Chapter 1: The Beginning

230 8 0
                                    


Kathryn's POV:




"ANAKKK !. Bumangon ka na nga dyan. Magtatanghali na oh. Ipagtimpla mo ko ng kape ! " nagising ako sa sigaw ng nanay ko. Parang ambilis naman yata ng tulog ko. Feeling ko pumikit lng ako tapos pagmulat ko umaga na..




Hayyyy.. buhay nga naman parang life.


Dali-dali akong bumangon at nag-inat sa hangin. Kinuha ko muna ang glasses ko at nagsimulang pumunta sa kusina para mapagtimpla ko na ng kape ang nanay.



Minsan kasi may pagka-demanding yan eh. Dapat kapag inutos nya wag kanang magatubiling hindi sundin. Kasi tiyak ang aabutin mo ay walang hanggang sermon.

Yan na kasi ang naging ugali niya simula noon. Sa totoo lang anak ako sa labas. Hindi ko nga rin alam kung sinong ama ko eh. Basta kapag tatanungin ko si nanay tungkol diyan laging mainit ang ulo. Kaya ni minsan hindi ko nalang sinubukang tanungin ulit.

Mabait naman yan eh. Lulong nga lang sa sugal at alak. Lahat ng kinikita ko napupunta diyan.


Feeling ko nagkaganyan yan dahil kay tatay..

Speaking of tatay.. ano kayang itsura nya ?  Gwapo kaya siya ? Hahahha. Tsaka nasan na kaya siya.. ?? may kapatid pa kaya ako sa kanya . ?? O buhay pa kaya sya ?? . Alam niyo ang daming tanong na pumapasok sa utak ko. Pero hindi ko alam kung may kasagutan pa ba.



Matapos kong mapagtimpla ng kape si nanay dumiretso na ako sa harap nya at inabot yon.



"Anak, m-may e-xtra ka pa ba diyan ?? Kas----" pinutol ko na ang sasabihin niya kasi alam ko naman na ang kasunod nun eh.



"Alam ko na yan nay. Manghihiram na naman kayo ng pera sakin no ?? " tanong ko sa kanya. Parang nahihiya pa siyang tumango.


"Diba ang galing kong manghula ??..Alam nyo nay, bat kasi di na lang kayo tumigil sa pagsusugal nyo ? Alam nyo bang para na kayong adik nun?" Tanong ko sa kanya... may halong pag-aalala sa tono ng boses ko.




"Eh anak hindi naman ako magsusugal ngayon eh. Para kasi yun sa pambayad ng kuryente nagastos ko na kasi" sabi ni nanay.




"Yun lang nama----ANOOOOOO??? Yung pambayad sa kuryente nagastos nyo pa ?? Nay naman eh. Yun na nga lang ang natitirang pera ko tapos ... " hindi na ako pinatapos ni nanay nang bigla siya nagsalita.



"Anak, nagkautang kasi ako sa bombay sa binili kong orocan. Baka ipakulong ako nun pag hindi ako nagbayad. Ilang buwan na rin kasi siyang pabalik-balik dito so ayun, hindi ako tinantanan at siningil. Sakto naman na yung perang pamabayad natin sa kuryente ang natitirang pera ko na lng nung mga oras na yun. So binigay ko na kesa naman pagchismisan ako nung mga kapitbahay nating makakati ang mga dila at ma eskandalo pa ko" pagapapaliwanag niya.




"Oh siya sige nay.. maghahanap na lang ako ng bagong raket nang sa gayo'y hindi tayo maputulan ng kuryente" mahinahong saad ko sa kanya.

"Sorry talaga nak" parang naluluhang sabi niya..



"Okay na yon nay.. gagawa na lang po ako ng paraan." Sabi ko. Pero sa totoo lang hindi ko alam mung pano..


*ting*  Teka may naisip ako.....
.
.
.
.

Si Rr.



Agad naman akong nagbihis at pinuntahan ang kaibigan kong bakla na si RR. RICARDO ROBLES for short !. Hahahhahhahahhaha...
Madami kasing alam yun eh..



------
END OF CHAPTER.

Hi !!! . So how's chapter 1 ??..
50 votes for the next chap.. thanks po..

#kitty
#lovelots

My Sudden BoyfriendWhere stories live. Discover now