" Kailan ba kayo titigil ha?" Nandito ako ngayon sa rooftop ng building ng school na pinapasukan ko. Nandito ako ngayon dahil sa may tatlong babaeng gusto akong kausapin.
Lahat sila ay nakatitig at tahimik lang sa harap ko.
" Wala na ba kayong ibang magawa sa buhay niyo at ako ang ginugulo niyo? takte! Halos sirain niyo na lahat ng meron ako eh! ano pa bang gusto niyo ha!?" Seryoso lang silang nakatitig sakin.
Ano bang buhay to oh!? grabe na talaga!
" Wala ba kayong balak sabihin?!" Kanina pa ako dada ng dada dito eh!
" Can you calm down? jeez!" Maarting sabi naman ng babaeng nasa kaliwa ko.
" Paano ako hihinahon aber?" Pambihirang babae to.
" Just choose already..." Cold na sabi naman at napatingin ako sa kanan ko.
Isa din tong babaeng to eh...
" If you choose between the three of us we will stop okay.." May hinhin na sabi naman ng babaeng nasa gitna.
" Bakit niyo ba ako pinapapili ha?" Naguguluhan na talaga ako sa tatlong to.
" Just choose one.." Sabi pa ulit nito.
Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi sila titigil talaga hanggang hindi nila nasisira iyong araw ko. hay lord! bakit!?
Siguro titigil na sila kapag wala akong pinili sa kanilang tatlo, tama hindi ako pipili...
" Wala... wala akong pipiliin sa inyong tatlo.." pinal na sabi ko.
" What!?" Sigaw nilang tatlo.
" At bakit niyo ba kasi ako pinapapili ha? nalilito ako eh... ano ba ito? nanggigigil talaga ako sa inyong tatlo eh." Tumataas iyong dugo ko sa ulo hays!
" Mamili ka sa aming tatlo kung sino ang gusto mo.." Wika naman ng nasa gitna ko.
" Gusto ko? bakit naman ako mamimili ng gusto ko sa inyong tatlo? teka nga?"
Naguguluhan na talaga ako dito.
" I want you.."
" Be my girlfriend..."
" Gusto kita.."
Sabay sabay nilang sabi na ikinagulat ko. putcha!? ano to!?
" Now choose.."
Ha!?