Guardians of Greer
Chapter 4
♠♠♠Shirayuki's Point of View
Naimulat ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng mga ingay mula sa kung saan.
Halos magsalubong naman ang mga kilay ko nang dilim pa rin ang bumungad sa'kin.
Agad akong napaupo mula sa pagkakahiga at iginala ang tingin sa paligid. Buti na lang ay nakabukas kahit papaano ang bintana kaya may pumapasok na liwanag mula sa bilog na buwan.
"Ay palaka!" tili ko nang biglang bumukas ang pintuan at bumungad ang mukha ng isang babae. Nakatutok pa ang lampara sa may mukha niya kaya kinabahan ako.
"Nagulat ba kita?" tanong nito. "Sisindihan ko lang sana ang mga lampara sa silid mo at tatawagin ka na rin para maghapunan." Ngumiti ito.
"Ahh gano'n ba? Salamat," naiilang na sambit ko.
Kamukha siya noong batang babae kanina. Mukhang magkamag-anak sila dahil pareho sila ng race.
Lumapit naman siya sa mga lampara na nakasabit sa dingding at isa-isang sinindihan 'yon.
"Kaano-ano mo pala 'yung bata na mukhang naninilbihan din dito?" I asked.
Lumingon naman siya at ngumiti, "Si Nami ba? Kapatid ko 'yon. Ako naman si Naomi."
Magkatunog pa ang pangalan nila.
"Ano'ng meron sa baba?" I curiously asked. Kanina ko pa kasi naririnig ang hiyawan at tawanan.
Natapos naman na niyang sindihan ang mga lampara kaya lumapit na siya sa may pinto.
"Nagising ka ba dahil sa ingay?" I nodded in response. "Pagpasensyahan mo na, gan'to talaga rito tuwing gabi. Nagkakasiyahan kasi ang mga adventurers," she explained.
Napatango naman ako.
"Sunod ka na lang sa baba, ha?" she smiled before leaving.
Posible kayang may game player na katulad ko ang nakikiparty ngayon sa mga adventurer?
Inayos ko lang saglit ang nagulong buhok ko at bumaba na.
Malalakas na tawanan ang bumungad sa'kin 'pagkababa ko ng hagdan. Pero agad din naman nagsitahimikan. Napunta sa'kin ang atensiyon nila, makalipas ang ilang segundo ay bumalik naman agad sila sa pagkukwentuhan.
That was awkward.
Naupo ako sa isang wooden stool sa tapat ng counter at binati si Azami.
"Bihira kasi ang mga dayo rito, kaya ganoon ang reaksiyon nila nang makita ka," nakangiting wika ni Azami.
Ahh. Kaya pala.
Inilibot ko ang paningin ko, sinuri ang bawat adventurer na nandito ngayon.
Halos mga tao naman ang itsura nila, may mangilan-ngilan lang na hybrid at dwarves. But not the dwarves that as tiny as a finger, they are at least 4'11" in height.
BINABASA MO ANG
Guardians of Greer | Vantrian Tales #2
Adventure[Vantrian Tales: On-Going (Slow Update)] ♠ - ♠ Technology is advancing rapidly in the land of Greer, one of the continents of Vantria. Greerians relies on Science and technology too much that their lives depends on it. Snow Arianne De Guzman is an e...