Entry #5

19 19 0
                                    

Just want to share my "progress" sa pagmomove on kay JL, check entry #4 for the context lol.

Sa totoo lang, I can't see nor feel any progress at all. Napapatanong na lang ako sa sarili ko kung nagmomove on ba talaga ako? Kasi sa pagsubok kong lumayo mas napapalapit ako sakanya. Ang hirap kasi unti unti na talaga sya nagkakaron ng space sa puso ko. Ang tanga tanga ko rin sa part na nahulog ako sakanya, alam ko naman na kasi talaga sa simula na wala na talagang chance eh. Bat pa ko tumuloy? Bakit sa bawat pagbabawal ko sa sarili ko, makita lang kita nahuhulog na naman ako?  Bakit kasi di na lang ako? Wala ba kasi talaga, JL? Kahit konting chance lang?

Dapat naging masaya na ko dun sa part na naging kaibigan kita e, close friends. Pero bat gusto ko mas higit pa?  Diba dapat "happy crush" lang kita? Pero bakit humigit pa? Bakit gusto na kita? Sana Lord kahit ito na lang, wag ng humigit pa yung nararamdaman ko para sakanya. Kasi ngayon pa lang hirap at pagod na ko umasa e, pano pa kaya kung mahal na kita?

Holy week na rin naman kaya baka, baka dahil dito may chance na magkaprogress yung pagmomoveon ko sayo. Minsan nga iniisip ko, hanap kaya ako rebound or isa pang crush. Pero tangina, alam ko naman pag ginawa ko yun sarili ko lang niloloko ko e. Kaya sana 1 week rin walang pasok, sana magkaprogress. :)

***
Date published : 04.02.23
Date Written : 04.02.23

911 random things, Just Because.Where stories live. Discover now