CHAPTER ONE: Betrayed Love

50 1 0
                                    



Danica's POV:



Kasama ko ngayon si Sean, 9 months na kaming magkarelasyon. Nasa paaralan kami ngayon. Bago ang lahat, ako si Danica Cruz 16 years old at 4th year highschool sa St. Celestine High. Naglalakad kami ni Sean ngayon papunta sa classroom kasi may kukunin ako na aklat. Tahimik lang kaming naglalakad dahil tahimik na tao talaga si Sean. Natapos ko ng kunin ang aklat at naglalakad na kami pauwi.



"Uhh Sean?" inumpisahan ko ang usapan



"Bakit?" sagot niya.



"Uuwi na ako."



"Sige. Mag-ingat ka. Bye." tipid na sagot ni Sean sa akin.





Tumalikod na si Sean sa akin. Isang linggo ko na rin napapansin na parang nag-iba ang turing ni Sean sa akin. Parang lagi nalang siyang may ibang iniisip. Hindi na rn siya sweet sa akin di gaya ng dati.




Naglalakad na ako papunta sa bahay since walking distance lang naman yung bahay namin from school ng maisip ko na bumili muna ng requirements para sa project namin.




Nasa mall na ako ng bigla kong makita si Sean kasama ang bestfriend ko na si Beatrice. Di ko na alam kung ano ang aking nararamdaman. Naghalong galit, at lungkot. Naramdaman ko nalang na biglang tumulo ang akng luha ng nakita kong hinawakan niya ang bewang ni Beatrice at pareho silang masaya.




Di ko na namalayan na dinala na pala ako ng aking paa papunta sa kanila. Umiiyak ako sa harap nila.



"Sean? Beatrice? Ano tong nakikita ko?"



"Danica, magpapaliwanag ako" sabi ni Sean.



"Magpapaliwanag?! Nakita ko na ang lahat!! Ikaw Beatrice, akala ko bestfriend kita yun pala mang-aagaw ka! Malandi!!" galit na galit kong sabi.



"I'm sorry Danica pero mahal ko si Sean at mahal diin niya ako."



"Mahal ka niya?! Ano na ako ngayon?! Matagal niyo na ba akong niloloko?" tanong ko sa kanila habang umiiyak pa rin.



"Danica, makinig ka. MAhal kita noon pero isang araw bigla ko nalang narealize na mahal ko na si Beatrice. Mag-iisang linggo na rin kami." kalmadong paliwanag ni Sean.



Dahil sa seryosong paliwanag ni Sea mas nadurog ang puso ko at nawalan na ako ng pag-asa na sana magkaibigan lang talaga sila. Di ko na sila sinagot pa. Tumalikod ako at walang tigil sa pag-iyak. Oo, alam ko na pinagtitinginan na ako ng mga tao dito sa mall pero wala na akong paki-alam dahil nasasaktan talaga ako.




Naka uwi na ako sa bahay. Tinatanong ako ni Mama kung bakit ako umiiyak pero hindi ko muna siya sinagot. Alam ni Mama na boyfriend ko si Sean at malaki pa naman ang tiwala niya kay Sean. Nagkulong lang ako sa kwarto ko at umiiyak. Di ko nalang napansin na nakatulog na pala ako sa kakaiyak.



Ginising ako ng alarm ko. Naligo na ako at nagbihis dahil may pasok pa ako sa school. Pagkababa ko, nakita ko si Mama na naghahanda ng umagahan para sa akin.



"Anak, alam ko na ang lahat. Tumawag si Sean dito kagabi at sinabi niya ang lahat. Nag sorry na din siya." sabi ni Mama.



"Ah okay po." yun nalang ang nasabi ko kay Mama. Ayaw ko na kasing pag-usapan pa dahil babalik lang yung sakit.



"Anak kung nasasaktan ka ngayon. Ganyan talaga ang pag-ibig anak, di lahat mapupunta sa forever. Bata ka pa anak, makakakita ka pa ng mas higit pa kay Sean. Basta anak nandito lang ako para sa'yo."



"Thank you Ma." naiiyak na naman ako at niyakap ko si Mama.



Thankful ako dahil palaging nandiyan si Mama para gabayan ako at i comfort sa mga times na nasasaktan ako.

Ikaw Lang (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon