User

12 1 0
                                    

"Jes!! Jes!! Andyan ka ba Jes?!!" sabi ko habang kinakabahan. Pano nakulong kasi ako sa isang kwarto dito sa School Bldg. Nakakatakot pa kasi yung switch ng ilaw sa room dahil nasa labas baka patayan ako.

"Hahaha. Nagpapanic ka kaagad?!!" sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Jes?!! Hoy ano ba?!! Bubuksan mo ba yan o what?!!" sigaw ko. "Baka nakakalimutan mo 7pm na baka ma-lockan tayo dito ng guard!!"

"Ano ka ba naman Aicell!! Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Syempre naman may tiwala ako sayo. Kaso natatakot na talaga ako kaya buksan mo na yang pinto di na ako natutuwa sa birong to."

"Mukha ba yang biro?!!" sabi niya sabay tawa.

"Teka anong ibig mong sabihin?!!! "Hoy Jes?!!" sigaw ko sa kanya. Pero di siya sumagot at nadinig ko ang tunog ng mga yapak niya papalayo sa akin. Tapos bigla nalang
.
.
.
.
.
.
.

"Mam Aicell!? alas-sais na po. Gising na po Mam.May pasok pa po kayo ng alas-syete" sabi ni Yaya Melly habang ginigising ako.

"Ha? Ay oo." tipid kong sabi.

"Nakahanda na po ang pagkain niyo Mam" pahabol pa niya.

"Sige. Susunod nalang ako"

Grabe!! Akala ko totoo na! Di pa rin pala ako tinitigilan ng mga nightmares na to! Haist tapos puro pa tungkol sa bestfriend ko, kay Jessica.

Kaso napansin ko sa pananaginip ko ng sampung araw, (oo 10 nightmares, tibay ba?) magkakaparehas lang ng ending. Ang ending lagi ay iniiwan ako ng Bestfriend ko. Haist nakakainis na ang ganito.

Sana puro panaginip lang, sana di magkatotoo. Di ko alam ang gagawin ko pag nagkahiwalay kami. Limang taon na kaming mag-kaibigan at siya lang ang lagi kong inaasahan sa lahat ng problema ko.

xxxxxxxx

Bumaba na ako sa dining room at kumain. Baka ma-late pa ako, mahirap na. First day of school pa naman.

Habang nasa baba ako at kumakin bigla nalang akong may nakitang nakatayo sa kusina di naman to si Yaya Melly. Isang babae.

"So nakikita mo ako?" sabi niya at lumingon sa akin. Nakita ko ang mukha niyang pamilyar.Teka! K-kamukha siya ni Jessica!! 0_0
Doppelganger ba to ni Jes?

"A-ah O-oo e-eh." sabi kong nangangatog.

"Ahh. So panahon na talaga para malaman mo ang tungkol kay Jessica." mahinahon nitong sabi.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

At bigla nalang nawala ang babae


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

User (Shots for Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon