Komplikado

419 4 9
                                    

Tayo ay tapos na
Tayo ay okay na
May iba kana
At ako naman ay meron ng siya

Pero para paring tayo
Tinatawagan mo pa rin ako
Tinitext kong kumain na ba ako
At ako naman ay kinikilig sa mga ginagawa mo

Alam kong hindi ito tama
Alam kong makakasakit tayo
Ng damdamin ng iba
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana

Hindi ko itatangi
Na masaya ako
Na gusto ko na ganito tayo
Na miss ko ang dating tayo

Ako ay nalilito
kung ano ba tayo?
Kung bakit ginagawa mo ito?
Nalilito ako sa mga pinaparamdam mo

Sabihin mo lang na mahal mo parin ako
Iiwan ko siya para sayo
Dahil hindi naman nawala
Ang pagmamahal ko sayo

Pero ang tanong ko
Mahal mo parin ba ako?
O ako lang tong assuming na binibigyan ng ibang dahilan ang mga ginagawa mo

Tula Para Sayo Mahal KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon