Chapter 10

7.9K 160 10
                                    


"Good morning."

The moment I opened my eyes, it was Xenon who greeted me. Siya agad ang bumungad sa akin.

"Tagal nagising ah? Parang pagod na pagod lang." panunudyo pa nito.

Pagod talaga.

He was still half naked. Hinawi niya ang buhok na tumatabon sa aking mukha. Ngunit hinawi ko ang kamay niya na ikinataka ni Xenon.

Bumangon ako habang takip ang puting comforter.

"Where are you going?" nagtatakang tanong ni Xenon nang makita niyang papaalis ako.

"Aalis na ako. I'll go back to my room."  I said.

Kumunot ang noo ni Xenon at may iritasyon na rin sa mukha niya. "But what about what happened last night? Akala ko ba okay na tayo?" medyo nagtataas na siya ng boses dahil sa frustrasyon.

"What happened last night is wrong. Wala lang 'yo—"

"Bullsh*t! Fvcking bullsh*t! You responded to my kisses, your body likes my touch, tapos wala lang 'yon?! Darn it, Oceana." galit na galit na sabi ni Xenon. Iyong tipong lumalabas na ang mga ugat niya sa leeg.

His eyes were bloodshot too.

"Bakit ba apektadong-apektado ka? We just fvcked. You can have sex to anyone if you want to and the same as me. We can fvcked anyone at hindi na iba ang nangyari sa atin. At isa pa, in the first place, hindi naman 'to totoo. It is all just an act." I explained calmly.

Totoo naman talaga. It was all an act. Kung may nangyari man sa amin, dahil iyon sa pangangailangan ng katawan namin.

Xenon chuckled humorlessly. "Bakit pa nga ba ako magugulat? This marriage is just a joke. Legal but just a joke. Fvck this." ani nito at lumabas.

He even slammed the door so hard. Galit na galit si Xenon.

Napaupo ako pabalik sa kama.

Ano ba talagang problema niya? Kapag ba mahuhulog ako, sasaluhin niya rin ako?

Alam kong noong una kaming magkita, I have this strange feeling towards him at hindi ako manhid para hindi mapansin iyon.

Kaya as much as possible, iniiwasan ko siya.

I can't fall in love with him because at the end, aalis rin naman ako.

Matatapos rin naman ito. Pinasukan ko ito kaya ayaw kong umiyak sa huli.

DUMATING ang gabi pero hindi pa rin umuuwi si Xenon. Naghanda ako ng pagkain dahil akala ko uuwi siya at dito maghahapunan kasama ko pero wala siya.

Hinintay ko pa rin siya hanggang mag-alas dyes. Nasa sala ako at umiinom ng wine habang nanonood ng TV.

Ilang beses akong tumitingin sa labas at nagbabakasakaling dumating si Xenon.

Habang tumatagal at umaaasang uuwi siya, bumibigat lang ang dibdib ko.

Nalunod ako sa wine na iniinom ko. Bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko. Tuluyan na nga akong hinila ng antok. But before I closed my eyes, a tear escape from it.

Kinabukasan, nagising ako nang masakit ang ulo dahil sa wine na ininom ko kagabi. Last time  I remember, nakatulog ako doon sa sofa sa baba. Paggising ko, nasa kwarto na ako.

Kahit nahihirapan, sinubukan ko pa ring bumangon dahil kailangan kong pumasok ngayon sa trabaho.

After maligo at makapagbihis, bumaba na ako.

Sa kusina nakita ko doon si Xenon nag-aalmusal. Nagkatinginan kami pero siya na ang unang bumitaw ng tingin. Nang makita ako, tumayo siya at umalis sa kusina.

HOT SERIES #2: Marry Me, Attorney Where stories live. Discover now