Chapter 11

213 0 0
                                    

Chapter 11: Boracay Madness
Katatapos ng final exams at naglalakad na kami palabas ng
University nina George, Teddy at Robert, bigla ko naalala ang
mga pictures namin ni Juliana. “Oy Teddy at George gusto
niyo sirain ko ang sem break vacation niyo?” biro ko sa
kanya. “Pano mo naman gagawin yon Fifoy?” tanong ni
Teddy. “Well may pictures ako ni Juliana sa phone ko, ako
mismo kumuha pero di niyo magugustuhan e” sabi ko.
Nanalaki ang mga mata nya at halos mapaluhod na sila sa
kapipilit sa akin para ipakita ang mga pic. Pati si Robert
naging curious pero sa kanya ko lang muna pinakita. “Ay sus
mga pare wag niyo na titignan, Pipoy, wala syang suot na bra
dyan ano?” tukso pa ni Robert. “Oo pre wala” sagot ko.
“Please pare show us, Bluetooth pare, game, Bluetooth mo sa
amin” sabi nila.
Pumayag ako pero dumistansya ako sa kanila, tumabi sa
akin si Robert, “O sige limang pics to tapusin mo nyo muna
matanggap bago niyo buksan ha” sabi ko at pumayag sila.
Habang pinapadala ko natatawa na si Robert. “Pare ang tindi
mo, may nangyari ba sa inyo?” tanong nya, ayaw ko aminin
kaya sabi ko wala, sabi ko magkaibigan lang kami. Natapos
ang pag send ng pics at tinitignan na nung dalawa, nanlalaki
pa ang mga mata nila pero dahan dahan nawawala ang mga
ngiti sa mukha nila. “Pipoy…sabihin mo photoshop lang to”
sabi ni Teddy. “Pag ako sa iyo aalis na ako pare” sabi ni
Robert at nagtawanan kami, nagmadali na ako umalis at
halata na nagagalit sina Teddy at George pagkat ang last
picture ay humalik si Juliana sa akin. Tawa ako ng tawa sa
loob ng taxi nang akoy pauwi, panay ang kulit nila sa akin sa
text pero di ko na sila nireplayan.
Pagdating ko sa bahay sinalubong ako ni Carissa, “Uy may
babae sa kwarto mo kanina ka pa inaantay” sabi nya at
nakasimangot sya. Naglaro sa isipan ko baka si Annika yon
pero di nya pa alam itong bahay na ito, baka si Noelle, o kaya
si Juliana, kahit sino na kaya agad ako nagpunta sa kwarto
ko kasabay si Carissa. “Sino ba talaga?” tanong ko sa kanya.
“Ah ewan basta tignan mo nalang” sabi nya at kinakabahan
na tuloy ako. “Okay, pwede privacy” sabi ko at binatukan nya
ako, “privacy ka dyan” sabi nya at binuksan nya ang pinto at
nagulat ako pagkat mommy Eunice ko pala. Agad ako
napayakap sa kanya at naririnig kong tumatawa si Carissa.
“Bakit anak sino akala mo babaeng naghihintay sa iyo dito?”
tanong nya sa akin at pinaghahalikan ako sa mukha. Matagal
ko na di nakita si mommy at namiss ko sya sobra. “Well
mommy madami, mahaba listahan e gusto mo banggitin ko
lahat?” biro ko sa kanya. “Aysus itong anak ko nagmamana
na ata sa tatay nya, Carissa halika dito iha namiss din kita”
sabi ni mommy at sila naman ang nagyakapan.
“Kailan ka pa dumating ma?” tanong ko sa kanya. “Last
week pa, pero ayaw kita madistorbo kasi exams niyo daw”
sabi nya. “Ows e saan ka naman tumuloy, bakit di ka umuwi
dito agad? E alam mo naman genius ako at di ako madali
maistorbo e” lambing ko sa kanya at napangiti sya. “Ah dyan
lang sa tabi tabi” sagot nya. “Alam na ni daddy nandito ka
ano?” sabi ko at tumawa sya. “Oo alam niya siya nagsundo
sa akin sa airport” sabi nya. “Pero hindi pa alam ni mommy
Katrina ano?” sabi ko at tawa sya ng tawa pero di sya
umamin. Natatawa narin si Carissa at din a nakapagpigil, “si
tita ang landi, hala” sabi nya. Masaya ang itsura ni mommy
at bihira ko sya makitang ganon, kaya di ko na sya kinulit
pagkat naiintindihan ko naman sila ni daddy.
Lumabas na si Carissa para maiwan kami ni mommy sa
kwarto, gigil na gigil si mommy sa pagyakap sa akin.
“Napaaga ata uwi mo mommy” sabi ko. “Well para sa
birthday mo anak, last year namiss ko diba so this year
nandito ako” sabi nya. “Oh yes, about my birthday, matagal
ko na iniisip ito, sabi mo dati before you got married ikaw at
si daddy you know..pero October yon, di naman pwede
nandyan ako sa tyan mo ng 12 months ano mommy?” sabi
ko sa kanya at napatigil sya at tinignan ako ng seryoso. Bigla
sya napangiti at natawa at huminga ng malalim, “Bakit
nagdududa ka about sino daddy mo?” tanong nya. “Hindi
alam ko si daddy parin tatay ko pero may tinatago ka sa
akin” sabi ko at tawa na sya ng tawa. “well nakunan ako sa
first pregnancy ko” sabi nya at napangiti ulit sya. “O tapos?”
hirit ko at bungisngis na si mommy. “well you see kasi anak
mahal na mahal ko ang daddy Pepito mo, but he didn’t know
nakunan ako, di ko sinabi, pati yung first pregnancy di nya
alam na sa kanya yon. Basta I know you are old enough pala
malaman mo ang kalandian ng mommy mo” sabi nya at tawa
parin sya ng tawa. “now I know” sabi ko at nagtawanan
kami.
“Sabi ng daddy mo may girlfriend ka na daw ha, at
napakaganda daw nya” sabi ni mommy. Napangiti ako at
biniro ko sya, “Nakapag kwentuhan pa kayo ni daddy?” at
akala ko magagalit sya pero bigla sya tumawa. “Shhh…
syempre napapagod din kami ano” sagot nya at nagtawanan
ulit kami. “Mommy tama na, ayaw ko na malaman pa, her
name is Annika by the way” sabi ko. “So when will I get to
meet her?” tanong nya. “Vacation na mommy, maybe
tomorrow pwede kita isama sa studio” sabi ko. “Bukas? May
lakad kami ng tita mo basta dalhin mo nalang sya dito one
time” sabi nya at bigla nya ako pinanggigilan ulit. “Ma, di ako
si daddy” biro ko at lalo nya ako sinakal at pinaghahalikan, “I
know anak, I just miss you so much” bulong nya sa akin.
Kinabukasan nagmadali ako pumunta sa set, matagal ko na
hindi nakita si Annika at namimiss ko na sya. Pumasok ako
agad sa dressing room at nandon sya may kausap isang cute
na babae. “Pipoy!!!” sabi nya at tumayo agad at niyakap ako,
halik sya ng halik sa akin pero nahihiya ako pagkat nandon
yung isang babae. “Annika…nakakahiya” sabi ko at bigla sya
tumigil, pinaupo nya ako sa tabi ng babae at kumandong sya
sa akin. “Pipoy ko, ito si Gelay” sabi nya at nagngitian kami.
“Hi, di mo ako nakikilala ano?” sabi ni Gelay. Tinignan ko sya
maigi pero di ko talaga sya nakita pa. “Sorry, model ka din
dito?” tanong ko at napangiti sya. “O sabi sa iyo Gelay e,
mag model ka narin, kinukulit ka nga ni direk diba?” sabi ni
Annika. “Ayaw ko, on the job training lang ako dito, wala yan
sa isip ko” sabi nya. “San mo ako nakikita?” tanong ko sa
kanya. “Sa school kaya magkatapat lang building natin, lagi
kasi nakayuko ulo mo e” sabi nya at tumawa si Annika. “Yan
si Pipoy, loyal sa akin” sabi nya.
“Pero Pipoy tignan mo sya ang cute ng smile nya ano dapat
mag model ka rin, malaki bayad dito tignan mo itong si Pipoy
o nakumbinsi ko” sabi ni Annika. “Hmmm…syempre kasi
gwapo sya” sabi ni Gelay. “Maganda ka din naman e, hoy
Pipoy magsalita ka naman” sabi ni Annika pero busy ako
nagtetext. “Oo nga Gelay try mo minsan, kahit minsan lang”
sabi ko at ngumiti nalang sya. “Ay oo pala, sa Boracay pala
kayo sa Monday, nakita ko sa office kanina, sana isama
kami” sabi ni Gelay. “Boracay?” tanong ko at natuwa si
Annika. “Sige iwan ko muna kayo tapos na break time ko”
sabi ni Gelay. “Gelay teka, next time makita mo ako ikaw
nalang lumapit kasi medyo mahiyain kasi ako kaya nakayuko
ako lagi” sabi ko sa kanya at nginitian niya ako. Pagkalabas
ni Gelay ay bigla ako hinalikan ni Annika at niyakap, “Pipoy
sa Boracay ka magbirthday…hahahaha…sa Boracay tayo…
hmmmm” sabi nya at nagtawanan kaming dalawa.
Pwede magsama ng dalawang relatives sa trip sa Boracay, di
ko alam sino yung dalawang isasama ko pagkat dumating si
mommy. Nagpasya ako na bayaran ko nalang ang extra ticket
para makasama silang tatlo. Monday excited kami lahat,
madaming chartered flights pero di kami nagsama ni Annika
at mommy nya, excited si Carissa at ang daldal nya sobra.
Buti nalang panay PA ang kasama namin sa fligt at nandon
din si Gelay.
Pagdating namin sa Boracay nahihilo parin si Carissa dahil sa
pagsakay namin sa Bangka. Kumuha ako ng extra room para
doon kami ni mommy at agad kami nagbihis ng beach attire
at tumambay sa labas. Nilapitan ako ni Gelay at sexy din pala
sya, “Hi Pipoy, eto pala yung sched mo, wala pa si Annika?”
tanong nya. “Pipoy is that Annika?” tanong ni mommy at
nginitian siya ni Gelay. “Ah no mommy, ito si Gelay future
model pero now production assistant” sabi ko at kinurot ako
ni Gelay. “Ay akala ko sya si Annika because she is pretty”
sabi ni mommy at lalong nahiya si Gelay. “Sige po, Pipoy pag
may kailangan kayo sabihin mo sa akin ha” sabi nya at
umalis na sya.
Napapalibutan ako ng mga naka bikini, kaya lang kamag
anak ko sila, nahihilo parin si Carissa kaya nagpasama sya
sa mommy nya bumalik sa kwarto. Naglakad lakad kami ni
mommy sa beach at malayo palang akala ko nakita ko daddy
ko. “Si daddy ba yan?” natanong ko at natawa si mommy.
“Ay oo nasabi k o sa kanila kaya nauna sila dito” sabi nya at
pagtingin ko si daddy nga at kasama niya si mommy Katrina
at Jepoy. “Hala ang tatanda na naka bikini pa” sabi ko at
kinurot ako ni mommy. “Hoy sexy parin kami ano, kahit may
edad na kami” sabi nya at totoo naman ang sinabi nya.
Nakaakbay si mommy Katrina sa kamay ni daddy at lumapit
si mommy Eunice at umakbay sa isa, nagngitian sila ni
mommy Katrina. “Oh Pipoy, look I have two beautiful women
with me, ikaw nasan? Wala” asar ni daddy sa akin. Sasabat
palang ako at narinig ko na ang boses ni Annika sinisigaw
ang pangalan ko, nakita ko sya patakbo hila hila ang kamay
ng mommy nya. Paglapit nila niyakap ako ni Annika at
hinalikan. Nanlaki ang mata ni mommy pero napatingin ako
kay daddy at parang gulat na gulat sya.
“Hello Pipoy…Hello Pepito” sabi ng mommy ni Annika. “Hello
Aika” sabi ni daddy at napatingin ang dalawang mommy ko
sa kanya. “Ah ma, ito pala si Annika, girlfriend ko at ang
mommy niya” pinakilala ko at nag beso beso silang tatlo.
Malayo ang tingin ni daddy pero gumaya si Annika at
umakbay sa isang kamay ko, si mommy Aika naman
umakbay sa kabila. “O pano yan dad, patas na tayo” sabi ko
sa kanya at pasimple lang syang ngumiti. Narinig ko
nanaman ang isang babae na sinisigaw ang pangalan ko at
paglingon namin nakita ko si Juliana at napaka sexy nya
talaga. “Oh my God!” sabi ni mommy Katrina kaya napatingin
ako sa kanya.
“Bakit mommy?” tanong ko, “Pepito, si Nika bay an?” tanong
ni mommy Katrina at napailing nanaman si daddy. “Oo ata”
sabi ni daddy. Paglapit nila ipapakilala sana ni Juliana ang
mommy nya pero agad siya binate ni mommy at daddy.
“Hello Nika” sabi ni mommy Katrina at nagyakapan sila. “Hi
Pepito!” sabi ng nanay ni Juliana at parang reunion ang
naganap bigla.
“Teka teka, magkakakilala kayo lahat?” tanong ko at
nagtawanan sila at bigla ko naalala ang jersey na suot ng
nanay ni Juliana ay pareho sa jersey ni mommy Katrina, mga
jersey ni daddy nung player sya ng high school. Ngayon
malinaw na lahat at parang nanliit ako sa lakas ni daddy.
“Dad, suko na ako, talo ako” biro ko sa kanya at tumawa sya.
Naupo kami sa malayo nina Annika at Juliana at Jepoy, para
kaming naging cast away bigla, nakasandal si Annika sa akin
at yakap yakap naman ni Juliana si Jepoy. Sa malayo
nakaupo ang mga magulang namin, at nasa sentro ang tatay
ko, di ko alam kung matutuwa ako o malulungkot pagkat
nakakaramdam ako ng tension sa grupo nila.
“So jersey ng daddy mo yung laging sinusuot ng mommy ko”
sabi ni Juliana. “Yup, may ganon na jersey si mommy
Katrina” sabi ko. “Teka sino ba dyan ang mommy mo?”
tanong nya. “Yung nasa kaliwa, yan si mommy Eunice, nanay
ko, sa kanan si mommy Katrina, asawa ng daddy ko at
nanay ni Jepoy. Tapos syempre mommy Aika mommy ni
Annika, ewan ko tawagin ko narin kayang mommy Nika
nanay mo?” biro ko at nagtawanan kami lahat pati si Jepoy.
“Kuya madami tayo mommy pero kokonti allowance ko” sabi
ni Jepoy at lalo kami nagtawanan. “Hayaan mo bibigyan kita
para idate mo si Ysa” sabi ko at tinignan ako ni Annika at
Juliana. “Ten years old lang sya” sabi ni Annika. “Sus nasa
dugo na namin ata” biro ko at lalo kami nagtawanan pa.
“Pano yan Jepoy may girlfriend ka na pala, sayang” sabi ni
Juliana at tinignan sya ni Jepoy at nginitian. “Halika dito
share natin si Pipoy” biro ni Annika at game na game naman
si Juliana na umakbay sa kamay ko. Tumakbo pabalik si
Jepoy papunta sa daddy ko pero bigla sya niyakap ng
mommy ni Annika. “Juliana akin si Pipoy ng Monday,
Wednesday at Friday, ikaw TTHS, pag Sunday ipagrest naman
natin sya” biro lalo ni Annika at di ko alam anong nangyayari
sa kanya. “Hmm baka Tuesday e wala nang lakas si Pipoy”
sabi naman ni Juliana at nagtawanan sila. How I wish totoo
ang sinabi ni Annika pero alam ko nagbibiro lang sya.
Kahit papano ay masaya ako pagkat naging close si Annika
at Juliana. Mukhang maayos naman ang usapan ng
matatanda kaya parang okay itong bakasyon ko. After dinner
nalilito kami ni Annika kung pano kami magsasama,
magkalayo ang kwarto namin at pareho kami kasama ang
mommy namin. “hmmm pano yan Poy, gusto kita
makasama” sabi nya at nag iisip ako ng paraan pero wala
talaga pwede.
Naupo nalang kami sa buhangin at nagpalipas ng oras bago
kami tuluyan maghiwalay para matulog. Madami kami
napagkwentuhan ni Annika at halata sa boses nya na
malungkot sya. “Aysus itong dalawa sa labas pa
naglalambingan” sabi ng isang boses at paglingon namin si
mommy Eunice yon at mommy Aika. “O eto susi, now go
inside at doon kayo maglambingan wag dito” sabi ni mommy
Aika. Nagtinginan kami ni Annika at nagngitian pero dahan
dahan ako napatingin kay mommy at bigla nya ako kinurot,
“Asus kunwari ka pa Pipoy, sige na go the two of you” sabi ni
mommy Eunice sa amin. Masayang masaya ako pero
nagdududa parin ako sa insala ni mommy kaya tinignan ko
ulit sya. “Gusto mo pa ata magbago isip ko” sabi nya. “E ma,
pano ikaw san ka magkwakwarto?” tanong ko. “Well nakapila
kami actually, nauna si Katrina, ako next, tapos si Aika then
si Nika” sabi nya bigla at nagulat ako. “Biro lang anak, sige
na I can get another room don’t worry” sabi nya at
nagtawanan sila ni mommy Aika.
Bago kami napalayo bigla ako hinawakan ni mommy Aika at
bumulong sa akin, “Sabihin mo sa kanya wag masyado
maingay mamaya” sabi nya at napatawa ako. Nginitian ko
nalang sya at kinindatan nya ako, di ko na talaga alam ano
ang nangyayari at kakaiba bigla ang mga kilos ng mga tao.
Bago kami pumasok sa kwarto nakita namin na
magkakasama ulit sina daddy at lahat ng mga mommy
namin, kakaiba talaga si daddy, ngayon ko lang naiintindihan
ang sinasabi nila matagal na…ang Kamandag ni Pepito.
(Next chapter: Annika Demonika….nyahahahahaha….eto na
ang inaantay niyo…Pepito bloodline meets Aika Demonika
bloodline….ihanda niyo na mga tissue niyo!!!...pero mag antay
kayo at week end, ginanahan lang ako magsulat kanina kasi
wala pa yung ka bed weather ko…10 degrees celcius…bed
weather…weekend…see you soon!!!...eto tunay na pahinga na
to promise)

P|P0Y (S0N 0F PEP|T0)Where stories live. Discover now