14

4 1 0
                                    

A short update for tonight. I'm busy kasi these days kaya hindi agad nakapag update.

Don't worry, because I'll try to write a little bit fast. Unconditional Love will end very soon. 12 chapters nalang! And we'll say goodbye to Thad and Farhana! May mga revelations pang mababasa sa mga upcoming chaps. Kaya be ready! Mwah! :<3

..

THAD

NANGINGINIG ang mga kamay ko habang naghihintay kami sa labas ng room kung saan ipinasok si Farhana.

Hindi ko alam at lalong lalo na ang mga nurse at doktor kung bakit siya biglang nanginig.

Naaalala ko pa kung paano siya nangisay at namumutla habang pilit na lumalaban kanina.

I felt sorry for her. Leaving her earlier is a wrong move, a really wrong one.

Napatayo agad ako ng bumukas na ang pinto ng room, at lumabas doon ang doktor na malungkot ang mukha.

"K-Kumusta na ho yung anak ko? D-Doc.. kamusta na po yung lagay niya? Okay na po ba siya?" Naiiyak na tanong ng ina ni Farhana.

"I'm sorry, but no she's not okay." Tugon ng doktor.

"A-Ano pong ibig sabihin ninyo?" Kinakabahang tanong ulit ng Ina ni Farhana.

"Umatake ang kaniyang leukemia kanina, at ang mas ikinakakaba ko ay stage 2 na ito. At mas lalala ito kung aabot ito ng stage 3." Nag aalalang tugon ng doktor.

Farhana have leukemia?! Bakit hindi niya sinabi?!

Nanglambot ang mga tuhod ko dahilan para mapaluhod ako sa sahig.

Agad akong inalalayan ni Johann patayo.

"K-Kuya Thad! Ayos ka lang ba?" May bahid na pag aalala sa boses niya.

"Y-Yeah, I'm fine... don't worry.." Nanghihina kong tugon.

"Sure ka ba jan? Kuya Thad? --- Kung kailangan niyo po ng tulong ko nandito lang ako."

Tipid lang akong ngumiti sa kaniya.

"Do you feel anything? Mr. Montemayor?" Tanong ng doktor.

"Y-Yes..I'm fine doc."

..

PARANG nakalutang sa ere ang mga paa ni Farhana habang naglalakad.

Hindi niya alam kung naglalakad ba talaga siya o lumulutang.

Napapalibutan siya ng mga lavender. Nakaka relax iyon. Na kahit papano ay naibsan ang paninikip ng dibdib niya at gumaan ang pakiramdam niya.

"Farhana.."

Napalingon siya sa gawing kanan niya kung nasaan nanggaling ang boses na iyon.

"Farhana.."

Napalingon naman siya ulit sa gawing kaliwa niya pero wala pa din, wala pa din siyang makita.

Eh sino ang tumatawag sa pangalan niya?

Nagkibit balikat nalang siya, pero bigla niyang naramdaman na may pumisil sa kaniyang palad. Subalit, nang tingnan niya iyon ay wala naman.

"Farhana, milady... please wake up now..." Narinig na naman niya ulit ang isang pamilyar na boses.

Napalinga linga siya sa paligid niya pero wala siyang makitang nagsasalita.

"Farhana...."

"Farhana..."

"Farhana Jasira..."

Para siyang mababaliw sa kakaisip kung sino talaga ang nagsasalita at tumatawag sa pangalan niya.

Napatakip siya sa kaniyang tenga, subalit naroon parin ito at naririnig pa din niya.

"Aaaah!" Napasigaw na siya.

Hindi niya alam pero bigla nalang siyang nawalan ng malay.

,

PAGMULAT niya sa kaniyang mata ay ikinagulat niya iyon.

Tumambad agad sa kaniya ang puting kisame. Ngunit, ang kaniyang ipinagtataka ay kung bakit naririto siya ngayon. At bakit wala siya sa lugar na puno ng lavender?

Iniayos niya ang kaniyang paningin bago igala iyon. Pero ang ikinagulat niya ulit ay ng makita ang taong nagpatibok ng puso niya.

Na kahit kailan ay hindi niya ipinakitang may gusto siya.

Wala sa sariling naiusal niya ang pangalan nito.

"Thad..." Usal niya

Kahit na may nakakabit na dextrose sa kamay ay hinawakan niya ang buhok ng lalaki.

She gently caressed his hair with her soft hands. While he is asleep.

Asleep because of waiting for her to wake up.

Wala sa plano niyang umiyak, pero naramdaman nalang niyang tumulo na ang iilang butil ng luha galing sa mata niya habang ginagawa iyon.

"Mahal kita..." Sa wakas ay nasambit niya ang salitang gustong marinig ng lalaki mula sa kaniya.

Pero sa kasamaang palad ay tulog ito.

"M-Mahal na mahal kita Thad Montemayor." Naiiyak niyang sambit.

"P-Pasensya ka na kung hindi ako magtatagal sa mundong ibabaw dahil sa sakit ko. Pero gusto ko lang malaman mong mahal kita. Sobra. Kaya kung naririnig mo ito, sana maramdaman mo kung gaano kita kamahal. Hindi ko man maiparamdam sayo at maipakita. Basta pinaniniwalaan ko na ang nararamdaman kong ito. Mahal kita Thad Montemayor..." Mahabang litanya niya na naluluha.

Tuluyan na siyang naiyak habang ang kamay niya ay nasa ibabaw ng ulo niya.

Nabigla siya nang gumalaw si Thad at tinitigan ang mata niyang pulos luha.

"F-Farhana...y-you're awake..are you okay? Are you feeling well now? Are y-" Not thinking twice she kissed his trembling lips.

She'll take every second, minutes, hours, days with him. Though she can't live forever and can't stay by his side forever.

She love him.

Really really love him.

She felled in love with him.

Little did she know that something bad might happen after this moment.

..

UNCONDITIONAL LOVEWhere stories live. Discover now