CHAPTER THREE

2 0 0
                                    


Juan Miguel's

      After naming magland sa airport, s'yempre do'n din sa NAIA para 'di sobrang suspicious. Nagpaunahan kami ni Chio sa kanya-kanya naming kotse, s'yempre mas nauna ako. Lugi siya mas malapit kotse ko. As usual, diretso kami sa kanya-kanya naming condo unit. Before parting ways, napagusapan na naman namin ni Chio ang mga agenda namin para bukas. He plans to bar hop tomorrow night and then asked me if I want to come, I declined though. I have lots of papers to face with tomorrow since meron na lang akong isang linggo para intindihin ang application papers ko. That bastard is really a pain in the ass, never fails to give me a headache. Kung sana hindi siya tumakas e 'di sana wala akong problema ngayon.

  Bago pa ako mabaliw kakaisip kung saan lumusot 'yung bastardong 'yon ay nagpasya na lang akong tawagan ang unibersidad na pagta-trabaho-an ko para ipaalam na bukas o sa kinabukasan ay maipapasa ko na 'yung kailangan nilang mga papeles. Naging mabilis lang naman ang paguusap namin no'ng personnel, at ayon ayos lang naman daw sa kanila. After that, nagpasalamat na lang ako at nagpaalam na. 

 Hindi na rin big deal sa akin 'yong palaging nakatutok sa screen ng laptop, ang problema lang ngayon ay hindi lang ako basta-basta nakatutok. Sa sobrang sanay ay parang may sarili nang utak ang kamay kong kabisado na ang pagtipa sa keyboard ng laptop. Ang hindi ko makasanayan ay ang ngalay pagkatapos. Sa wakas! Natapos din. Proof-reading muna ang gagawin ko rito bago ipasa. Piece of cake! Pero mamaya na 'yon. Matutulog na muna ako.

 After waking up, realizing it's already morning. 'Grabe namang tulog 'yun, inumaga.', I just said in my thoughts. I fixed myself first tapos bumaba na sa kitchen para sa brunch since 11:30 na, toast at bacon lang naman ang napili ko today kaya hindi matagal gawin. As I am silently eating my brunch, may bigla na namang sumulpot lang sa dining table ko.

"Madaya! Hindi mo man lang ako inaya, nagbe-breakfast ka na pala!" bulyaw niya.

"Lintek na! Pasulpot-sulpot ka ah? Kabute ka ga, Chio?" gulat kong bulyaw rin.

"Hindi!" he said while nodding,

"What brings you here?" tanong ko, curious lang.

"Makikikain sana... 

Kaso kumakain ka na! Madaya!"  aba naman, makakatikim 'tong tanders na 'to sa akin

"Talaga ba? E 'di sorry na. Mag-order ka na lang online para makasabay ka."

"Ay talaga! Mag-ooder talaga ako at hindi ka damay!" he's grumbling like a kid.

"Ang mature, kainaman." take note, I said that sarcastically. Gets na niya 'yun.

"Ewan ko sa iyo! Magkakape ako, pagamit coffee maker mo. Salamat!" 'ta mo 'yun, hindi pa nga pumapayag. Kainaman talaga.

"Bahala ka na d'yan, 'wag mo akong tawagin kapag hindi mo nahanap 'yung kape ha?" nagpipigil tawa kong sigaw, 'di ako maririnig n'on agad.

"Grabe! Ganyan ka na sa akin, Uno! Nakakasakit ka na!" ang oa naman pota.

"Ang dramatic mo, sa totoo lang Cho!"

Nanahimik na rin siya, bahala na talaga siya doon. Ipinagpatuloy ko na lang 'yung pagkain ko, literal na nasa bibig ko na 'yung tinidor tapos matitigil pa. Chio's phone suddenly pinged, signifying he has a notification. I peeked, just to check nothing more nothing less.

"Cho! 'yung pinadeliver mo nasa lobby na raw, naghihintay na 'yung rider sa baba. Bilisan mo d'yan!"

"Ay hala! Oo nga pala," nagmamadaling sulpot niya sa sala. Ipinatong na lang muna niya 'yung kape na kakagawa niya lang sa bakanteng space sa katapatan ko.

"Nasa kitchen pa 'yung kape mo, Uno! Ginawan na kita, kunin mo na lang doon. Baba lang ako!" nakapagbilin pa siya kahit nasa may pinto na,

"Salamat, Cho! Ingat pababa, tanga ka pa naman!" pahabol ko.

"Mamaya ka sa akin pagbalik ko!" ani niya at tumakbo na papuntang elevator, hindi man lang sinara 'yung pinto. Kainaman.

Maya-maya lang ay sumulpot na siya, hingal na hingal.

"May karera ka ba? Daig mo pa ang hinahabol ng aso!" bungad ko sa kanya.

