15

8 1 0
                                    

#UnconditionalLoveChap15

THAD

She loves me.

And I love her.

She was enchanted to meet me.

And it was enchanting to meet her.

Yet she feels she's in a field of Dandelions.

Yet I wish on everyone that she'll be mine.

FARHANA

"And I miss screaming and fighting and kissing in the rain~"

"And it's 2am and I'm cursing your name~"

"So in love that you act insane~"

"And that's the way I loved you~"

"Breaking down and coming undo-"

Hindi ko na natapos ang pagkakanta ko nang biglang naputol ang kanta sa cellphone ko dahil may tumatawag.

Agad ko namang sinagot iyon.

"Hello po?" Tanong ko matapos ko masagot ang tawag.

"Kailangan mong pumunta rito Farhana! Sa baybayin! May nakuhang napakaimposible ang Ama mo! Dalian mo!" Rinig kong sigaw ni Ina sa kabilang linya.

Magtatanong pa sana ako, ngunit ibinaba na niya ang tawag.

Nagmamadali akong bumaba sa kwarto ko at lumabas na ng bahay patungong baybayin.

"Ano po iyon Ina?" Tanong ko ng makarating sa puwesto nila.

"Halika nak! Tingnan mo itong kwintas na ito! Kumikinang ang diyamanteng kulay berde bilang pendant nito!" Nakangiting saad ni Ina sa akin.

Nangunot ang noo ko ng makitang may nakaukit na salita sa likod ng pendant ng kwintas.

"Ina, pahiram muna ah may titingnan lang ako." Paalam ko at ibinigay naman niya, bago siya pumunta sa direksiyon ni Ama na malayo layo sa akin.

"A & T"

Yan ang naka ukit sa likod ng kwintas.

A... ano nga ang ibig sabihin nito?

At tsaka ang T... ano din?

Naramdaman ko bigla ang paninikip ng dibdib ko. Napaluhod ako sa buhangin.

"M-mama...t-tulong.." Napahawak na ako sa aking ulo dahil kumikirot ito sa sakit. Parang maya maya lang ay mahihimatay na ako.

Nandidilim na ang paningin ko. At bumagsak na ako sa buhangin.

Hawak hawak pa din nang aking palad ang kwintas.

..

TANYA

"Aaaaah! Let's get this party starting! Hoooo!" I shouted my lungs out as I drank up a glass of Margarita.

I don't care, it's my birthday anyway.

No one can stop me. Even my parents.

I walked towards the counter table and sat at the chair there.

"Yo, kumusta ka na Tanya? Magaling na ba ang sugat na natamo mo sa pakikipag sabunot kila Ella?" Tanong ni Methyl na may panunuyang tono.

Agh! Nakakairita!

That Elle really is getting on my nerves! Ang kapal niya para sirain ang Gucci na bag ko!

Well, even though it happened last last day it always disturb me!

My heart really broke into pieces, when I saw them cutting my bag!

UNCONDITIONAL LOVEWhere stories live. Discover now