masaya kaming nag-iinuman ni Alessandro, mayroon akong namataang ilaw na kumakaway sa gilid ng dalampasigan. Sobrang dilim ng paligid at tanging ilaw lang ang naaninag ko. Tila napansin rin ito ni Alessandro.

I think someone is calling for help.

"Bro, maneuver the yacht!" I demanded to Ale.

Hindi pa man nakakaparada ang yate ngunit tumalon na ako dahil nakita kong unti-unting nawawala ang ilaw. Paglapit ko, nakita ko ang isang babae na nakahiga sa may buhanginan.

Hinang-hina.

"Miss!"

Nang tinapatan ni Alessandro ng ilaw ang mukha ng babae, natigilan ako nang makita ang babaeng ilang araw ng laman ng isipan ko...

The strange cold girl...

Dinala namin ang babae sa aking cabin. I still couldn't believe that I found her here. Ang ipinagtataka ko, bakit siya narito?

Was she in trouble?

"Bro, I'm sorry. Gusto pa sana kitang samahan rito pero manganganak na ang asawa ko. Ikaw na ang bahala sa kanya." said Alessandro with a hint of worry on his face.

"I understand, Bro. Gamitin mo muna ang yate pabalik. Mag-iingat ka."

Alessandro brought the yacht and will come back as soon as his wife is already okay. Siguro matatagalan pa.

HOT SERIES #2: Marry Me, Attorney Where stories live. Discover now