"At talagang pinag-alala mo kaming bruha ka nung nawala ka!" Inis na sabi ni Cielo sabay batok sa'kin ng mahina.
"Ouch!" Reklamo ko dito kahit 'di naman masakit.
"Huwag kang maarte, ang hina lang nun," aniya bago umikot ang mga mata nito.
"Bawal maging tanga?" Nakasimangot kong sabi sa kaniya.
"Ubod ka naman kasi ng katangahan? Jusme! Tinignan ko 'yung mga pictures at halatang photoshopped!" Sinasabi niya 'to habang ipinapaypay din sa sarili ang kaniyang mga kamay.
"Ano, feeling mo lang saktan 'yung sarili mo, ganun?"
"Sa nangyari na talaga, e. Hindi ko na mababawi 'yun." Guilty kong tugon dito.
"Hayp din kasi sa kabaliwan 'yang Sydney na 'yan, 'no?"
"Obsessed siya kay Chase simula pa nung bata pa sila," tugon ko dito.
Humarap ito sa'kin at nagtanong, "Kapag ako ba naging ganun ay mamahalin mo pa din ba akong kaibigan?"
Ang nakakatawa lang ay 'yung mga mata nito na namumungay pa. Pero hindi ko gusto 'yung laman ng mga sinabi niya.
"Wala akong kaibigang totoong baliw at hibang. Kung mangyari man 'yun, pipilitin kong baguhin o putulin 'yung umuusli mo pa lang na sungay." Nakasimangot kong sabi dito.
"Ang seryoso mo naman. Nagbibiro lang, e."
Pakiramdam ko ay parang nagkaroon na yata ako ng trauma sa mga katulad ni Sydney.
"Hi, excuse me! Tara na po doon para makapag-umpisa na," wika nung organizer ng event na pinuntahan namin.
Nasa labas kami ngayon at inaasikaso 'yung mga pre-loved clothes at mga gamit niyang ipapamigay sa isang foundation na sumusuporta sa mga battered women at single moms.
Hindi lang siya ang mag-dodonate sa foundation na ito dahil marami kaming kasabayan na gusto ding tumulong. Nakakatuwa lang kasi maraming mga magagandang gamit ang makukuha nung mga nanay na beneficiaries.
"Sure, we'll be there in a minute," tugon ni Cielo dito.
Hinwakan nito ang aking braso para akayin. "Tara na dun para makaupo ka, ayokong napapahamak ang baby tiyanak namin."
Sinimangutan ko siya dahil sa pagtawag na naman niyang tiyanak sa baby ko. Humanda talaga ito sa'kin kapag siya naman ang nabuntis.
Halos isang buwan na din ang nakakalipas buhat nung nangyari ang insidente ng pagkaka-kidnap ko. Nagpapasalamat ako sa Diyos na nakarecover na din kami ng baby ko.
Isang nakakatakot na karanasan ang mabihag ka ng mga taong baliw. Ang alam ko nung mga panahong iyon ay mamamatay na kami ng baby ko.
Masasabi kong masunurin at fighter din talaga 'tong baby ko sa tiyan dahil nakinig ito sa pakiusap ko sa kaniyang kumapit lang. Napakalaking pagsisisi ko sa mga naging desisyon ko nitong huli dahil ang naging kapalit nun ay kaligtasan namin ng anak ko.
Sa totoo lang ay nahihiya din akong humarap kay Chase paggising ko sa ospital. He loves me with all his heart but look at what I did to him.
Ayoko sanang kwestiyonin ang pagmamahal ko sa kaniya dahil pakiramdam ko ay napakahina nito kumpara sa binibigay niyang pagmamahal sa'kin. Pero natutunan ko ding tukuyin ang nararamdaman ko sa kaniya at suklian pa ang pagmamahal nito nang mas marami.
Ngayon pa bang magkakaroon na kami ng anak? Ewan ko na lang talaga.
Nitong mga nakaraan ay araw-araw siyang nasa bahay. Minsan ayaw na nga niyang umalis, e. Para siyang malagkit na bubble gum na nakadikit sa'kin 'pag nasa bahay kami.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomansaEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...