CHAPTER TWO: New Love

21 1 0
                                    



Nakarating na ako sa school. Nagpaalam na ako kay Mama dahil pupunta pa siya sa work. Hinatid niya kasi ako ngayon sa school. Ugh, bakit ang daming tao dito sa classroom at parang may pinagkakaguluhan. Di tuloy ako makadaan.



"Omgggg. Ang gwapo ng bago nating classmate!!!" Girl 1



"Oo nga. Sana seatmates kami!!" Girl 2



"Magiging akin din siya!!! HAHAHAHHA" Girl 3



Ano ba namn 'tong mga kaklase ko. Nag-iilusyon na naman. Nakisiksik na ako para makapasok sa classroom. Nakita ko na naka-upo ang new student katabi ng upuan ko. Tsss.. Gwapo nga pero mas gwapo si Sean. Natahimik na yung madaldal kong mga kaklase dahil dumating na ang teacher namin.




"Magandang Umaga Bb. Kath."



"Magandang Umaga. Magsiupo kayong lahat."



Salamat Bb. Kath." naupo na kaming lahat.



"So sa nakikita niyo, may bago kayong classmate. Please introduce yourself here mister."




Tumayo ang bagong kaklase na katabi ko. Lahat ng mga babae dito parang kinikilig. Kumikislap pa ang mga mata.




"Uhm.. Ako si Andre Perez. 17 years old"




"Maraming salamat hijo. Maaari ka ng umupo dun sa tabi ni Ms. Danica at si Danica ang sasama sa iyo para ilibot ka sa buong campus. Tutulungan ka din niya makahabol sa mga lessons." sabi ni teacher kay Andre.




Umupo na si Andre sa tabi ko at may mga narinig ako na chika.




"Omgg. Ang swete naman ni Danica."



"Che!! Ako nalang sana! Di ba may boyfriend yan si Danica. Si Sean yung magaling na varsity player."




"Oo nga baka magselos yun!"




Bigla akong nalungkot sa mga narinig ko. Naaalala ko na naman si Sean at yung mga nangyari kahapon. Hinahanap ko si Beatrice at nakikita ko siyang tumatawa.

Ikaw Lang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon