General PoV
Dalawang madre ang nakatingin sa mga batang naglalaro sa playground, pareho itong napangiti dahil masayang naglalaro ang mga ito.
" Kamusta na ang lagay nung bata?" Tanong ng isang madre at tumingin sa batang tinutukoy nito na masayang naglalaro.
" Sa ngayon ay maayos na siya..." May pagaalala sa boses nitong sabi.
" Wag kang magalala sister magiging maayos din ang lahat sa kaniya.." Napatingin naman ang sa kapwa madre nito at tipid na ngumiti.
" Malakas ang bata... lumalaban siya sa hamon ng buhay, nakukuha pa nga niyang ngumiti sa lagay niyang iyan.." Dugtong pa nito na may saya.
Pareho itong napatingin sa direksyon ng batang tinutukoy nito.
" Patnubayan at gabayan siya ng panginoon sa mundong ito.." Nag sign of the cross pa ito.
" Sister Nanay!!" Napalingon ang parehong madre sa sumigaw.
Napangiti ang dalawa dahil patakbo itong pumunta sa kinaroroonan nilang dalawa.
" Oh! wag kang tumakbo baka madapa ka.." Nakangiti ang bata ng makarating sa kinaroroonan ng madre. Pumantay naman ang madre para magtagpo ang kanilang mga mata.
" Hihihi.." tawa pa ng bata.
Napangiti ang madre ng marinig ang napakainosenteng tawa ng bata.
" Wag ka masyadong nagpapagod sa paglalaro ha, tingnan mo ang dumi mo na naman.." Sabay pagpag pa nito sa damit ng bata.
" Opo.. hihi.." Cheerful ang bata at masiyahin.
" Napakakulit mo talaga bata ka.." Salita naman ng isang madre na nakatingin lang sa kanilang dalawa.
" Hihi.. Sister Ninang talaga hehe.." Ginulo ng madre ang buhok nitong maiksi na hanggang balikat.
" Mamaya may mga bisita tayong dadating kaya kailangan maligo ka ha para malinis ka tingnan.." Sabi ng madre at inamoy ang bata.
" Amoy pawis kana haha.. sige na " Natawa naman ang bata dahil sa pagamoy nito sa kilikili niya.
" Opo hehe.." Sabay alis nito.
Napatayo na ang madre at sinundan ng tingin ang batang papalayo.
" Hindi ko mawari kung bakit iniwan siya ng mga magulang niya, samantalang isa siyang angel... Mabait at masayahing bata.." Komento ng madre sa bata.
Isip din ng madre kasama nito ang bagay na iyon. Bakit nila iniwan ang bata. Isang regalo ng panginoon ang batang iyon sa kanila ngunit itinapon at iniwan lamang sa kanilang bahay ampunan.
Ang batang iyon ay Anim na taong gulang na magandang bata dahil makikita mo dito sa hubog ng kaniyang mukha, matangos na ilong mapupungay na mga mata at magandang labi, sanggol nung iniwan sa ampuna at hanggang ngayon ay naninirahan sa kanilang bahay ampunan.
Hanggang ngayon ay hindi ito naampon dahil sa isang kadahilanan.. sakitin ang bata. May mga mag- magasawang pumupunta ng bahay ampunan para magampon pero ni isa sa mga ito ay hindi pinilili ang bata sa kadahilanang ayaw nila ang batang hindi malusog at sakitin.
Nawawalan na ng pagasa ang madre kung meron pang magaampon sa bata, kaya ginagawa din niya ang lahat para maampon ito subalit wala talaga.
" Darating din ang mga araw at may mga magaampon sa kaniya, kaya wag kanang magalala dyan..." Nag pat pa ito sa balikat ng madre.