Hi. So I have a crush on this boy, idk if crush pa ba to para kasing hindi na. I'll leave it here muna since hindi ko na talaga sya kaya ikeep and it's killing mee!!
So, itago na lang natin sya sa name na JL. Sya yung tipo ng lalaki na seryoso sa pag aaral, masipag, makadiyos, mabait, gwapo and actually nasa kanya na lahat. Nagsimula yung pagkacrush ko sakanya nung first day nmin mag f2f kahit di sya masyadong nakikipag interact (mala cold & mysterious kasi sya) naging crush ko sya agad. But mga kalagitnaan ng 1st sem, nagiging open na sya samin na mga kaklase nya. THEN, this second semester mas naging close kami. Siguro he is the one na ano, bff ko ganon.
But lately, according rin sa mga classmates ko para daw kaming may something kasi super close na daw kami ni JL. Naniwala ako. But.. wala naman pala talaga.Hindi nya sinabi sakin na wala talaga, ako na mismo ang nagconfirm sa sarili ko na friends lang talaga kami. Hahaha kasi nmn, yung ginagawa nya sakin ganon rin sya sa lahat. One time nga, sinabihan nya ko ng cute e. Pero kanina narinig ko rin na sinabihan nya ng cute yung isa ring classmate nmin na babae. Tapos nakakasandal ako sakanya pero yung ibang babae rin nakakasandal sakanya. Ang sakit lang. And may crush na daw sya haha :).
Sabi ko, hinding hindi ako mag eexpect sakanya. Pero huli na pala talaga, kasi sa bawat small gestures nya, binibigyan ko na yun ng meaning. Alam ko naman nasa una palang wala na talaga akong chance, as in wala na talaga. Kasi crush yun ng bayan e tas role model. Eh ako, ganto lang.
Pero sa tuwing nagtatry ako magmove on, wala e sya pa rin. Gustong gusto ko na talaga kasi sabi ko sa sarili ko na pag nasaktan ako, titigil ko na. Pero wala e, go pa rin. So yun lang, idk gusto ko lang talaga malabas. Sana talaga soon makamoveon na ko kasi ang sakit sakit mo na JL.Siguro may continuation to pag nakamove on na ko, sana sana Lord.
***
Date written : 03/28/23
Date published : 03/28/23