"Gutom na ako, wala akong choice. Kailangan ko magmadali," paliwanag niya habang dali-daling binubuksan 'yung mga inorder. Gutom nga,

"Bukod doon, may lakad ka 'no?" tanong ko, hinihigop 'yung kapeng ginawa niya. Nagkakape na lang ako, kanina pa akong tapos kumain. Nahugasan ko na nga pinagkainan ko. Hinihintay ko na lang talaga 'tong loko na 'to.

"Oo, pupuntahan ko na 'yung company. Mauuna nga lang manager ko pupunta, late na ako pupunta para lang may thrill. Ikaw ba?" loko talaga, lahat na lang pinagti-trip-an.

"Dito lang. Magpo-proof read ako n'ong ginawa ko kahapon. Tinulugan ko nga, galing. Ang sabi ko sa gabi ko gagawin ang ending 'yung idlip ko inabot ng umaga, ay mali tanghali pala."

"Wala ka bang plano lumabas? Magkukulong ka na naman dito sa condo mo!"

"Meron naman. Hindi lang muna agad, baka matunugan ng gagong 'yon na nandito ako. Baka tumakas na naman, nakakapagod na siyang habulin. Kung pwede lang, tinuluyan ko na 'yon n'ong nasa headquarters pa lang tayo."

"Oo nga pala, matinik nga pala 'yang target mo. Ang diskarte mo rin ah? May dahilan kang mag standby lang sa condo, sana lahat!"

"Well,"

"Ay pota! Tunog mayabang ah?" hirit niya pa.

"Bilisan mo na nga lang! Ako na bahala d'yan sa pinagkainan mo, kilos na Cho."

"Eto na, eto na! Daig mo pa 'yung manager ko."

"Loko! Takot lang n'on sa iyo, mas bata pa kaya sa akin manager mo!"

"Takot siya sa akin?" tanong niya.

"Ay hindi ka informed? Lahat ata sa industry mo takot sa iyo, what I mean lahat ay as in lahat talaga."

"Aba dapat lang, 'di joke lang. Kung takot sila sa akin, bakit ikaw hindi?"

"Una sa lahat, nakakatakot ka ba? Hindi naman. Mukha ka ngang matandang rabbit!"

"Aba loko ka ah! Kanina ka pa. Pasalamat ka mabait ako."

"Thank you, Master Cho!"

"Ewan ka talaga! Alis na ako, babalik ako dito ha. Dito na ako tutuloy muna, 'yaw ko sa condo. Malayo sa company."

"Sus! Ang sabihin mo tinatamad ka magluto kaya ako iistorbohin mo!"

"Galing mo, Uno! Gets mo kaagad. Salamat agad sa pagkupkop sa akin, lods!"

"May magagawa pa ba ako? Nagdesisyon ka na. Mabuti 'yon, may utusan ako. Angal ka?"

"Hindi. Ginusto ko naman 'to, e 'di panindigan na..." nagdrama pa nga, napakaOA talaga.

"Ayon. Kasado na ang usapan ah? Alis na! Nag-text na sa akin 'yung manager mo, 'wag mong awayin ha malilintikan ka sa akin kapag nagsumbong 'yon na inaway mo!" kahit ang totoo hindi naman talaga nag-text, imbento lang ako baka mamaya n'yan hindi na 'yon tumuloy.

"Excited ka? Eto na nga, tatakbo na pababa!"
'kala mo naman talaga tatakbo, nakaelevator naman.

"Ingat ka, lampa ka naman!"
hindi na 'yon rerebutt, nasa labas na. Nakakasira raw ng image ang magmura, akala mo naman talaga ang bait e.

 Pagbalik ko sa sala, umilaw ang cellphone ko. Nag-text ang loko, namura pa ako. Narinig pa pala niya 'yon? Sabagay, para sa kanya naman 'yon. Since nagiwan siya ng kalat, lilinisin ko muna inako ko naman e. After cleaning, kinuha ko na 'yung laptop sa kwarto at nagumpisa na.

  Natapos ako ay alas dos na, nakakapagod din pala. Ipinasa ko na 'yung kailangan ipasa sa email n'ong university. After it was all sent, tumawag na uli ako sa personnel na assigned ngayong araw. Hindi na rin naging mahaba ang usapan dahil sinabi ko lang naman na kompleto at naipasa ko na 'yung hinihingi nilang papers para sa application ko. Nagpasalamat na lang 'yung nasa kabilang linya at sinabing pwede na akong pumasok sa lunes para sa briefing at para raw mafamiliarize ako sa university. Nagpasalamat na rin ako bago tinapos ang tawag.

  Sasabihin ko sanang hindi na kailangan kaso baka maguluhan siya, kaya ayon pumayag na lang ako. Sayang din ang opportunity. Alam ko namang sa panibagong academic year pa ako magsa-start which is two months from now. Bale may dalawang buwan ako para i-familiarize ang university. Piece of cake! Saglit lang sa akin 'yon.

LIES AND SECRETSWhere stories live. Discover now