Garrete's POV
"Hi, Father Klaus, I'm Margarette Yla Lupeca, your future wife!"
Buong sigasig kong wika dahilan upang mapanganga silang dalawa ni kuya. Narinig ko pang may nabasag at nang tingnan ko ito ay laglag din ang panga ng madreng kausap ni Father Thok kanina habang puno ng mga bubog ng plorera ang sahig. Napa-sign of the cross na lamang ang ginang bago nagmamadaling pinulot ang mga basag na piraso ng plorerang hawak nito bago nagmamadaling umalis.
Napakibit-balikat na lamang ako bago muling ibinaling ang tingin sa kaharap na dalawang lalaki, na ilang minuto siguro bago makabawi sa aking grand entrance. Hagikgik na lamang ang nagawa ko para maitago ang tila kamatis kong mukha. Halatang-halata ang pamumula ko dahil na rin sa mala-gatas kong kutis.
Kahit naman kasi papaano ay may kahihiyan pa rin ako sa katawan, hindi lang halata minsan. Nang makabawi si Kuya Nico ay isang tikhim na lamang ang nagawa nito bago kakamot-kamot ng batok akong iniwan kay Father Thok na hanggang ngayon ay tila estatwa pa ring nakatitig sa akin. Bakas ang pagkagulat sa mukha nito na ikinatawa ko ng bahagya bago ko sundutin ng bahagya ang pisngi niya para matauhan. He immediately fix his posture and look at me after I did that. He then cleared his throat as if something was stuck in it before talking.
"Sorry, Miss Lucepa, ngunit ikaw yata'y nagkakamali. Ako ay nanumpa sa Diyos at ito ay hindi ko nais na baliin." A smile was crept onto his face as he said that. It makes me frown but immidiately brings back my smile and this time it was a sarcastic smile. Pasalamat siya at crush ko siya kung hindi sinampal ko na siya.
"I . . . don't . . . care," I emphasize every word that I say before turning my back at him, a little bit annoyed. How dare him to use God as a way to turn me down?! Sa ganda kong ito?
"What happened to your face, little sis?" may pang-uuyam na wika ni Kuya, dahilan upang mas lalo akong mainis. Isang ismid na lamang ang aking iginawad sa kaniya bago sumakay sa sasakyan at pabalibag na isinara ang pinto ng kaniyang kotse, dinig ko ang malulutong nitong mura habang pasakay ng sasakyan.
Isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin ngunit mabilis ko itong ginantihan ng badtrip na tingin, sa huli siya na rin ang napagod sa kakairap sa akin.
Hanggang makauwi sa bahay ay aburidong-aburido pa rin ako. Rinig ko rin ang reklamo ni kuya sa litrato nila mom and dad tungkol sa pagod na dinanas niya sa paghatid sa akin sa Batanggas pero wala na akong pakialam, masyado akong wala sa mood para suyuin pa siya.
Kinabukasan, bagama't may inis pa ring nararamdaman ay isinantabi ko na lamang iyon. One of my friend suggested that I can pester him online. Pero hindi ko sinabi na pari ang crush ko, baka bigla nila akong palaklakin ng holy water, dahil makasalanan ako.
Kaya pagkagising na pagkagising ko ay agad kong binuksan ang social media account ko at hinanap ang kaniyang pangalan.
'Thosmadeus Klaus Lim.'
Nang mahanap ay agad ko siyang pinadalhan ng text.
To: Thok in my heart
'Hi, Father Klaus! Good morning!'
- From your Yla-laban ka hanggang dulo.Ang profile nito ay tanging rosaryo lamang at 'ni isang post ay wala siya.
Ilang minuto ko siyang hinintay na mag-reply ngunit wala ni isang dumating. Hanggang lumipas ang linggo na kahit seen man lang ay hindi niya nagawa. Kaya hindi na ako nakatiis at tinanong na si kuya tungkol dito.
"They have policy in the church, a priest must only use their social media accounts for live masses and deactivated their account after. Kaya kahit anong gawin mo 'di talaga yan magre-reply sayo."
That's the exact word Kuya Nico said, kaya sa mga nagdaang linggong iyon ay matamlay ako pero hindi pa din ako sumuko sa halip ay halos linggo-linggo akong dumadayo sa Batanggas, hindi para magsimba ngunit para makita siya.
"Miss Lucepa, what are you doing here?" hindi ako agad nakasagot dahil ito ang unang beses na narinig ko siyang mag-english at magsisinungaling ako kung sasabihin kong pangit itong pakinggan sa kaniya, dahil sa totoo lang parang natural na ito sa kaniya. Idagdag pa ang accent nito na hindi nakaligtas sa aking pandinig.
"Miss Lucepa?"
"Ay, palahi po!" halos gusto ko na lamang magpalamon sa lupa ng mga oras na iyon sapagkat halos magtinginan sa akin ang mga taong nasa aking likuran na tulad ko ay nais lumuhod sa palad ni Father Klaus bilang paggalang.
"S-Sorry, peace," iyon na lamang ang siya kong nagawa bago patakbong tinungo ang sasakyan. Humahangos akong sumakay sa aking kotse at halos ipukpok ko na ang sarili sa manibela sa kahihiyan.
Nabalitaan ni Kuya Nico ang kahihiyang nagawa ko kaya halos hindi niya ako tigilan sa kakaasar, sa bwiset ko sa kanya ay mabilis kong chinat ang girlfriend niya at pinakita ang kahiya-hiyang litrato ni Kuya.
Ang ending parang may giyera sa bahay sa sobrang init ng labanan namin ni Kuya Nico ng tingin sa tuwing kami ay magtatagpo.
Gabi na ng matapos ko ang halos tambak na gawain sa firm. Napakadaming mga transaksiyon ang kinailangan kong irecord kaya kahit ayaw kong umuwi ng gabi ay napilitan ako
"Ayan, sige landi pa kasi, Garette," pagkausap ko sa aking sarili na ikinangiwi ko.
Dis oras na ng gabi kaya naman wala akong choice kung hindi ang lakarin mula sa firm na pinagtatrabahuan ko hanggang sa pila ng sakayan sa kabilang kanto. Hindi ko nadala ang kotse ko dahil nasa pagawaan pa ito.
At nasabi na rin naman ni kuya na hindi niya ako masusundo dahil may flight sila ni ate Gilz patungong Singapore para sa business trip nila. Sa edad na thirty-five ay may sarili ng kompanya si kuya sa tulong na din ng girlfriend nito na si ate Gilz.
Mabilis kong niyakap ang aking sarili ng maramdaman ko ang lamig na hatid ng gabi na nanunuot sa aking mga kalamnan. Halos wala ng mga ilaw na nagsisilbing liwanag sa aking dinaraanan kaya naman nakaramdam ako ng kaunting takot lalo na ng makarinig ng mga kaluskos sa aking likuran.
Palinga-linga ako habang paunti-unti ay pabilis nang pabilis ang aking lakad ngunit naantala ng may mga kamay na humigit sa akin.
"Father Klaus!"
*******
Lucepa (Lu-se-pa)
Yla (Yi-la)
Gilz (Ji-lls)Your comments and votes were highly reccomended
YOU ARE READING
Priest Be With You
Romance"Kung hindi ka magiging akin, magpapari na lang ako." -Thok Garette Yla Lucepa, isang babaeng masayahin ngunit sa kabila ng kaniyang mga ngiti ay may lungkot na nakakubli. Sa pagdating ng isang taong may malaking parte sa kaniyang buhay muli kayang...