CHAPTER FOUR

2 0 0
                                    

Kaye Adrielle's

  Ay talaga naman si Mika, tinakasan na naman niya 'yung pwesto niya. Wala tuloy akong choice, I need to stay here. Kakaupo ko pa lang may inquiry agad, nakakagulat pa. Bigla-biglang tumunog 'yung telepono. Since ako 'yung personnel in charge ngayon, ako ang kakausap rito.

 Straight to the point din si Sir, in all fairness. Habang kausap siya ay tinitingnan ko rin 'yung sinabi niyang papers na pinasa niya. Tiningnan ko na lang 'yung mahahalagang info tapos sinabihan siyang pwede na siyang bumisita dito sa university. Pumayag naman siya, nagpasalamat pa nga. Nagpasalamat ulit siya bago tinapos ang tawag. Matapos 'yon, wala na ulit nag-inquire. Bigla rin sumulpot si Mika.

"Mikaela, ikaw talaga. Napaka mo!" pabiro kong banat.

"Ate Kaye, nagugutom ako. Kailangan ko ng pagkain"

"O siya, sige na. May tumawag kanina, approved na 'yon. Assist mo na lang si Mr. Kim sa lunes."

"Ayyy oo nga pala, magse-send nga pala 'yon ng papers for application niya. Salamat, Ate Kaye! Don't worry, rest assured na gagawin ko 'yon. May lahi ba si Mr. Kim? Ano nga ulit pangalan n'on?"

"Meron, based d'on sa binigay niyang info. Half-Korean ata siya. Miguel Kim, if I remembered it right."

"Salamat, Ate Kaye!"

"Huwag takasan ang pwesto, next time ha? Alis na ako, may gagawin pa ako sa faculty room."

"Opo, hindi na po. Salamat ulit, Ate. Pasensya na rin."

"No problem. Bye!"

"Ate Kaye, hinahanap ka po ni President." bungad sa akin ni Amira, secretary ni President.

"Bakit daw, Ami?"

"No idea, Ate. Nautusan lang po..."

"Ayy, okay. Salamat, Ami. Sabihin mo susunod ako. May gagawin lang saglit. Salamat ulit!"

"Sige po, sasabihin ko po. Balik na ako, Ate." paalam niya.

Hindi naman totoong may gagawin ako, hihinga lang saglit. Nakakadrain kausap 'yon.

 Nagme-message na si Amira, no choice. Pupunta talaga ako. Mabilis lang din akong nakarating sa tapat ng opisina ni President, na parang kabute. Lulubog, lilitaw. Since nasa second floor lang naman, nasa first floor lang ang faculty room. Kinawayan ko na lang muna si Amira bago pumasok. Nag-good luck pa nga. Loko talaga, pero kailangan ko nga ata n'on.

"What took you so long?" bungad niya, kapapasok ko pa lang ng opisina niya drained na ako agad.

"I already told your secretary that I have something to do. I guess she informed you."

"What was that something? You made me wait; you know?"

Deserved. Alam ko na pinaghintay kita.

"I apologize." insert sarcasm.

"Why did you call me? Your secretary said you're looking for me. What is it this time?" tanong ko. Wala nang paligoy-ligoy, gusto ko na lumabas dito please lang.

"Are you really my daughter? You are talking to me as if I am not your dad."

"I am your daughter. We are in the university. You are the president; I am a professor here. I have to be professional; you are my boss here. Can you please be straight to the point? I have class to attend to in 30 minutes."

"I called you because I want to see you. Wala ka sa bahay pagdating ko kahapon."

"I am residing somewhere near here. Wala talaga ako sa bahay mo. Hindi ba sinabi ni Mom sa iyo? I guess not. Since you're this clueless." galing talaga ni Mommy, hindi mapagkakailang best actress.

LIES AND SECRETSWhere stories live. Discover now