This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events in purely coincidental.
This story or any portion thereof may not be reproduced or used in any manner whatsoever without the permission of the author except for the use of brief quotations in a book review.
Note: Hi! To celebrate my 10th year in Wattpad I decided to revise all my other previous stories. In those years since I started here, I believed that I have improved as a writer to give my stories the execution that it deserves. Rest assured that the main plots and the scenes that you all loved in this story will be kept, though it may be given a new flavor.
I hope you would support the revised version as much as you supported the original version.
To the new readers, I hope you would enjoy this story as much as I enjoyed writing it.
Pestering Elli Vinzon
PROLOGUE
I don't have a lot of friends. Kaya naman ng sinabi ni Mommy na, "I packed extra sandwiches for you to share to your friends, anak." Napanguso na lang ako at hindi kumibo.
Kung bakit wala akong masyadong friends dito sa school? Hindi ko rin alam. Sabi ng iba, childish daw kasi ako. Kahit na 4th year high school na kami mukha pa rin daw akong elementary. Big round glasses, colourful hair clips, and basically everything pink.
"Nandiyan na si Hello Kitty," narinig kong bulong ng isa kong kaklase na si Maica at nagtawanan sila ng mga kaibigan niya.
Hindi ko na lang sila pinansin dahil sanay naman na ako. Bully talaga ang grupo nila Maica na iyon. Dumeretso na lang ako sa upuan ko sa likod. Tulog na naman ang nag-iisa kong katabi kaya dahan dahan akong umupo sa pwesto ko.
Alphabetical ang seating arrangement naming kaya dito ako nilagay sa likod kahit na malabo ang mata ko dahil allergic ako sa chalk at hihikain ako. Downside nga lang sa pagiging malabo ang mata ko pero okay na rin. Naririnig ko pa rin naman ang teacher.
"Good morning class," bati ni Ms. Mahinding pagpasok niya sa classroom.
Nataranta ang mga kaklase ko na wala sa pwesto nila, "Good morning ma'am."Mataray na nakapamewang ang teacher naming habang hinihintay niyang makapag-settle ang mga kaklase ko.
"Before we start with our discussion I would like to introduce someone," sabi ni Ms. Mahinding at tumingin siya sa labas. Sumenyas siya para tawag ang kung sino man iyon.
Pumasok ang isang lalaking matangkad. Nakayuko siya kaya hindi ko masyadong kita ang mukha niya. Pero noong nag-angat siya ng tingin alam kong pamilyar sa siya akin.
"I'm Elli Vinzon," mahina lang niyang sabi at yumuko ulit.
Nakumpira ang iniisip ko na pamilyar siya noong marinig ko ang mga nasa harap ko na nagbulungan.
"'Di ba taga-section A 'yan? Ba't nandito?"
"Oo nga, baka bumagsak kaya nilipat ng klase?"
"Siguro. Alam mo naman sa section A, nakaka-pressure mga matalino doon."
"Buti tayo tanggap na natin na bobo tayo!"
At nagtawanan silang dalawa.
"He will be your new classmate starting today," panimula ni Ms. Mahinding at tumingin siya sa paligid. Napatigil sa sa gawi ko at bumaling doon sa bago naming kaklase. "Mr. Vinzon, please sit beside Ms. Valerio." At itinuro niya ang pwesto sa kanan ko.
Nakayuko pa rin na naglakad ang lalaki papunta sa pwesto ko. Bago siya umupo ay mahina siyang nagtanong, "Bakante ba 'to?"
Naalala kong doon ko nga pala pinatong ang backpack ko kaya siguro inisip niyang may nakaupo dito. Agad ko 'yun na kinuha para makaupo siya.
Tahimik lang siyang naupo sa tabi ko at inayos ang dala niyang backpack.
Natagpuan ko ang sarili ko na nakatitig sa kanya. Hindi ko alam kung totoo ang narinig kong bulungan ng mga kaklase ko tungkol sa section A. Pero wala naman din akong ibang maisip na dahilan para malipat siya bigla sa section namin.
Ano pa man, I should also introduce myself. Kaya naman pag-upo niya ay inilahad ko ang kamay ko. "Hi. Elli tama?"
Lumingon siya sa akin at tinignan lang ang kamay ko pero hindi niya iyon kinuha. Napangiwi ako ng bahagya noong hindi niya tanggapin ang handshake ko kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko para hindi na tuluyan pang mapahiya.
Tumango siya ng kaunti bilang sagot sa tanong ko kung Elli ang pangalan niya.
"Ako pala si Abigail."
Hindi na siya sumagot at bumaling sa harapan kaya ganon na lang din ang ginawa ko. Great. Dalawa na nga ang seatmates ko pero parehas naman silang hindi nagsasalita. Para din akong walang katabi.
Nag-focus na lang ako sa tinuturo ni Ms. Mahinding dahil hindi rin naman ako magaling sa Science. Nag-notes ako ng mabuti para hindi ako mahirapan sa mga quizzes at exams.
"So about this topic, we are going to have a small project. Please find a partner before I give you the materials needed for this." Bilin ni Ms. Mahinding.
Bago ko pa man matanong ang kaklase kong laging tulog na si Steve ay inaya na siya ng tropa niya.
"Steve, gunggong tayo na partner ha!"
Hindi na rin naman bago. Minsan talaga wala akong partner sa projects at activities namin. Swerte na lang pag groupings kahit papaano naisasali ako ng tropa nila Steve para pandagdag sa group nila.
Tinignan ko si Elli at nakitang nakatingin lang siya ng deretso sa harap. Halos lahat sila ay may ka-partner na para sa project. At dahil bago lang si Elli dito sa section, tingin ko wala siyang kakilala dito.
"Elli, may partner ka na?"
Lumingon siya at umiling. Ano ba 'to si Elli? Hindi ko alam kung mahiyain lang ba siya kasi bago siya dito o ayaw niya lang talaga magsalita.
Pero sige, ako na ang mag-aadjust Elli. Kakausapin na lang kita ng kakausapin hanggang sa maging komportable ka sa akin at maging madaldal ka na.
Baka sakaling maging friend ko pa 'to si Elli. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko.
Huminga ako ng malalim bago ko kalabitin ulit si Elli. Mukhang naiinis na siya dahil nakakunot na ang noo niya ng lingunin niya ako. Pero hindi pa rin ako nagpasindak.
With a huge smile and cheerful tone I said, "Elli, partner na tayo ha?"
Tinitigan niya ako. Seryoso pa rin ang mukha niya kaya hindi ko alam kung anong isasagot niya sa'kin. Parang nag aalangan din siya kung papaya siya sa offer ko. Hindi ko inaalis ang ngiti sa labi ko para ma-encourage siya na mabait naman ako.
Until finally, Elli spoke. "Sige."
Nanlaki ang mata ko sa tuwa noong marinig ang sagot niya.
Yes! May partner na ako sa project!
BINABASA MO ANG
Pestering Elli Vinzon, (Revising)
HumorAbigail Valerio doesn't have a lot of friends. She figured its because her classmates thinks she is childish and immature. Abi is used to being the class loner until one day, Elli Vinzon, from Section A becomes her classmate. Abi becomes determined...