14

133 3 1
                                    

"Do you like it?" Tanong ko kay Stella ng makitang nakatingin ito sa isang yellow na dress.

Naisipan ko na magmall kami total ay linggo ngayon. Wala naman kaming masyadong gagawin sa bahay kaya ito  at nagmalling na lang kami.

Pero hindi nakasama si Nanay Selia dahil may fever ito kaya nagpaiwan na lang ito sa bahay. Pero nangako naman kami ni Stella na bibilhan siya ng regalo.

"A-Ah hindi hindi. Hindi ko gusto." Saad nito pero alam ko namang hindi totoo iyon.

"Hey, don't  lie in front of our princess. We know that you like that dress." Nakangiting asik ko saka senenyasan siya na kunin ang dress.

"P-Pero ang dami mo ng binili para sa akin--sa amin. Huwag na. Ayos lang." Umiling naman ako saka ako na mismo ang kumuha ng dress. Narinig ko namang humagikhik si Astreed na karga-karga ko kaya natawa naman ako saka ibinigay kay Stella iyon.

"Tingnan mo 'yung sukat kung kasiya ba. Tapos labas ka at titingnan namin ni Astreed kung bagay sayo." Kahit alam ko naman na bagay sa kaniya lahat ng damit sa mundo.

Pft. I'm turning in to such a corny guy now.

Wala naman itong nagawa kaya naglakad na ito papunta sa fitting room at kami naman ng anak ko ay naupo sa may sofa at hinintay si Stella na lumabas.

"Hey little princess, are you hungry?" Tanong ko sa anak ko na nawili kakalaro sa hawak nitong cubes. Mula kaninang umaga ay dala-dala nito iyon at hindi binibitiwan maliban na lang kung hawak nito ang bottle ng gatas niya.

Hindi naman ako nito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalaro na tila walang narinig kaya natawa na lang ako saka pinanggigilan ang matabang pisngi nito.

Narinig ko namang biglang nagclick ang pintuan kaya naman napatingin ako roon. "B-Bagay ba?" Tanong nito.

Puno naman ng paghanga ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. "Of course! You look great." Saad ko habang nakatingin pa rin sa kaniya.

Parang ayaw ko ng alisin ang tingin ko sa magandang babaeng nasa harapan ko ngayon na nakasuot ng yellow na dress.

"Mula naman kanina ay 'yan ang sinasabi mo." Nakangusong saad nito kaya natawa naman ako saka tumayo.

"Dahil totoo naman. Kahit ano naman atang klaseng damit ang suotin mo ay babagay sayo." Nakangiting sabi ko.

"Napakabolero nito." Tatawa-tawang saad naman nito kaya nahawa na rin ako at natawa na rin.

"Totoo 'yung sinasabi ko. Right?" Tanong ko sa mga saleslady na nasa gilid at agad naman ang nga itong tumango.

"Pati sila ay dinamay mo pa sa kalokohan mo." Saad nito saka pumasok na ulit sa FR.

"I will buy a red and a yellow dress that she wear awhile ago." Tumango naman ang saleslady saka kinuha ang pula niyon.

Nakita ko na ang pulang dress kanina na katulad ng yellow na suot ni Stella. Balak ko na sanang ipakita iyon sa kaniya pero nagbago na ang isip ko. Mamaya ko na lang para surprise.

Nang natapos kaming maghanap ng damit ay dumeritso na kami sa isang kainan na andito lang rin sa mall.

Ako na ang nag-order para sa amin dahil busy si Stella sa kakalaro kay Astreed na humahagikhik.

Astreed is such a happy baby. She always smile and laugh with an unknown reasons.

"May gusto ka pa bang puntahan bago tayo umuwi?" Tanong ko sa kaniya kaya nag-isip naman ito.

"Maggrocery pa tayo." Sagot naman nito kaya nagulat naman ako saka natawa.

"No, that's not it. I mean, 'yung gusto mo? Baka may gusto ka pang bilhin o puntahan?" Tanong ko ulit sa kaniya pero umiling lang ito.

DREAM AND REALITY [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon