185

1.7K 55 24
                                        

para kay ethan.

hello, mahal! si anne ito xx so first of all, sobrang thankful ako na nakilala kita: sa twitter man o noong final exam mo. basta ang alam ko, simula umpisa pa lang sa'yo na agad ako.

sorry sa mga naging away natin lorethanzo pero hindi ko makakalimutan yung mga memories natin sa online. kahit nakaaway kita, you actually made my whole year that time. salamat sa 8K followers na dumagdag noong twineet mo na crush mo ako hahaha

alam mo ba hanggang ngayon hindi ko pa din napro-proseso na nagustuhan mo ako? sobrang average ko lang di tulad sa iba. oo nga may lahi ako na hapones pero alam mo 'yon? nothing special ba sa'kin. palamura pa hahaha kaya hindi ko alam anong nakita mo sa'kin.

pero ang sarap pala sa pakiramdam, ano? yung pakiramdam na may nakakita sa'yo ng tunay tapos minahal ka pa.

ganoon ginawa mo sa'kin, ethan. hindi ko makita sarili ko kaya hindi ko alam bakit nagagawa mo pa ding halikan lahat ng takot at pangamba ko. when you kissed all the body parts that I'm insecured of, alam ko sa sarili ko, eto na. hindi ko na papakawalan 'to.

kasi sino bang magmamahal sa'kin maliban sa'yo?

kapag malungkot ako, ikaw kaagad unang nakakaalam. lulutuan mo kaagad ako ng paborito kong pagkain o di kaya ay yayakapin mo lang ako ng tahimik habang pinapakinggan mga iyak ko. walang... walang kayang gumawa sa'kin no'n.

yung pagmamahal mo sa'kin ethan sobra sobra na minsan hindi ko na alam kung saan ko ilalagay yung iba. natatakot ako na baka hindi ko nabibigay pabalik yung lahat.

pero hindi eh, sabi mo sapat na ako. palagi, sapat lang ako sa'yo kahit tingin ko sa sarili ko hindi.

mahal, pasensya na sa lahat ha? ganito pa talaga huling memories natin sa isa't isa. mahal na mahal kita, ethan.

ikaw lang din ang sentro ko, ethan. sa lahat, ikaw lang ang sentro ko. sa araw-araw, ikaw lang ang sentro ko. palagi, ikaw lang.

ikaw lang ang sentro ko, mahal. paalam.

luwiszella.

Half Burnt (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon