Ikaw Parin Talaga

13 1 0
                                    

Kay tagal kitang pinagmamasdan sa malayo
Kay tagal kong pinangarap na maging tayo

Noon pangarap ko ay maging doktor
Ngayon ikaw na ang pangarap ko

Ang daming nagbago
Binago ko ang sarili ko para magustuhan mo
Pero kahit anong pilit ko iba parin ang gusto mo

Pinilit kong ibaling ang atensyon ko sa iba
Pinilit kong maghanap ng iba
Pinilit kong limutin ka
Pero puso ko ay bobo ikaw parin talaga

Sa tagal ng panahon pag-ibig ko sayo ay hindi parin mabura
Pinilit kong baguhin ang nararamdaman pero ikaw parin talaga

Tula Para Sayo Mahal KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon