Please, Ako na lang!

65 4 0
                                    

Please , Ako na lang!
OneShot
**
Naranasan mo na bang magmahal? Sino bang hindi di ba? Ang saya sa pakiramdam no, para kang nasa cloud9 moment.

Eh ang magmahal ng taong alam mo namang hindi magiging sayo? Ang sakit di ba? Para kang tinutusok ng milyon milyong kutsilyo sa puso .

Naranasan mo na bang mafriendzone?
Eh ang Bestfriendzone ?
Uso yan ngayon no? Ewan ko ba .. Pati ata ako nakikiuso sa kanila eh , isa ata ako sa mga miyembro ng samahan ng mga nafriendzone eh , di lang friendzone! Bestfriendzone pa .. Ewan ko ba!? Di ko magawang layuan yung bestfriend ko eh , ganun ba talaga pag mahal mo yung isang tao ?

Kasalukuyan kaming nasa park ng bestfriend ko .. Sabi niya kasi kailangan daw namin ng quality time . Sus! May kailangan lang sakin to eh! Kilalang kilala ko na to no! 4 years na kaming magbestfriend neto eh!

" Uyy Bes? Problema mo? Kanina ka pa tahimik eh "

Bes ? Yan! Yan yung pinakamasakit na salita na galing sakanya , sunod yung salitang ‘Magbestfriend kasi tayo’ Yan! Sabihin nyo ng OA pakinggan pero anong magagawa ko , hindi sumusunod sakin ang damdamin at diwa ko no! May mga sariling utak .

" Huh? Ahh ... Wala naman ? Bakit ? "

" Aysows! Kanina pa ko nagkukwento sayo eh! Di ka man lang pala nakikinig "

Pano ako makikinig sayo? Eh puro Krystal yang bibig mo! Edi sana sya nalang sinama mo dito sa park di ba? Nakakahiya naman sayo ?

" Ayy .. Ano nga ulit yun? "

Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan yung mga kamay ko na nasa mesa , nasa parang isang cottage kasi kame . alam mo yun , yung sa mga resorts ? Ganun . Pero nasa park kami .

" May sasabihin kasi ako sayo eh . "

Dug...Dug...

Ano to? Eto na ba ? Eto na ba ? Eto na ba yung sagot sa matagal ko ng dasalin?! Aamin na ba siya sakin?? Tumingin ako sa mga mata niya , at ganun din siya sakin .. Nang bigla akong nakaramdam ng ... kaba ? Ano to?

" Ano ba yun? May pahawak hawak ka ba ng kamay .. Aamin ka na ba ha? Hahaha! "

" Oo , Julienne aamin na ko . "

Omygosh! Eto na ba talaga? Gosh! After 3 years naming pagkakaibigan . Pang 4 years kasi namin to ngayong taon! Anyways! Eto na ba talaga ? Pero kinakabahan pa din ako eh .

" Ahmm .. Teka ? Paano ko ba sasabihin sayo to ? Ahmm . Bes ? Kami na ni Krystal bes! Sinagot na niya ako! Ay grabe bes! Alam mo ang saya saya ko talaga ngayon! Grabe out of this world yung saya ko bes! "

Ouch!
Lesson Learned : Wag mag assume basta basta . masasaktan ka lang ng bongga! That's it! Wala na . wala na talaga ...

" Ta...Talaga bes ? Ay grabe! ... Im...Im so hap..py for you! "

Sabay ngiti ng pilit! Ay grabe! Best actress ka Julienne! Pwede ka nang magartista! Sus! Ang galing! Galing mo talaga! Isa kang malaking tanga at masokista! Great! Bakit kasi Ikaw ba Blake ? Ang dami namang iba dyan .. Bakit ikaw pa ? Yan! Yang si Krystal ngayon mo lang nakilala yan nainlove ka na agad ? Eh ako? Halos apat na taon mo ng kilala ni isang spark wala ? Wala talaga? Grabe! Puro ka Krystal! Wag mong ihaharap sakin yan! Magkakasala talaga ako! Gagawin ko yang pinulbos na Krystal!

" Hahaha! Talaga bes ? Grabe! Ang saya saya ko! Kaya nga kita niyayang lumabas eh . Kasi sasabihin ko sayo ang magandang balita . Alam ko pa naman ugali mo , mamaya mahurt ka pa sakin pag di ko sinabi sayo .. Syempre magbestfriend kasi tayo :) "

Aba! Kaya pala! Anong maganda dun ha ??? Dapat nga di mo na lang sinabi eh , mas lalo kaya akong nahurt nang sinabi mo yun! Alam mo ba yun ha ? Tss! Yeah! Yeah! Right! Magbestfriend LANG nga kasi tayo! Pssh!

" Ayy! Bes! Nagtext si Krystal sakin . Nagpapasama kasi siya sa mall . Uhmm . Okay lang ba kung iwanan na muna kita dito? Sasamahan ko lang siya ? "

Krystal nanaman! Bakit ba ang manhid manhid mo ha? Lumaklak ka ba ng anesthesia ha? At hindi mo ko maramdaman ha?

" Yeah! Yeah! Sure go ahead "

" Ihhh? Bes? Nagtatampo ka eh "
" Huh ? Ako bakit ? "

" Nageenglish ka . Sa tuwing magagalit o magtatampo ka kasi nageenglish ka eh .. "

Alam mo naman pala eh!

" Sus! Hindi! Sige na .. Alis na .. Masamang pinaghihintay ang babae "

" Talaga bes ? Thank you! Sige aalis na ko! Bye! Ingat ka bes ha! "

Haaaay! Oh di ba ? Im so very very very tanga! Tss! Bakit kasi ganun siya sakin ? Sweet , Mabait , Caring , Understanding .. Sinong hindi maiinlove di ba ? Yan ang hirap pag bestfriend mo lalaki eh , hindi maiiwasan ang maFall ng hindi mo sinasadya .. Ayewan ko ba!

Eyy? Dumidilim na pala .. Dapat siguro umuwi na ko eh .. Habang naglalakad na ko palabas ng park , bigla na lang lumakas yung ulan .. Ehh?? May naramdaman akong mainit na mga patak sa muka ko ... Luha ? Ay great! Eto yung mga luha na kanina ko pa pinipigilan , swear! San may audition para magartista? Ang galing kong umarte eh! Nakikidalamhati sakin ang langit , namatay na ang pagasa kong mahalin niya rin ako ..

Bakit kasi ang manhid manhid mo ha? Bakit hindi mo ko magawang mahalin pabalik ha ? 4 years! 4 years mo na kong kilala pero ni isang kahit konting kilig pag ako yung kasama mo wala! Ako yung taong laging nasa tabi mo pag kailangan mo ng tulong! Ako yung taong nasa tabi mo pag wala ni isang kumakampi sayo! Ako yung taong ginagawa mong reserba! Yung taong tatawagin mo pag may problema kayl ng Girlfriend mo! Ako Blake! Ako yung taong nagmamahal sayo! Ako yung taong laging nasasaktan pag may iba kang kasama .. Ako! Laging Ako ...

Kelan mo ba maibabalik lahat ng pagmamahal ko sayo Blake ? Kelan ?
Ang sakit malaman na kahit kelan hindi siya magiging sayo ..

" Bes ? "

Yung boses na yun! Bigla akong napalingon , at tama nga ako! Si Blake .. Pero bago pa siya makalapit tinalikuran ko na siya at naglalad ulit palayo . Basang basa na pala ako ng ulan ..

" Oyy Bes! Julienne! Ano ba , ganyan ? Iwanan na tayo ? Para ka namang tanga eh! "

Wowha! Bigla ko siyang hinarap.

" Ako ? Ako pa ngayon ang nangiiwan Blake? Ako! Sino ba satinn ang unang umalis? Sino ba satin ang unang nakalimot na ngayon! Ngayong araw na to dapat tayo lang yung magkasama? Ako ba? Siguro nga tanga ako kasi alam mo , minahal ko kas yung bestfriend ko eh , ang tanga tanga ko kasi hanggang ngayon umaasa pa din ako na mahalin niya ko pabalik , akala ko baka pwedeng mangyari yun kasi super close naman kami . Pero dahil nga tanga ako . Mali ako . Kahit kelan di niya ko mamahalin! "

Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin .

" Sorry Julienne .. Sorry "
Pinaghahampas ko , kung ano anong ang pinagsasabi ..

" Ang manhid manhid mo Blake! Bakit kasi ikaw pa ? Bakit siya ? Di ba pwedeng ako na lang ? PLEASE , AKO NA LANG! "

Bigla siyang bumitaw ..

" Sorry pero mas mahal ko siya "

And that's it ..
Wala na ang Bestfriend ko ..


















Ayun! So kamusta naman po ? Any reactions ? Comment na lang sa baba ;)
Ikalat sa lahat ng relate na relate :)

FOLLOW.COMMENT.VOTE.

@mysweetestgirl

Please, Ako na lang! [ OneShot ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon