Prologue

2 0 0
                                    

"Pupunta ka ba sa concert ni Inang?"

Tanong ko sa katrabaho ko na si Margie  habang nagtitimpla ito ng kape.

"Maraming gastusin sa bahay, Ate."

Malungkot namang sagot nya.

Malapit na kasi magconcert si Inang o si Taylor Swift at pareho kami ni Margie na 'Swiftie' ever since bata pa lang nung narinig namin yung kanta ni Inang na Love Story dun nagsimula lahat.

Habang nagtitimpla ng kape si Margie, inayos ko naman sa lamesa ang lesson plan ko.

Isa kong licensed teacher sa isang paaralang elementarya na pinapasukan ko rin noon.

Nakakatuwa ngang isipin na dito ako napunta kung saan din ako nanggaling.

Masaya ko sa tuwing nagtuturo ako sa mga bata, ewan ko ba pero sa tuwing papasok ako at magtuturo na iba ang nararamdaman ko. Parang tumatalon ang puso ko.

Kinder ang tinuturuan ko at si Margie naman ay sa Grade 1.

****

"Teacher Leen?" isang malambing na tinig ang narinig ko mula sa pintuan.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at sumilip.

Si Aiko pala, ang active student sa klase ko. Matalino at bibo ang batang ito.

Kaagad naman din akong pumunta sa pintuan at hinarap si Aiko.

"Teacher Leen, pinabibigay raw po ni Kuya Jastine ko, chocolates po iyan. Pinapasabi nya rin po na happy valentine's day at magustuhan nyo raw po yan." wika ni Aiko at nakangiti.

Oo nga pala, nawala sa isip ko na araw ng mga puso ngayon. Sa sobrang busy ko sa paggawa ng lesson plan at activities para sa mga bata ay nakakalimutan ko na ang mga espesyal na araw.

"Wow Aiko, pakisabi kamo sa Kuya Jastine mo salamat ah." saad ko kay Aiko at yumakap ito sa akin.

Maya-maya ay umalis na rin ang bata at umuwi na.

Bumalik ako sa loob upang ipagpatuloy ang ginagawa ko.

"Nako, iba talaga ang tama nung kuya ni Aiko sa'yo ate ah." pabirong sabi ni Margie habang nagsusulat ito.

Ngumiti na lang ako bilang tugon.

Hindi ko pa kayang magmahal ngayon dahil mas priority ko ang pagtuturo ngayon sa mga bata at ang nalalapit na concert ni Inang.

****

{Alas- Singko ng Hapon}

Umuwi na si Margie at naiwan naman ako sa faculty room ng eskwelahan dahil hindi ko pa tapos ang mga activities at kailangan ko pa checkan ang mga artworks ng mga bata.

Nakita ko naman si kuya guard na umiikot sa eskwelahan upang tignan kung may mga tao pa.

Lumabas ako sa faculty room at sinabihan si kuya guard na mamaya na siya umuwi dahil may tinatapos pa ako at takot din ako mag-isa, pumayag naman ito at bumalik sa guard house.

Hindi naman gaano kalayo ang faculty room sa guard house kaya aminado ako na baka nagkakape lang o nagcecellphone si kuya guard.

Bumalik ako sa faculty room at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Habang chinchekan ko ang mga artwork ng mga bata ay medyo inaantok na ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko upang tignan kung anong oras na.

Alas-syete  na.

Tama na muna siguro 'to at ipagpapatuloy ko na lang bukas baka rin kasi iniintay na ko nila Mama sa bahay.

Niligpit ko muna ang mga pinaggawaan ko at nagwalis dahil sa mga papel na nagkalat sa sahig.

Pagkatapos nito ay lumabas na ko sa faculty room at ni-lock ko na ito.

Habang papalabas na ko sa school ay tinawag ako ni kuya guard.

"Ma'am Coleen! Ma'am Coleen!" sigaw ni kuya guard.

Huminto ako sa paglalakad at lumingon kung saan nanggagaling ang sigaw ni kuya guard.

Patakbo naman itong lumapit at may dalang baunan.

"Ma'am Coleen baunan po ninyo naiwan nyo po sa labas ng pinto ng faculty." hingal na hingal na sagot ni kuyang guard.

Nakalimutan ko siguro itong kunin habang naglalock ng pinto.

"Naku salamat po sa pagbibigay, pasensya na po at nakalimutan ko." sabi ko naman sa kanya.

Ngumiti lang ito at hinimas ang leeg nya.

Akma namang uuwi na ako ngunit naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko.

Lumingon ako kay kuya guard at nagtataka kung bakit nya hinawakan ang kamay ko.

"Coleen, hindi mo ba talaga kayang gawan ng paraan?" tanong nito sa akin at hinimas ang kamay ko.

"Hindi talaga eh baka mahuli pa tayo ng principal nyan." nalulungkot na sagot ko at hinawakan ang kamay nya.

"Pero sis eyeshadow at foundation lang naman eh, keri na yan." malambot na sagot nito.

Napangisi na lang ako.

Gusto kasi nya na ayusan ko sya dahil raw naiinitan sya sa guard house at nagmamantika ang mukha nya.

Ilang araw nya na ko kinukulit para rito pero baka mahuli sya ng principal na nakaeyeshadow at foundation.

Huminga ko ng malalim.

"Sige na nga basta wag mo ko ilalaglag pag nahuli ka ah." sabi ko rito.

"Oum promise te." sagot naman nito at itinaas ang kaliwang kamay bilang tanda ng pangako nya.

"Okay sige bukas aayusin na kita." wika ko.

Ngumisi naman sya.

"Oh sya alis na ko Sherwin." saad ko.

"Ano ba Coleen ilang beses ko bang sasabihin na sa gabi Sheri na lang." pakiusap nya sa akin.

Tumawa ako pagkatapos nyang sabihin ito at umalis na rin ako.

Nakakapagod ang araw na'to pero masaya dahil nagawa ang mga bagay na dapat kong gawin. Medyo late man natapos pero ayos lang para naman sa ikabubuti ito.

Sumakay na ko pagkarating ko sa terminal ng jeep.

Pumwesto ako sa may malapit sa driver, ewan ko ba pero ito ang turo sa akin ni Mama mula pa nung bata ako.

Nagbayad na ko sa driver at malapit na rin kasi mapuno nang pasahero ang jeep.

Katabi ko ang isang nursing student na lalaki, nakasalamin ito at may itsura kahit nakafacemask pa sya ay kita ko.

Sa sobrang pagod ko ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat ng katabi ko.

Iba pa naman ako matulog dahil di ko namamalayan na natuloy na ang laway ko.

Maya-maya pa ay sumigaw na ang driver ng jeep kaya naman nagising na ako.

"Oh sa kanto lang, may bababa ba?" sigaw ni manong driver.

Paglingon ko sa katabi ko ay..


Out of the BlueWhere stories live. Discover now