Ellena

16 5 0
                                    

Hindi ko aakalain na dadating pala sa punto ng buhay ko na, haharap ako sa altar, yung tipong halos lahat ng tao ay naka tingin sayo habang siya ay naka suot ng napaka gandang damit na nakaka panlaki ng mga mata. Hindi ako mapakali hinihintay ko na talaga tong araw na to, na may kasamang halo-halong emosyon, napa punas nalang ako ng mga mata ko habang tinatapik-tapik ako ng anak mo sa likod.

"Don't cry Daddy... she looks like an angel, Daddy." Mas lalo akong naluha ng makinig ko ang boses ng anak mo. Muli akong nag punas ng mga mata ko, ng makinig ko ang kanyang sinabi. Ang ganda nga niya, lalo na sa suot niya. habang dahan-dahan siyang lumalapit sakin. Kinakabahan ako, ang lamig ng hangin, ang init ng mga muka ko at hindi mapaliwanag ang mga emosyong pumapasok sa isip ko. "Daddy, don't cry!" pag pupumilit ng anak mo. Tumango lang ako, bilang sagot.

Nag simulang tumugtog ang piano na pinapangunahan ni Ken, isa sa pinaka magaling na musician na nakilala ko sa buhay ko, at isang malapit na kaybigan. Nag sisikantahan naman ang choir ng simbahan, sumabay sa kanya ang ilan sa mga bisita habang lahat sila ay naka tingin sayo, habang dahan-dahan kang lumalapit sakin. Yung nanay at tatay mo, naiiyak na din, habang lumalapit ka sakin. Napatingin ako sa mga bisita ko at namangha ako sa nakita ng mga mata ko. Lahat sila ay tinupad ang pangako mo, naka suot ng kulay puti. Isang malinis na kulay, kagaya ng iyong nararamdaman sakin, at intensyon sa buhay. Ang mga babae naman, nag effort pa talaga, naka puti din kagaya mo.

Ng makarating ka sa gitna ng hallway ay nag saboy ang mga bata ng petal ng paborito mong bulaklak, pink na gumamela. Kwento mo sakin noon, ay lagi kang napapagalitan ng lola mo dahil pinipitas mo ang bulaklak ng kanyang pananim, para lang ilagay ang bulaklak sa iyong tenga. Dinaig mo pa daw si marimar sa kagandahan. Unti-unti kang lumapit sakin, at mas lalong bumigat ang nararamdaman ko. Hindi ko maipaliwanag kung ano yun. Basta, halo-halo na nakaka bigla.

Bago ka tuluyang maka lapit sakin, nag flash sa mga mata ko ang kwento nating dalwa. Kwentong gusto kong ibahagi sa isang sikat na manunulat, upang ipakalat sa buong mundo kung pano napunta dito ang buhay nating dalwa. Kung paano ako, muling nabuhay sa panahong nalasahan ko na ang kamatayan, sa panahon ng pag anggat sa buhay, sa panahon ng kaligayahan, sa pahanon ng kadiliman, at sa panahon ng pag bangon nating dalwa sa problema. Sinamahan mo ako kung saan-saan, at nais kong gawing immortal ang kwento nating dalwa, kaya ibibigay ko sa isang manunulat ang lahat ng nakita ng dalwa nating mga mata, upang isulat niya ang kwento at gawin itong isang obra ng kagandahan.

Lalong lalo na noong sinagot mo ako ng matamis na "oo" yung bawat luha mo noong araw na yun, ang hindi ko makakalimutan.

Nag umpisa lahat sa isang coffee shop, nag kataon na sobrang sama ng panahon, at nag hahanap lang ako ng masisilungan, kakagaling ko lang sa mall upang bumuli ng mga bagay na gagamitin ko upang tapusin ang sarili kong buhay. Binubulong ko noong araw na yun, paulit-ulit sa isip ko, isa akong talunan. Binigo ko ang mga magulang ko, ang mga kaybigan ko, ang mga guro ko, at sobrang sakit ng nararamdaman ko noong sinabi saking sariling tenga ng mataray kong adviser na "Hindi ka makaka graduate." Dahil aminado akong tamad, babagsakin, at walang alam sa buhay. Pabigat sa mga magulang, hindi ma aasahan, at isang 'mulat sa realidad' na bata.

Gusto ko nalang sanang pakalmahin ang sarili ko, para hindi ako masyadong kabaduhan mamaya kapag nandon na ako sa puntong itutulak ko nalang ang upuan papalayo upang mawalan ako ng hininga. Isang maliit na tasa ng mainit na kape, ayan ang kahuli-hulihan kong iinumin. Hihigop na sana ako ng bigla kang pumasok, agad mong nilagay ang bag mo sa tabi ng inuupuan ko at bumili ka ng kape mo, lilipat na sana ako ng upuan kaso nag agad kang bumalik. "Pwede pa bantayan ng gamit ko?" Tanong mo sakin noon.

Wala akong nagawa kung di tumango, at ng makuwa mo ang kape mo ay tumabi ka sakin. Isang simpleng araw, sa karamihan, pero sakin... ayun yung araw na nag bago ang takbo ng ikot ng mundo ko. Hindi ko aakalain na ang taong gusto na sanang mawalan ng buhay, ay binuhay sa pamamagitan ng presensya mo.

One Shot Collections : The Next Page Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon