para kay anne.
hello mahal ko! una sa lahat gusto ko lang sabihin na salamat twitter at nakilala kita pati narin sa final exam kong palpak pero mas napalapit ako sa'yo. tawang tawa ako kapag inaalala ko 'yung bardagulan natin before, sinong mag-aakala na girlfriend na kita?
noong una kitang makita sobrang nagandahan ako sa'yo. hindi ko maiwas tingin ko kasi parang may something sa full bangs mo at namumula mong pisngi habang ngumunguya ka nang napakaraming pagkain sa bibig mo. napaka cute mo sobra. ang ganda din ng ngiti mo at genuine ka towards other people.
noong nakakasama na kita paunti-unti hindi ko alam pero parang may urge ako na gusto pa kitang makilala. sobrang interesting mo. minsan lang may maka pique ng interest ko lalo na sa babae pero ikaw, you did it so effortlessly. Na para bang simula pa noong una hawak hawak mo na ang puso ko at bitbit mo lang araw-araw.
sinong mag-aakala na dahil sa sunog na hipon ko mayayakap ko na ang pinaka magandang hapones sa balat ng lupa? sakupin mo ako, anne. ay mali, nasakop mo na pala buong pagkatao ko. hindi ka man lang nagtira, bakit nasa'yo lahat? napaka unfair mo talaga
pero ayos lang, sa'yong sa'yo lang ako. kapag kailangan mo ng makakasama sa hirap at ginhawa tandaan mo na hindi ako magsasawa sabihin na nandito lang ako para sa'yo. hindi lang as a boyfriend kundi bilang isang kapatid, o di kaya kaibigan.
gustong gusto ko kapag nagkwe-kwento ka na lang bigla bigla sa chats. kahit minsan nagugulantang ako sa mga chats mo hindi ko mapigilang mapangiti. "ako pala ang gustong makausap ni anne. hindi iba, kundi ako." ganoon palagi tumatakbo sa isip ko. at hindi ko mapigilang makaramdam ng kilig palagi.
alam ko na this is not just some random high school love anymore. buong buhay na 'to anne. hindi na kita papakawalan. buong buhay, ikaw lang. hindi ko na makita sarili ko na hindi ang hapones ko ang kasama ko. gusto ko, ikaw lang. palagi.
ikaw ang sentro ko. matagal mo na tinatanong kung ano ba ang ibig sabihin niyan. siguro dahil sa araw-araw, ikaw lang ang sentro ng isip ko. sa lahat ng bagay, gusto ko ikaw muna bago ang lahat. wala na akong pake sa iba anne, dahil sa'yo lang naka sentro buong atensyon at pagmamahal ko. sa lahat ng bagay, ikaw lang ang sentro ko. ikaw lang anne, palagi.
hindi naman ako nanghihingi pero sana ako lang din. mahal na mahal kita sobra. pasensya na sa napaka corny na message na ito alam ko hahampasin mo ako kapag nakita mo ako.
pero anne, ikaw lang ang sentro ko.
- nathaniel.
BINABASA MO ANG
Half Burnt (Book 1)
RomanceCouncil For Love Series #2: completed epistolary UNEDITED "Medyo sunog naman 'yung luto mo." Vice President Aubrianne Louisa "Anne" Rodriguez prefers to communicate with people on social media. She became known on Twitter as "luwiszella" after a fig...